Jasper's POV
"It's good to be back," ngiti kong sabi kay papa, habang ibinababa ang mga gamit ko at unti-unting inilalabas sa bag. Pumasok kasi siya sa kuwarto ko para sabihang mag-ayos na ng mga gamit ko, and I was about to do it. Ayan tuloy, nawalan ako ng gana.
Tiningnan lang niya ko habang inililibot ang mata niya sa paligid ng kuwarto, ano mukha ba akong maglalagay ng camera riyan? CCTV?
Para sa mga hindi nakakaalam, galing kami ng Korea for some business stuff ng pamilya namin. Kailangan kong mag-stay doon for someone to manage the company habang nandito sila papa.
Narinig ako ang mga yapak ni mama na paakyat ng kuwarto ko at hinawakan sa braso si papa habang nakatingin sa kuwarto ko.
"Maganda ideya ba ito, mahal?" sabi bigla ni papa kay mama. Agad naman akong napatingin sa kanilang dalawa at napatigil ako sa pag-alis ng mga damit ko sa maleta.
At iyong tingin na 'yun, ay titig na kung puwedeng makalason ang tingin, mga isang minuto na sanang bumubula ang bibig niya.
So ano? Gaguhan lang tayo rito? Nakailang oras ako sa eroplano at nakailang araw kung asikasuhin ang mga papeles ko tapos ang ibubungad niyong mag-asawa sa akin kung tamang desisyon bang pabalikin ako rito sa Pilipinas kung kailan nakabalik na ako rito?
Seriously? Sana 'di ba, pinag-usapan niyo munang mag-asawa 'yan bago niyo ako pinabalik! Ano, kapag ba sinabi ni papang maling desisyon na pabalikin ako rito, mag-i-impake ulit ako para bumalik sa Korea? Ano ba naman 'yan?! Lalakas ng amats amp. Ayos pala kayo magdesisyon eh, kaya kayo pinagchi-chismisan sa sarili niyong kumpanya. Charot.
Natawa tuloy ako.
"Bakit ka tumatawa? Ano na namang kalokohan 'yang iniisip mo ha?" biglang tanong ni papa habang nakatingin ng masama sa akin.
Eh ikaw kaya? Kailan ka titigil sa kakasermon sa akin? Kakaloka. Masama bang tumawa? Bawal na palang tumawa sa Pilipinas? Anong batas nagsasabing bawal tumawa rito?
"Nothing, ipagpapatuloy ko na pong mag-asikaso rito, kung wala na po kayong kailangan sa akin," sabi ko sabay talikod. Gusto ko na ring matapos dito at makapagpahinga na ako.
Pero nga pala, nakalimutan kong bibisitahin ko nga pala si CJ sa school nila. Matagal ko nang gustong batukan 'yung ugok na 'yun. Kaya hanggang ngayon hindi nagkaka-girlfriend eh. Akala kasi ng lahat ng babae sa mundo, playboy siya. Hayup talaga 'yon.
Pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko at ini-ayos sa room ko. Nagbihis na agad ako para pumunta sa school, medyo lunchtime na rin kasi. Doon na lang ako magla-lunch sa school.
Sa sobrang laki ng campus na 'to, gano'n din karami ang mga bebot.
Bigla na lang akong napatigil sa paglalakad nang may mabangga pala ako. Babae.
Nalaglag ang wallet niya at kumalat ang ibang barya nito.
"Ano ba?! Hindi ka man lang tumitingin sa dinadaanan mo, alam mo namang ang lawak-lawak ng daanan—,"
"Sorry! Wait I think I know you,"
agad siyang naputol sa mga sinabi niya at napatitig sa akin. Hays, sino nga namang hindi mabibighani sa mukhang 'to, titig pa lang, paano pa kaya kung nginitian ko 'to, baka mahimatay 'to bigla?Mangitian nga.
Matamis akong ngumiti sa kaniya nang ma-recognize ko kung sino siya, siya iyong tinutukoy ni Insan na kaaway niyang babae sa school.
BINABASA MO ANG
LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)
Teen Fiction-UNDER REVISION- Sabi nga nila, the more you hate someone, the more na ma-attach at magugustuhan mo siya, the more na aasarin ka niya, mafa-fall ka sa kanya. Stephany Ella Rios is a kind of girl na pa-hard to get, choosy, maarte pagdating sa pag-ibi...