Chapter 1

31 9 2
                                    



Brianna's POV


"Heaven, Nevaeh, ready na ba mga gamit nyo? Magtatagal tayo dun kina Ate Elie nyo for 1 week. So make sure na kompleto ang mga kakailanganin nyo. Ayaw kong may marinig ako mamaya na. 'Ate, may nakalimutan ako.', 'Ate, yung gamit ko naiwan ko.', 'Ate, ganito ganun...." Patuloy lang ako sa pagsasalita ng mapansin kong nakatayo na pala sila sa harapan ko at hawak hawak ang mga maleta nila. 

"All set./All set." sabay nilang sabi at tinaasan pa ako ng kilay ni Nevaeh. HMM! suplada.


"At aba, may pa taas taas ka pa ng kilay mong bata ka. Halika ka dito." Tumayo na din ako at lalapitan na sana sya ng bigla syang tumakbo papunta sa kama ko.

"Hey! Get off! Wag mong guluhin ang kama, Nevaeh! Ikaw ah!" Sigaw ko at naghabulan kami sa loob ng kwarto hanggang nakisali na rin si Heaven. Nang nahuli ko sila kiniliti ko sila ng todo. At tumigil na rin ng mapaiyak sila kakatawa. 


Nakahiga na kami ngayon at hinihingal.

"HAHAHAHA! Ate naman kasi. Paulit ulit ka eh! Kahapon pa namin naayos ang mga damit namin!" sabi ni Heaven na hingal na hingal pa rin. 

Umayos ako ng upo at hinarap sila.


"I'm just reminding you kung anong mga responsibilidad nyo. I have my responsibilities, too. As your Ate, It's my responsibility to take care of the two of you. Kaya di nyo talaga ako masisisi kung paulit ulit ako sa pagreremind sainyo." sabi ko na pinapaintindi sakanila na dapat maging responsable sila at sundin ako bilang nakakatandang kapatid nilang dalawa. 

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na ngumiti. These two are planning somethind bad. 


Tumayo na ako pero bago ako makalayo sa pwesto nila dahil alam kong may pinaplano silang masama saakin, binato na nila ako ng unan at natamaan ako sa likod ko na muntik ko ng ikatumba. sinamaan ko sila ng tingin.

I stood up and ran towards them. Nag pillow fight kami at sobrang saya ko dahil may mga kapatid akong katulad nila. Katulad nilang mga loka loka. HAHAHA!



"Mga anak, aalis na tayo. Tama na yang kulitan nyo." sabi ni Mommy Ellisse. She's Papa's new wife. They got married last 5  years ago. Mabait sya at thankful ako ng dumating sya sa buhay namin. Palagi syang nandoon para saakin nung mga panahong hindi pa ako nakaka recover dahil sa pagkamatay ni Mama. 

She reminds me a lot of my Mother. She also likes to bake. No wonder Papa fell inlove with her. 


"Sige po. Mauna nalang kayo sa sasakyan susunod kami ng kambal." Nakangiting tugon ko bago nya isinara ang pintuan.

Binitbit na namin ang mga gamit namin at tumungo na agad sa garahe. 


Nakita kong inaayos na ng mga katulong ang mga gamit nina Papa at Mommy sa compartment ng sasakyan pati na rin ang mga kakailanganin ng bunso naming kapatid. 


Mommy Ellisse's son. He just turned one year-old last January 15.

"Manang, pakilagay na din po ng mga gamit namin. Salamat." inabot na namin kina Manang ang mga maleta namin at pumasok na ng sasakyan. Nakita kong nasa driver's seat na si Papa at katabi nya si Mommy na kalong kalong si Lucas. 

You're Still The OneWhere stories live. Discover now