Stella's POV
Grabe, nag-enjoy ako sa role play! Ang gagaling ng lahat lalo na iyong una syempre, especially iyong kiss part! Walang tatalo du'n, napakasolid, mula sa tilian ng lahat hanggang sa hampasan, nagwala talaga lahat nu'ng part na iyon.
Dahil du'n, nawalan ako ng energy at palabas na ako para bumili ng makakain, nakakagutom. Mas napagod pa ako sa role play kaysa sa Physical Education namin na subject.
Napaisip ako bigla kung saan ko ba nalagay iyong wallet ko, baka mamaya sa sobrang daming tao mahirapan pa akong maghanap ng wallet ko kaya habang papalabas at wala masyadong tao, rito ko na hahanapin.
Naglalakad ako habang hinahanap iyong wallet ko nang may biglang bumangga sa akin. At sa sobrang liit kong tao halos tumipon ako papunta sa mundo ng Encantadia, joke lang.
Halos ma-out of balance ako habang naghahanap ng wallet ko. Napatingin agad ako ng masama sa bumangga sa akin at nakita kong isa siyang hulog ng kalangitan. Isang matangkad na lalaki na naka-civilian, maputi at mukhang fafabells! Shet na malagkit, sige lang pala, kahit sampung beses mo pa akong banggain okay lang!"Umm, sorry miss, napatulala ka ata? Okay ka lang ba, tatawag ba ako ng ambulansya?" nagtataka niyang sabi.
Baka naman akalain nitong hampaslupang ito na nagugwapuhan ako sa kanya kaya ko siya tinititigan? Ang kapal naman talaga ng mukha niyang maging tama, hehe.
"A-ah, ano kasi sorry ano nabangga kita," sabi ko naman. Awkward ba ng pagkakasabi ko? Shet kinakabahan tuloy ako.
Pero parang may kamukha siya, hindi ko ma-figure out kung sino.
"You are?" tanong niya.
Aba? Tatanungin pa ako ng pangalan ko, grabe naman talaga akala niya siguro may gusto na ako sa kan'ya, bakit pangalan lang? Bakit walang kontak number? Walang FB? IG? Tiktok, eme.
You are ano umm, I'm yours hehe. Anong magandang puwedeng isagot, 'yung matutuwa naman guardian angel ko sa akin. "You are...human?" "You are...mine?" "You are...my everything?"
"Ella na lang," nahihiya kong sagot.
"Ang ganda naman ng name mo, maikli lang din, is that your nickname?" Curious niyang sagot.
Enebe keye, I do na kasi!
Hindi, hindi, no, no, no. Dapat nonchalant tayo, dapat pakipot, dapat mala-Maria Clara ang dating, hindi nagpapa-easy to get.
"Umm, yup. My name is Stephany," tipid kong sagot. Kitang-kita sa mukha niyang nagulat siya sa pagbabago ng tono ko. Shet, parang tanga, na-guilty naman ako bigla, para kasi akong baliw eh.
"Oh okay, I'm Jasper Padilla, I'm actually looking for my cousin, my guts are telling me na kilala mo siya kasi famous pinsan ko sa school niya haha,"
Ay. Pinsan? Umay, pinsan pa nga. Sa rami ng makikilala ko bakit related pa rin sa kumag na 'yun?! Iniiwasan ko na ngang madikit sa buthi ng pamilya niya tapos pinsan naman niya makikilala ko ngayon.
Fine, guwapo naman.
"Umm, hindi ko alam kung nasaan siya eh, pero may event kasi now baka nandu'n —"
"YOW, PINSAN!"
Nakarinig ako ng isang tinig na ayaw ko nang marinig na sana tinanggalan na lang ako ng tenga.
Lumapit sa kinaroroon namin si CJ kasama ang isang babae na hindi ko mamukhaan, baka lower batch, hindi na ako nagtataka.
"Yow bro, kumusta? Hinahanap pa lang kita eh, I'm hoping we could go for lunch? Sayang naman gasolina ko papunta rito," sabi ni Jasper.
Cute ng ngiti niya, ano ba 'to! Stop the world na nga. I'm dying na eh.
"Oh bakit kasama mo 'tong babaitang ito, lason 'yan pre! Iwas-iwas ka riyan, baka manuno ka, hahahahaha!" Sabi ni CJ sabay binilatan ako. Kupal na 'to.
