Stella's POV
Nakarating na kami sa bahay, dare-daretso lang ako at tinitingnan ko kung susunod ba siya rito sa loob ng bahay. Pero mukhang susunod nga ito, anak ng tipaklong naman.
Pagkapasok ko, nanay ko agad ang bumugad. Patay na, sana hindi siya sumunod, aish!
"Stella! Umuwi ka na pala? Tara kain tayo---sino 'yang kasama mo?"
sabi ni mama pero naputol din nang makita niya si CJ.Tapos lumapit sa akin si CJ at tiningnan ko ulit siya na parang nagsasabing,
'Magpakilala ka'
Napatitig siya sa 'kin saglit bago tumungin at nagsalita kay mama.
"Ako nga po pala si CJ Mendez, owner ng Mendez University. Mamasyal lang po sana kami. Nice to meet you po," sagot nito sabay nagmano sa nanay ko. Wow, marunong palang gumalang 'tong lokong ito, akala ko kasi hindi eh.
Kita ko ang gulat sa mga mata ni mama, unang beses niya na sigurong magpakilala ng lalaki sa loob ng bahay at isang anak ng may-ari ng school pa ang naisipan kong dalhin dito sa bahay.
" Oh? Ikaw 'yung owner ng Mendez University? Wow! I didn't expect na kasama mo anak ko ngayon enjoy kayo ha? I-uwi mo na lang siya bago mag-lunch or kahit mag-lunch nakayo sa mall," sabi ni mama. Nakakagulat lang na hinahayaan niya akong lumabas. Wow, like ate lang ba? Si ate parang gustong gusto akong i-push sa lalaking ito ah.
Tss, ba't parang pabor naman nanay ko sa kanya, wow lahat na lang.
"Ah? Okay po,"
sagot naman ni CJ at tumingin sa akin. Ay oo nga pala, magbibihis nga pala ako."Ah Ma? Bihis lang po ako,"
Tapos iniwan ko si CJ sa sala. Bahala siya sa buhay niya.Bahala kang mag-entertain kay mama.
"Sige anak,"
So nag-shower lang ako tapos nag dress lang ako ng red na lagpas sa tuhod ko. Nag lugay lang ako ng buhok. Nag-powder at lip balm lang ako sa mukha. Perfect! Okay na 'yan.
Pagbaba ko ng hagdanan, nakita ko siyang naka-upo ng maayos sa may sofa namin. Nang makita niya ako napansin kong napatulala pa siya ng kaunti sa akin bago tumingin sa malayo.
"Ma! Alis na po kami!"
Tumango siya at lumingon kay CJ."Oh siya! Cj, right? Take care,"
"Yes tita,"
Sabay smile kay mama. Wow, bait naman.Inunahan ko na lang siya lumabas at sumakay ng kotse.
Nag-drive siya ng tahimik papunta sa mall. I didn't expect na magiging mabait siya ngayon.
Talagang kinareer niya yung mall thing na 'yun.
Pagpunta namin ng mall, pumunta kami sa isang shop na nagustuhan ko.
Sabi niya ay kahit saan daw kami magpunta. May pera naman akong dala kaya ayon.Pumasok kami sa isang shop dito.
"Ano'ng mas maganda? Blue or orange na tshirt?"
tanong niya sabay angat sa dalawang damit. Nasa isang boutique kami ngayon."Iyong blue, pero dapat pumili ka ng polo na gan'yang kulay, mas bagay sa iyo," Tapos tinuro ko 'yung polo. Ngitian niya naman ako at tumango siya.
"Oh? Okay!"
Nangmakabili na kami pumasok naman kami sa shoe shop. Nagbebenta ito ng lahat ng brand ng mga sapatos."Eh itong shoes? Nike or World Balance?"
"World balance na lang, mas maganda design at mas angkop sa itsura mo," sabi ko.
"K."
Matapos niyang mamili ay nag-ikot ikot pa kami nang makakita ako ng isang cute stuff toy na shop.
