CHAPTER 7: TUTOR

125 6 4
                                    

Stella's POV

Pagpasok ko sa room, hingal na hingal ako. Halos mahuli na ako kasi biglang nag-ring 'yung bell kaya dali dali akong tumakbo, tska may tinatakasan din ako.

Pa'no ba naman eh, tinakasan ko rin 'yung CJ na 'yun! Peste lagot ako mamaya. Katapusan ko na panigurado, hindi talaga matapos tapos ang isang buong araw na hindi ako gumagawa ng kalokohang magpapahamak sa'kin eh.

Maya maya dumating na 'yung teacher, nagsiayos na kami ng mga pwesto namin at kinuha ang notebook, masusulat lang kami ng notes panigurado.

Nakakapagtaka dahil wala pa rin siya.
'Di kaya napilayan ko?

Baka nasa clinic, sus ang OA naman niya sinipa ko lang tas napilayan agad, for sure nagpapaclinic 'yung baka siguro akala niya mamamatay na siya pfft.

Oo tama nasa clin---

"Sorry I'm late,"  halos mabitawan ko ang hawak kong ballpen ng biglang bumukas ang pinto at dare-dareto siyang nagsalita sa teacher na hindi manlang nito nilingon sabay dare-daretsong umupo sa tabi ko.

Isa lang ang masasabi ko, lagot na. 'Pag punta niya sa seat niya nag 'tsk' siya tapos humarap sa akin.

"Pinapasabi ni daddy na tutoran mo raw ako sa gym mamayang uwian. Titingnan niya tayo doon, at....."  sabi niya habang nakatingin sa board habang nakikinig sa teacher.

Tapos tumigil siya saglit kaya napalingon ako ng konti sa kanya

"At?......." tanong ko.

"At, lagot ka sa'kin sa pagtapak mo sa paa ko, hindi ko 'yun papalagpasin," matalim na banggit niya sa akin sabay smirk. Lagot na, hays ano ba kasing pinagagagawa mo Stephany.

Hay! Bakit ko ba kasi siya tinapakan? Well buti lang 'yun, nakakainis talaga siya kaya buti lang na tinapakan ko siya 'no.

Maya maya nilabas na rin niya ang notebook niya at nagsulat na rin, nagsusulat lang kami ng mga concepts sa aralin namin. Nu'ng nag-ring na 'yung bell hudyat na tapos na 'yung klase, pumunta muna ko sa cr bago dumaretso sa gym. Nag-ayos muna ako saglit para naman hindi niya ako laitin, well kahit naman anong ayos ko lalaitin niya pa rin ako dahil kupal siya, ganu'n siya kakupal.

Nagpulbo lang ako saglit at nagsuklay, ayoko ng maraming ek ek sa mukha at mag-make up pa at kung ano ano. Pumunta na ako sa Gym. Tumambay ako ng mga ilang minuto nang makita ko siyang naglalakad habang nakalagay ang parehong kamay sa bulsa ng kanyang pantalon, sisipol sipoo pa siya habang papalapit sa akin habang ako naman ay nakatitig ng masama sa kanya, alam ko na 'yang mga sipol sipol na 'yan eh.

"So it's you and me, again?"
sabi niya sabay upo sa tabi ko, medyo lumayo ako ng konti at nag-bungtong hininga saka inayos ang mga gamit ko especially mga notes at libro para mag-tutor sa kanya.

Hinarap ko siya saka tinignan na parang nasusuklam, nakakainis. Bakit ba kasi ako pumayag sa tutor tutor na ito, para akong timang dito. Wala rin naman siyang matututunan dito, mukha bang seryoso 'to sa pag-aaral, I don't think so. Mga gantong klase ng tao mga pa-chill chill lang sila sa buhay eh. Nagsasayang lang talaga ako ng oras.

"Ano sa tingin mo, mukha ba akong may choice?" muli ko siyang inirapan saka agad na binuklat ang librong hawak ko. Simulan ko na lang siguro sa Science, mas madali i-explain. Siguro Biology muna ang simulan naming pag-aralan...

"Wala eh, wala kang takas sa akin,"
lumapit siya sa akin saka sinabi iyan, napatigil ang katawan ko sa pag-function at tila nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Pagkatapos, lumayo siya agad sa akin at saka humalakhak ng pagkalakas-lakas.

LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon