Chapter 3

23 8 0
                                    



Brianna's POV



The morning came and kasalukuyan kaming naghahanda ng mga dadalhin namin kasi mag o-outing daw kami sabi ni Tita Phia. 

"Nevaeh, come here! may sasabihin ako." tawag ko sakanya at agad din naman syang pumunta saakin.

"What, Ate?" tanong nya.

"Nag-usap na ba kayo ng kambal mo? okay na kayo?" pang uusisa ko sakanya. Well medyo chismosa ang Ate nila. whahaha


"Hindi pa rin Ate. Everytime sinusubukan kong kausapin sya, umiiwas sya agad." nakayuko sya at parang iiyak nanaman habang sinasabi yun. Napabuntong hininga nalang ako kasi feeling ko nahihirapan na sya sa situation nila ng kambal nya. Hay nako. Kasalanan din naman nya eh. 


"Don't worry. Gaya nga ng sabi ng Ate kagabi, magkakaayos din kayo okay?" ngumiti sya at niyakap ako.

"I'm so thankful na may kapatid akong katulad mo Ate." Sabi nya. 

"Che! Drama mong bata ka. Alis, mag ayos ka na dun." pinalo ko ang likod nya ng mahina. ang drama nya ah. WHAHAHA! napabitaw sya bigla sa sinabi ko. 


"Binabawi ko na nga pala ang sinabi ko." sabi nya sabay ngiti ng sarcastic. 

"Aba aba aba. Walang bawian! Alis na kasi! Mag-aayos din kaya ako! kaya Shupi!" 

"Oo na! Oo na! Aalis na ang aso na shinushupi shupi mo lang! Bye! Aw! Aw! Aw!" gaga talaga. tumahol tahol pa. hahaha!


Hindi nagtagal umalis na din kami. Napag alaman kong mag bebeach pala kami. 


"WOW!! Bria! Ang ganda dun! Mamaya picture mo ko dun ah!" sigaw ni Elie pagkadating namin. Ginawa pa akong photographer. Jusko. Napatango nalang ako at nasabing maglilibot muna ako. Humiwalay na ako sakanya kasi mag e-explore muna ako sa paligid.


May nakita akong nag su-surfing, nag p-parasailing, and iba pang water activities. matry nga yun lahat mamaya. hahaha!


May nakita din akong nag kakalkal ng buhangin, nagbabasaan, nag lalaro at mga couples na sabay na naglalakad. Syempre naman no, alangan namang yung lalaki nasa likuran ng babae. Magmumuhka silang tanga nun. hahaha!


Hinawakan ko yung sumbrero ko kasi sobrang lakas ng hangin.

Habang naglalakad ako may nakabunggo saaking isang matangkad na lalaki. Napa tingin ako sakanya kasi basa sya at sa taas nya parang taga chin nya lang ako. Sya yung lalaki na naka away ko sa park. Bigla nalang lumipad ang sumbrero ko kaya napunta ito sa tubig. 


"What the! My hat! Ugh! kunin mo!" sigaw ko at agad din naman nyang kinuha at iniabot saakin.


"Sorry Miss. Di ko sinasadya. Nagmamadali kas-" naputol ang sinasabi nya kasi sumigaw ako.

"Hindi ka ba marunong tumingin?! Nakita mong may naglalakad na tao eh diba! And your soaking wet for pete's sake! God! Basang basa na yung damit ko! at kasalanan mo yun, Jerk!" sigaw ko ng paulit ulit. 

You're Still The OneWhere stories live. Discover now