STELLA'S POV
Pasukan nanaman, hay. Ito nanaman tayo at kakaharapin ang isang panibagong nakakalokang taon na kung saan maraming pagsubok nanaman ang kakaharapin ko.
Nu'ng mga nagdaang taon, halos pare-pareho lang ang nangyari sa taon ko, nag-aral, nabubully, may mga sira-ulong kaibigan, normal at typical lamang na taon para isang normal na nilalang na gaya ko.
Napangiwi ako ng masikatan ako ng araw habang pagising ako, itong araw talaga na ito nagsisilbing pampagising ko eh, mas maliwanag pa sa future ko kung sikatan ako ng liwanag.
Ngayon nga pala ay ang first day ko sa school at third year na'ko sa college, isang taon na lang at makakalaya na rin ako sa nakakalokang pag-aaral na dinaranas ko sa araw-araw.
Kung tatanungin niyo kung pa'no ako umabot sa college, 'wag niyo nang alamin pa basta ang mahalaga malapit nakong magtapos, at basta buhay pa ako.
Napangiwi ako muli at bumaba na ako matapos maghilamos. Umupo ako sa upuan sa may kusina at sunod sunod na naghikab dahil inaantok pa 'ko. Hinihintay ko rin maluto ang aking pagkain, niluluto pa kasi ni mama nu'ng paggising ko.
At ayan na! Pagkalapag ni mama ng pagkain, sinimulan ko ng lumamon, sarap na sarap ako sa pagkain ng bigla akong mabilaukan dahil nakita ko nanaman 'yung uniform ko.
Agad akong napangiwi lalo na sa may bandang palda, ang igsi kasi. Hindi naman akong cosplayer o kung ano man para mag-suot ng ganyan na klase ng uniform. Uniform pa ba 'yan? UNIFORM NA 'YAN?
Kinakapos ba sila sa tela? Akala ko ba mayaman ang Mendez University, ang pangalan ng school na papasukan ko, sabi nila mayamang eskwelahan iyon, sikat at maganda ang kuwalidad ng pag-aaral pero ba't ganyan, uniform pa lang ekis na agad.
Parang mga pokpok naman tingnan pag ganyan, maari rin akong mabastos, hindi rin bagay sa akin ang ganyang klaseng damit, nakakasuka.
Ng matapos na'kong kumain, ginawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin.
Maging ang magbihis ng nakakairitang uniform na ito.Napatingin ako sa sarili ko sa salamin para tingnan ang repleksyon ko.
Bagay naman sa'kin kahit papa'no okay lang naman tingnan, hindi naman ako manang masyado para sa gantong damit, sadyang hindi ko lang trip ang mga ganito.
Kinuha ko na ang bag ko at dali
daling bumaba at agad na nagpaalam kay mama. Nandito na ako agad sa labas at naglalakad. So, habang naglalakad ako papuntang school. Magpapatugtog muna ako, para hindi naman ako papasok ng school na badtrip, at saka nakasanayan ko na rin ito noon.
Naglalakad ako banda sa gilid at pakanta kanta pa.
Pero sa kalagitnaan ng pagkanta ko sunod sunod ng busina ang narinig ko. Tinanggal ko ang earphones ko at agad na lumingon sa likod. Problema nito?
"Ano miss? May balak ka bang magpakamatay? Kung oo 'wag mo i-damay kotse ko!" galit na sigaw ng isang lalaki mula sa kotse. Ako? Magpapakamatay? Hindi ako tanga ha, at bakit ko gagawin 'yun?
Napakunot at naparoll eyes na lang ako dahil sa sinabi ng isang lalaki sa akin, ano ba 'yan kakasimula lang ng araw pero ganito na agad ang nangyayari.
Pero nagulat ako ng bumaba siya sa kotse at biglang tinanggal ang shades niya, exposing his good figure to me, pansin din na galit na galit siya.
"Miss? Alam mo bang mas mahal 'yung kotse ko kesa sa buhay mo? Kaya 'wag kang haharang harang kung ayaw mong mamatay?!"
gulat na sigaw niya sa'kin.Aba? Bakit ako, kasalanan ko bang tanga ka ha? alam mo pala na nandito ako ba't 'di mo igilid 'yang sasakyan mo? Ano ako mag-a-adjust para sa'yo, luh ka badtrip.
