Chapter 6

24 8 0
                                    




Brianna's POV



"Ma'am ilang taon na po kayo? Minors are not allowed inside." Tanong saamin ng bouncer na nagbabantay sa pinto ng bar sa kung sino man ang mga pumapasok.


"I'm 20 years old. And this is my friend. Magka-edad lang kami." ako na ang sumagot sa lalaki kasi mukhang wala atang balak si Elie na sumagot.


"Ah sige po. Pakisulat nalang ng pangalan nyong dalawa. For security purposes lang po." paliwanag nya saamin.

I just smiled at sumulat ng pangalan at pumirma sa gilid. Ganun din ang ginawa ni El.

"Pwede na po kayong pumasok."

"Thanks." I replied. Then we entered the bar. Sumalubong saamin ang mga nagsasayawang tao, nakakabinging music ng DJ. This night is really going to be fun. Napangiti nalang ako.


"Grabe ka Bria. Dun palang sa boucer kinakabahan na ako! Ikaw parang wala lang! Naka taas noo pa! Saka ano? Friend? Ako friend mo lang? Magpinsan tayo tanga!"

"Mas tanga ka. Alam mo ba ang disguise na word? Kailangan nating mag disguise para maka pasok tayo dito. Nag plus 3 pa ako sa edad nating dalawa. Kaya tumahimik ka."

"Hahaha! Dun tayo sa bar stools. Let's drink some low percent wine before going to the dance floor. WHAHAHA!"

"Wow. Low Percent huh. hahaha!" Lumakad na kami patungo sa bar stools nila at umupo dun.

We ordered drinks and sat there for about an hour and a half.

"Sayaw na tayo! Kanina pa tayo nakaupo Bria!" Sigaw ni El saakin kasi sobrang ingay na nung music dito sa loob.

"Anong oras na ba?!" sigaw ko pabalik. Kung walang music mapagkakamalan nyo talaga kaming mga tanga. whahaha

"It's already 10:00 pm! maya maya di natin mamalayan na 12 na pala! Kaya tayo na!" nauna syang lumakad papuntang gitna.

Tumayo na din ako at sumunod sakanya. I'm kinda tipsy. Low lang ang percentage ng ininom namin pero naparami ata.

Marami akong nabangga habang naglalakad. Hindi ko makita kung asan si Elie. Saan na kaya pumunta yung loka lokang yun? Hay.

Lumilingon lingon ako sa paligid na baka makita ko si El.

"Elie! Elie where are you?! ugh! kainis!" Nahihirapan na akong huminga dito sa gitna. Sobrang dami na ng tao.

"EL!!" sigaw lang ako ng sigaw kasi nag-aalala na ako na baka kung saan na napunta si Elie.

I felt a big hand that enveloped me. Nakaramdam ako ng takot. No, no, no. Sana wag mangyari saakin ang mga nakikita ko sa mga movies. Yung pupunta ang babae sa bar tapos may lalaking lalapit sakanya at kukulitin syang sumama sakanya at ir-rape sya. Mama, help me.

Nagsisisi na akong nagpunta ako dito. huhuhu

"Masyadong delikado dito sa bar alam mo ba yun? Kababae mong tao nasa bar ka sa kalagitnaan ng gabi." Bulong saakin ng lalaking nakayakap saakin ng patalikod.

"Who are you? Let go of me." pinilit kong magtapang tapangan pero ang totoo ay halos mamatay na ako sa takot.

"You look scared. Ano? Takot ka saakin? Pero hindi ka natatakot na pumunta sa lugar kung saan maraming lasing at masasamang tao?"

You're Still The OneWhere stories live. Discover now