Inirapan ko lang siya at akmang aalis na pero may humawak ng kamay ko.
Napalingon ako bigla dahil si Jasper pala humawak ng kamay ko.
"Can I invite you for lunch na rin? Treat ko lang kasi nabangga kita kanina, hehe, only if you're available ha?"
Shems, knight and shining shimmering spender, eme. Ano ba? Ayoko.
Ayokong tumanggi.
"Umm, would that be okay na sumama ako kasama ang isa riyan?" tanong ko.
"Sus, tanong-tanong ka pa, gusto mo rin naman. Tara na, balibag kita eh,"
asar niyang sagot.Bakit parang badtrip siya? Kasalanan ko bang inaya ako, parang ayaw ampotek. Pero para makalibre ng lunch, fine. Titiisin ko lahat.
Sumama ako sa kanila sa cafeteria, roon sila magla-lunch at nasa harap nila ako while magkatabi silang dalawa. Iniwan na ni CJ 'yung babaeng kasama niya.
Ew, parang laruan, puwedeng iwan kapag ayaw na at pagod na maglaro. Gan'yan mga lalaki, ka-bwisit!
Umorder lang ako ng Chicken Teriyaki na rice bowl at iced coffee na latte since lunch time kailangan ko ng pampalamig.
Napatingin ako sa gawi ni CJ habang ngumunguya at napansin kong nakangiti siya sa akin.
Pero iyong ngiti niya, genuine. Walang halong pang-aasar sa ngiti, walang halong ngisi, walang pangtr-trip. Just a genuine smile. Iyong ngiti na minsan mo lang makita sa isang tao, kapag alam mong galing sa puso iyong saya na nararamdaman niya. Its kinda, ewan. Cute to see him smile so softly.
Erase! Eme lang! Pangit pa rin niya, mukha siyang sinabawang slippers.
Napatingin siya sa malayo at pabalik sa kinakain niya nang mapansin ko.
"Bakit ka nakangiti riyan? Problema mo?" tanong ko.
"Wala, ang baboy mo kasi kumain, tapon-tapon, para kang grade 1 kumain," sagot nito.
Aba hayop, kahit kailan talaga hindi na naging maayos sagot niya.
"So how are you sa school na 'to, CJ? Balita ko umm, may tutor ka? Right? I hope tinuturuan ka at may natututunan ka from whoever that person is," sabi ni Jasper.
"Wala nga eh, 'lang kwenta 'yung nagtututor, masungit pa, kung chicks 'yan baka na-perfect ko na exam. Pangit na nga magturo, pangit pa mukha, paano ako magiging inspired niyan?" ngingiti-ngiti niyang sagot na may maya't-mayang tingin sa akin.
Bwisit na 'to, parang gustong-gusto ko siyang i-tutor, saksakin ko siya ng ballpen eh.
"Ohhh, try to focus pa rin, after all, grades mo pa rin naman 'yan and ikaw lang din makikinabang kapag tumaas grades mo matutuwa sila tito sa iyo," seryosong sagot ni Jasper.
Shet, green flag! May paki sa acads, omg. Wala na 'to, new crush, new inspiration, new everything and anything.
"Lols," tanging sagot ni Jasper.
Lols kasi wala siyang masagot, HA! Hindi siniseryoso acads kaya ayan, pasalamat siya mayaman parents niya kaya maganda pa rin buhay, hindi kagaya kapag hindi ka na masipag at hindi mo inaayos pag-aaral mo tapos mahirap ka, walang mangyayari sa buhay mo.
A/N:
May part two pa!
Enjoy reading. May mga grammatically errors pa yan at i correct ko pa pag may time.
Any suggestions?
I-comment na 'yan!
PS: Nirerevise ko po ang bawat chapter kaya please wag muna ijudge agad. I hope magets niyo parin yung story, Way back 2018 ko siya sinulat kaya napaka-jejemon HAHA!
BINABASA MO ANG
LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)
Teen Fiction-UNDER REVISION- Sabi nga nila, the more you hate someone, the more na ma-attach at magugustuhan mo siya, the more na aasarin ka niya, mafa-fall ka sa kanya. Stephany Ella Rios is a kind of girl na pa-hard to get, choosy, maarte pagdating sa pag-ibi...