Chapter 3: Caught in the act

2.8K 69 2
                                    

Jacob POV

Pagkatapos kong ihatid si Dian umuwi na ako agad kasi nandun na daw siya. Pag dating ko sinalubong agad niya ako ng yakap.

"Honey. How are you?" Malambing na sabi niya. She kiss me in the lips and I response.

"I'm fine honey." Malambing din na sabi ko. "Kumain kana ba?" Tanong ko. Tumango naman siya at hinila na ako.

"Let's sleep honey." Pumunta muna ako ng cr para mag ayos. Pag katapos tumabi na ako sa kanya.

Maya-maya lang tulog na siya pero gising parin ako. Tinitigan ko lang siya. Naalala ko kasi si Dian. Paano ko nagawa sa kanya to? At sa best friend niya pa. How can I hurt her? Pero alam kong nasaktan ko na siya.

I loved Dian. But I love Lara. Feeling ko kasi nawala na yung pagmamahal Kay Dian, hindi na katulad ng dati. Pag kasama ko siya hindi na ako gaano masaya.

Kay Lara ko na nararamdaman yung dati kong nararamdaman sa kanya. Paano ko sasabihin sa kanya to? Ayaw ko rin naman siyang saktan. Hayy

'Don't worry honey. Tatapusin ko din yung samin.' Sabi ko sa isipan ko. Buo na yung desisyon ko, sasabihin ko na sa kanya Ang totoo, para hindi na siya masaktan pa ng sobra.

Sana mapatawad niya ako.
Patawad Dian.

________

Dian POV

I'm so happy today. Bakit? Kasi third anniversary na namin bukas. At may surprise ako sa kanya.

Sabado na kasi ngayon kaya linggo bukas at walang pasok. Nag usap din kami kanina na may sasabihin raw siya bukas. Excited nga ako eh. Malay niyo mag propose na siya. I can't wait.

Alas 8 pm na din kaya pauwi narin ako, hindi niya raw kasi ako masusundo dahil busy siya.

Napagdisisyonan ko na pumunta muna sa condo niya. I want to see him. Pag dating ko sa tapat ng condo niya, magdo-dorble na dapat ako pero napansin kong medyo nakabukas yung pinto kaya pumasok ako.

Pagdating ko sa sala niya malapit. As in nagulantang ako.

Nagulantang ako sa nakita ko. Hindi ko kinaya. Yung best friend ko at yung boyfriend ko, may ginagawa silang milagro. Pareho silang nakahubad, they're having s*x.

Nagbagsakan yung mga luha ko. Lumapit ako sa kanila at hinila ko yung buhok niya. Iyak parin ako ng iyak.

Pinaghiwalay naman ako si Jacob sa babaeng to. Pero sinampal ko muna siya ng dalawang beses.

"Mga hayop kayo. Niloko niyo ako. You betrayed me. Best friend pa naman kita. Sinaktan mo ako. Mga walang hiya kayo. Ano? Masarap ba huh? Ang bababoy niyo. Nakakadiri kayo." Sigaw ko sa kanilang dalawa. Nakakadiri sila. Pinaglaruan nila ako.


"Hindi kana niya mahal. Ako na yung mahal niya. Kaya hayaan mo na kami." Sabi ng bff ko. Pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

Lumapit ako kay Jacob at pinagsasampal siya. Hayop siya. Niloko niya ako.


"Mga manloloko kayo. Niloko niyo ako. Akala ko pa naman iba ka sa lahat. At ikaw rin, isa kapa BESTFRIEND pa naman kita. Ang kakapal niyo. Mag sama kayong dalawa. Mga manloloko. LETS BREAK UP." sigaw ko sa kanya, saka ako lumabas at tumakbo ng tumakbo habang umiiyak.


Wala akong pakialam kung Anong isipin ng iba sa akin. Ang importante sakin mailabas ko tong sakit sa dibdib ko. Niloko nila ako. They betrayed me.

Hindi ko na alam kung nasan ako. Basta ang alam ko, madilim na at medyo nakakatakot yung lugar pero nilakasan ko yung loob ko.

Umupo ako sa gilid at umiyak ng umiyak.

Hanggang sa hindi ko namalayan, may biglang humila sakin at pinasakay ako sa nakaparadang sasakyan. Dahil sa gulat ko hindi agad ako nakapag react.

Saka lang nag sink in sa isip ko ng umaandar na yung sasakyan. Nag panic ako.

"Hoy ibaba mo ako. Hoy, ano ba? Ibaba mo sabi ako." Sigaw ko sa kanya.

"Tss."

"Kidnapper kaba? Ahhhh. Kidnap to. Hinto na. Hinto na sabi." Natigil lang yung sigaw ko ng may narinig akong putok. Putok ng baril? Takang tanong ko sa sarili ko.

"OMG. Ano to nasa shooting ba tayo? Huh, sagutin mo ako." Tanong ko.

"Tss. Can you shut up woman." Cold niyang sabi kaya napatigil ako sa pag papanic.

Shooting ba talaga to? O reality talaga?


______

Zakkarias POV

D*mn. Ang ingay ng babaeng to. Ang sakit sa tenga. At mabuti na lang talaga tumahimik nasya.  She's damn irritating. Damn this people who still following us.

At bakit ko pa kasi sinama tong babaeng to? Sana pinabayaan ko na lang siya.

May bumabaril parin samin. Pero alam kong naka sunod lang sila kaya nababawasan yung mga humahabol samin.

"Dock woman. This is reality. And if you got shot, you'll be dead." I said to her.

"What? Aish. Kainis, Ang malas ko talaga." Sabi niya pa.



Hanggang sa walang ng humabol samin. Kayo sinabi kong umuwi na kami. Pag dating namin dun hinintay ko sila sa sala.

"Hoy. Ano ba, answer me. Nasan ako? At bakit mo ako dinala dito?" Kanina pa siya tanong ng tanong at naririndi na ako. I want to wreck her neck in annoyance.

"Will you shut up. Nasabit kalang dito. Pasalamat Ka dinala kit, dahil kung hindi sigurado akong patay ka na." I said to her. Tss, ang ingay kasi eh. Nakakabanas.

"Hooo.. grabe, ang astig ko dun diba?" Mike

"San naman banda dun?" Steve

"Syempre dun sa backflip ko. Hindi mo lang nakita." Pagyayababg pa ni mike.

"Nakita ko at wala namang astig dun." Cold na sabi ni Set.

"Ang kj talaga nito." Nakangusong sabi ni mike.

Ako at yung babae nakatingin lang sa kanila. Ang lalakas ng Boses ng mga ugok nato.

_____

Dian POV

Inaantok ako. Hindi ko kilala tong lalaking to pero alam Kong mabait siya. Umupo ako sa sopa, matutulog na dapat ako kaya lang, may pumasok na tatlong lalaki. At ang iingay nila ang kalakas ng boses, lalo na yung Mike ba yun. Ang sakit sa tenga.

Nakatitig lang ako sa kanila, ganun din yung lalaki humila sakin kanina.

Argh. Ang sakit sa tenga.

"Eww. Ang panget mo Mikey baby.hahaha"

"Nyenyenyenye. Ewan ko sayo."

Tumayo ako at humarap sa kanila.
"Pwede ba, istorbo kayo. Yun na eh. Makakatulog na eh. Ang iingay niyo pa. Tss


Napanganga naman sila sa akin. At parang gulat na gulat. Ow--kay? Anong meron?

_____

Hello... Happy read.

My husband is a Mafia BossWhere stories live. Discover now