Chapter 7

21 7 0
                                    




Brianna's POV


What is he doing here?


Dali dali akong bumaba at pinuntahan sya sa labas. Gising pa ang guard kaya sabi ko may kakausapin lang ako saglit at binuksan naman nya agad ang gate.


"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman ang bahay namin?" Tanong ko pagkalapit ko sakanya.


"Ahmm, Sorry for disturbing you. Ibibigay ko lang sana tong cellphone. I guess it's your cousin's. She left it on the bed." 

"Thank you. Makakauwi ka na." kinuha ko na sakanya yung cellphone at pumasok na. Narinig ko pa syang nag You're Welcome with a sarcastic tone ng pahabol. whahahaha! 


Pumunta muna ako ng kusina para uminom ng tubig bago pumunta ng kwarto ko. 


"Iha, your still awake?" nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako para makita kung sino yun. I saw Tita.


"Hi Tita. Yeah. Hindi kasi ako makatulog kanina pa. kaya bumaba muna ako."

"Is that so. Parehos tayo hindi din ako makatulog. Anong oras kayo dumating ni Elie?"

"Mga 11:40 po siguro. Hindi na namin pinaabot ng 12 kasi baka pagalitan kami ni Papa. Hahaha!" 

"Mabuti Iha. Ilang araw nga ang stay nyo dito?"

"One week po."

"Ang ikli nun, sabihin mo sa Papa mo na mag extend kayo dito para mas ma enjoy nyo ng mabuti ang Baguio." 


"Ah sige po. Kakausapin ko sya bukas. Bitin nga kung one week lang eh, hindi kami makakapag bonding masyado ni El." 


"Kaya nga, Iha. Sige na aakyat na muna ako. Mamaya matulog ka na din, wag mo dalas dalasan ang pagpupuyat, masama yan." sabi ni Tita.


"Opo." Ngumiti ako sakanya at umakyat na sya.


Later on nakaramdam na din naman ako ng antok kaya umakyat na din ako at natulog.




I woke up with a throbbing pain on my head. Ugh. Ang sakit ng ulo ko. 

Dahil siguro to sa ininom namin kagabi. Bigla kong naalala si Elie. Tumayo ako at pumunta ng kwarto nya to check on her. 


Pagkapasok ko walang tao. Saan nanaman kaya sya? Jusko.


"El!"


"ANNOOO?!" Nagulat ako ng may biglang lumabas ng dressing room at parang microphone ang bunganga dahil sa lakas ng sigaw nito.


"How are you?" tanong ko sakanya.


You're Still The OneWhere stories live. Discover now