"Whoah!"
ANG CUTE NG STUFF TOY!!
"Oh? Steph bakit?"
Napalingon siya sa 'kin."Ang cuuttteeeeeee!"
"Ng?"
"Stuff toy!"
"The heck?"
Tapos balak niya nang umalis at maglakad na palayo pero pinigilan ko siya. Hinila ko siya agad papasok sa shop kahit nakakunot na ng sobra ang noo niya. Naka crossed arms pa siya habang nakatingin sa akin habang kinakalkal ko mga stuff toy dito sa shop.Kinuha ko 'yung dalawang stuff toy na alien isa green isa red.
Binigay ko sa kan'ya 'yung green.
"Ayan! Iyo 'yang alien na stuff toy na green akin 'tong red," masayang sabi ko sa kan'ya. Lalong napakunot ang noo niya habang ako nama'y may malawak na ngiti sa kan'ya.
"Aanhin ko 'to? Sayang sa pera ko!"
Pagrereklamo niya. Ayaw pa tanggapin eh, pakaarte."Treat ko na 'yan sa 'yo!" sabi ko sabay hagikgik.
"Oh?"
Itsura niya pa ayaw maniwala."Ikaw na bahala kung ano'ng ipapangalan mo r'yan,"
Pinisil pisil niya pa itong stuff toy na parang ewan.
"Ang panget naman,"
Sabay napakamot pa siya sa ulo niya."Dali na! Ang cute kaya! Ate? bibilhin ko 'tong stuff toy na dalawa. Ipaghiwalay mo po,"
sabi ko sa cashier at inabot iyong dalawang stuff toy."Yes ma'am!"
Tapos kinuha na niya at binalot, then binigay ko na 'yung pambayad sabay inabot kay CJ yung isang stuff toy."Hoohh! Ang alien na stuff toy para sa akin?"
"Akin din naman eh!?"
"Fine! Basta promise me na aalagaan mo 'yang binili mo at promise ko ring aalagaan ko ito, okay?" Pfft, para kaming mga bata na may inaalagaang kung ano.
"Yeeheeyy!! Thanks!"
Tapos syempre binigay na sa 'min."Kalahi mo talaga alien ah? Sa lahat lahat ng stuff toy sa mundo 'yung alien pa kinuha. Ba't 'di na lang 'yung teddy bear?" nagtatakang tanong niya.
"Kasi 'yung alien unique masyado. Tska ang cute naman eh. 'Wag ka nang choosy," pagtataray ko rito. Aba'y pera ko ang ipangbili ko riyan kaya 'wag siyang makareklamo.
"Okay,"
Tapos umalis na kami sa shop at naglibot pa ng konti at umuwi na rin.
Sumakay na kami sa kotse at naghanda na para umuwi.Naka-seat belt pa nga 'yung dalawang stuff toy sa lukod eh.
Para raw safe sabi ni CJ, jusko! Akala ko ba ayaw niya sa stuff toy tapos parang anak na kung ituring niya, napaka-weird talaga ng lalaking ito.
Pagkadating namin sa bahay, kinuha ko na iyong isang stuff toy.
"Ah, sige CJ salamat!"
"Welcome! Ingat ka,"
"Okay,"
Masaya akong pumasok sa loob ng bahay pero agad ding napawi iyon.
'Yung dating asawa ni papa.
Si Tita Marielle.
Nakikipagsampalan kay mama. I don't kow kung bakit, basta ang alam ko kailangan ko silang awatin.
A/N:
Hay sa wakas, nakapag-update rin. Enjoy reading! <8
BINABASA MO ANG
LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)
Teen Fiction-UNDER REVISION- Sabi nga nila, the more you hate someone, the more na ma-attach at magugustuhan mo siya, the more na aasarin ka niya, mafa-fall ka sa kanya. Stephany Ella Rios is a kind of girl na pa-hard to get, choosy, maarte pagdating sa pag-ibi...