"Excuse me? Una sa lahat wala akong intensyon na magpakamatay praning ka masyado, TSKA HOY?! Mas mahalaga naman 'yung buhay ko kesa r'yan sa kotse mong cheap na kasing cheap mo at ng ugali mo! Bwisit," mariin kong sabi sabay walk out at patuloy na naglakad, nilagay ko rin ang headset ko sa tenga ko, my other way of saying na wala akong pake sa'yo.
At ayon, pumasok na'ko sa school at, alam niyo ba nakita ko 'yung kotse ni kuyang kala mo kung sino, duwag naman. At tska 'di na'ko nagtaka noh pareho kami ng style ng uniform, kaya agad kong napagtanto na taga rito siya nag-aaral.
Pagkapasok ko ng school, bumungad sa'kin ang panget na pagmumukha ng mga kaibigan ko. Ako lang ata maganda eh. Mga bestfriends ko nga pala.
Si Anna Fernandez, Kasundo ko 'yan sa lahat ng bagay. Siya ang pinaka close ko sa lahat dahil, pinaka sinasabihan ko ng problema ko.
Si Althea Nicardo, Medyo mataray 'yan pero 'yan ang laging sumasabat pag tarayan ang usapan. Medyo palaban din 'yan.
Si Polaris Dela Cruz, 'yan ang pinakapalaban sa amin. Sanay na sanay siya sa labanan. At siya ang pinakalaban sa group namin. Pero sobrang bait sa amin.
Si Samantha Perez Mabait 'yan. Parang siya yung kababata ko na girl version.
"STEEEEELLLLLLAAAAA," sabay sabay nilang sigaw sa akin. Argh, punyeta, ang iingay talaga nila kahit kailan.
"Bakit ba?" mainis inis kong tanong, hindi pa nagsisimula ang araw ko, badtrip na agad ako hay na'ko.
"Tara sa bulletin board. Doon daw nilalagay lahat ng importanteng notes at dates sa school. Pero may part ng board na kung saan nilalagay ng anak ng may ari ng school ang mga target niya. May nakasulat pa nga eh, may pinariringgan pa siya. Tara silipin natin," sabi sa akin ni Sam. Nakaka curious naman iyon at saka bakit parang kinakabahan ako? Para akong may nararamdamang mali, parang feeling ko involve ako roon. Pero bakit naman? Kakasimula pa lang ng araw ha.. hindi kaya..
Ewan ko ba nacucurious ako kaya ayon pinuntahan namin. Pagdating namin sa gitna may sticky note na may nakalagay na...
"Pagsalamat ka at good mood ako kanina, kundi lagot ka sa aking akala mo makakalagpas ka sa akin ha?! idadamay mo pa 'yung kotse ko sa kalokohan mo humanda ka sakin,"
Ayan ang nakalagay sa sticky note sa board. Akala ko kung ano man. Pero nang mabasa ko 'yung messege, agad akong tinaasan ng balahibo ko, nanlalaki rin ang mata ko at kumakabog kabog ang puso ko.Ugh, kasalanan ko bang bobo siya at sa kalaki ng kotse niya idadamay niya pa ako? Siya pa mas tanga sa'min eh. Amp. Dahil sa kaba ko, agad akong umalis sa may bulletin board.
"Stephany, bakit ka umalis?" tanong sa akin ni Polaris, sabay habol sa akin.
"Pake niyo ba? Chos, ano teka kwento ko mamaya!" mainis inis kong sabi at tinanguan lang naman nila ako. Hinila ko sila sa tahimik na lugar na agad na ikwenento ang nangyari. Mamaya at may makarinig pa sa ginawa ko at mayari agad ako.
Nakakainis at kasumpa sumpa itong araw na ito, hindi pa nagsisimula ang klase pero sobrang badtrip na agad ako. Ano ba naman kasi 'yan?!
A/N:
NIREREVISE KO PO ANG BAWAT CHAPTERS!!
BINABASA MO ANG
LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)
Teen Fiction-UNDER REVISION- Sabi nga nila, the more you hate someone, the more na ma-attach at magugustuhan mo siya, the more na aasarin ka niya, mafa-fall ka sa kanya. Stephany Ella Rios is a kind of girl na pa-hard to get, choosy, maarte pagdating sa pag-ibi...