Chapter 5

21 8 0
                                    




Brianna's POV



Tatawid palang sana ako ng may bumusina saakin ng pagkalakas lakas. May sasakyan palang papunta saakin pero tumawid ako, mabuti nalang at nakapag preno ito kaya di ako nabangga.


Kinabahan ako at parang naistatwa sa gitna. Hindi ako makagalaw ng maalala yung familiar na pangyayari noon. I almost got hit by a car. My mind was empty for a moment that I don't even remember what just happened.

Nagising ang diwa ko ng may yumugyug saakin. Nagulat nanaman ulit ako.


"PALAKANG TOMBOY! Ano ba! bat mo ko yinuyugyug?" sigaw ko sa taong nasa harap ako. Muntik ko na syang masampal sa gulat.


"Hey are you okay?" Tanong saakin ng lalaki. Tiningnan ko sya ng mabuti. Ang gwapo nya, Chinito sya at malaki ang pangangatawan. Medyo kamukha nya yung Aiden or baka nagha-hallucinate lang ako. 

"Uhmm, Yeah. Okay lang ako. Bakit ang bilis mong magpatakbo ng sasakyan? Muntik mo na akong mabangga." 


"Sorry, nagmamadali kasi ako. Nasaktan ka ba? kung oo pupunta tayong ospital." oh crap, bakit puro nagmamadali ang rason nila? May date ha? May date. Nako. 


"Okay lang ako. Next time mag ingat ka na." I smiled to him.

"Sure. I will. Uhm, Pauwi kana ba? I can drive you home. Okay lang ba sayo?" 

"Ha? ah! Oo. Pauwi na ako, nagsimba kasi ako, kakatapos lang.  Wala kasi akong masakyan eh. Okay lang din ba sayo?" tanong ko. 

Boom. Makakauwi na rin. This time. Hindi ko na talaga tatanggihan. 


"Ofcourse. Sabihin mo lang saakin ang address ng bahay nyo."


Tumango ako sakanya at lumakad na ako papunta sa sasakyan nya at pumasok dun. Sinabi ko sakanya yung address nung subdivision.


"Whoaa, mga mayayaman ang tumitira dun. Then does that mean. Mayaman ka din?" sabi nya.

"Uy hindi ah. hahaha!" 

"Asus. Humble."

"Hahaha!" 


Nag-usap pa kami tungkol sa kung ano ano hanggang sa makarating kami sa bahay nina Elie. 


"Uy, Thank you ah. Halos mabaliw na talaga ako kanina. Hinatid kasi ako ng driver namin sa simbahan tas tinanong ako kung ako hihintayin nya ba ako hanggang sa matapos ang misa or mauuna syang umuwi. Eh sabi ko mauna na sya. Pero nung huli na narealize kong di pala ako marunong umuwi. Hehehe." pag explain ko sakanya.


"Huh? bakit di ka marunong umuwi?"

"Uhm, Hindi kasi ako taga dito. Taga Maynila ako. Nagbakasyon lang kami dito sa Baguio. Sa bahay ng pinsan ko." 

"Ah, ganun ba. So pang ilang days nyo na dito?"

"3rd day na namin dito."

Sandaling katahimikan ang nangyari. Ako ang naunang nagsalita.

You're Still The OneWhere stories live. Discover now