Chapter 4: Familiar

2.7K 92 9
                                    

Third person POV

Umupo ulit si Dian sa sofa dahil inaantok na talaga siya, hanggang sa makatulog siya at napadausdos yung ulo niya kaya napasandal na siya sa balikat ni Zak.

Nagulat naman si Zak pero hinayaan niya na ito, para kasing may nagsasabi sa kanya na hayaan na lang dahil familiar sa kanya yun pero hindi niya alam kung bakit.

Napatulala naman yung tatlo. Hindi sila makapaniwala na may babaeng dinala si Zak sa mansion nito. Sila lang kasi ang pumupunta dito pati narin yung ibang mga tauhan nito na dito namamalagi. Lumapit silang tatlo sa inuupuan ng dalawa.

Tinitigan naman itong maigi ni Set. "She looks familiar with me bro?" Baling niyang tingin kay Zak. Nagkibit balikat ng naman ito.


"Wow, chicks yan Zak ahh. San mo nakuha? Pwedeng akin na lang?" Nakataas na kilay sabi ni Mike. Binatukan tuloy siya ni Steve.


"G*go. Kahit kailan ka talaga, gusto mong paglamayan." Sabi ni Steve sabay nguso kay Zak na matalim ang tingin kay Mike, nalunok tuloy si mike ng sunod sunod.


"Aha, naalala ko na. She's the girl dude. In Lee's corporation. Yung naka sabay natin sa elevator." Sabi ni set ng matandaan niya ito. Nagandahan kasi siya dito nung unang kita niya pa lang sa babae.

Tumango naman si Zak ng matandaan niya na. "Yeah. I'll just put her upstair." Walang emosyon niyang sabi.


Natulala naman ang tatlo. Hindi kasi sila sanay, lalo na nung binuhat na ni Zak yung babae. Hindi kasi ito kumakausap ng babae lalo nat hindi nito kilala at hindi nakikipaglapit sa mga tao.


Alam kasi nila ang pinagdaan nito. Mailap ito sa lahat simula nung mamatay ang mommy niya. Mabuti nga kahit samin hindi siya lumalayo, kaya lang malamig nga lang makitungo sa kanilang tatalo.

______

Zakkarias POV

When I carry her, I just felt that we know each other. But alam kong imposible. Dahil ngayon lang kami nag kita.


Dinala ko siya sa guest room, sa second floor. Nilapag ko siya sa higaan at tinitigan.


Nararamdaman ko rin that she's hurt, broken, sad, and angry. I felt it a while ago. Ang ganda niya rin. She looks like an angel---- well, when she's asleep. But I know she's not an angel when she's awake.

I drag her because I have reason, and if hindi ko ginawa yun alam kong Patay na siya ngayon. I just save her life.


Iniwan ko na siya dun at dumiretso na sa kwarto ko. I'm tired and I need a break.

_____

Set POV

Hindi talaga ako makapaniwala na ginawa yun ni Zak. Is he have a feelings on her?

Kung ganun, magiging karibal ko ba siya? Argh... Ang hirap naman neto. Ngayon lang nagpapasok si Zak ng babae dito.

Na love at first sight ata ako sa kanya nung una ko siyang makita kaya hindi ko na siya nakalimutan. Pero Anong gagawin ko? Kung si Zak ang magiging karibal ko.


Aish... This is frustrating. Bahala na nga.

_____

Mike POV

Yow. Mike Realm ang gwapong pangalan ko. Gwapo ako at pangit si Steve. Shhh... Wag kayong maingay.

Sayang ang ganda pa naman nung babae. Kaya lang mukha papatayin ako ni Zak sa tingin niya eh. Type niya ata yun kaya dinala niya dito. LumaLoveLife, as in LLL.

Anyway nandito kami sa sala, maglalaro muna kami ni panget Steve ng baraha. Alam niyo ba kung anong lalaruin namin? Syempre hindi.


Kaya secret muna. "Okay. Game na."

.
.
.
.
.
"Hahahaha. Pano ba yan? Talo kana naman. Mukha ka talagang unggoy. Pang Lima na natin to ah, ayaw mo talagang maagawan ng trono bilang unggoy noh. Hahaha." Sabi niya habang tumatawa.


At OO. Unggoy2x yung nilalaro namin. At palagi akong talo. Dinadaya ata ako ng panget nato eh.


"Ulol mo. Nakatyamba ka lang."

"Talaga lang huh." Nang-aasar niyang sabi.

"Pwede ba. Ang iingay niyo." Ang epal din nitong kj nato, eh. Sino pa EDI si Set.

"Makaakyat na nga lang." Nagdadabog Kong sabi. Tinawanan lang nila akong dalawa.

"Hahaha. Pikon si Mikey."

Tss. Makatulog na nga lang.

______

Jacob POV

Nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kanya. Pero alam ko namang yun yung tama. Sana mapatawad niya kami.

"Hon. Matulog na tayo." Kakagamot ko lang kasi ng kalmot niya sa braso. Hindi ko naman siya masisisi.

Alam kong nasaktan namin siya. Pero Mas masasaktan siya kung tinago pa namin ng matagal to.


"Hon, nagsisisi kaba?" Tanong ni Lara


"Of course not hon. Sadyang nawala lang talaga yung pagmamahal ko sa kanya."


"Mahal kita. At nagi-guilty rin ako sa nangyari." Malungkot niyang sabi.


"Don't be hon. Lilipas rin yung galit niya. Kaya matulog kana." Hindi na siya nag salita at natulog na lang.


Hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame. Nakita ko yung sakit sa mga mata niya kanina. At parang nasaktan din ako nun.


Ano ba talagang tama? Hindi ko na nga ba siya mahal? Pero bakit nasaktan rin ako ng makita ko siyang umiyak kanina.


Hindi ko na alam ang iniisip ko. Aish
Sana tama lang yung ginawa ko.


_______

What do you think guys?
Maganda ba yung story ko?
Pls. Inform me.
Kung may nag babasa man nito.

Hehe😂
Thanks!!!

My husband is a Mafia BossWhere stories live. Discover now