Chapter 18

11 3 0
                                    




Brianna's POV



  "Mads, alam mo ba! Etong si Beshy eh lumabas kanina ng classroom na kasama si Aiden! Ang tanong sa isip ko. Ano kayang ginawa nila?" Kunyaring pabulong na sabi ni Beshy kay El. Eto nanaman tayo. Myghad. 


 "Luh! Talaga Mads?"

 "Oo! Tapos bumalik sila after 1 hour!" 

"Hala pinsan, anong ginawa nyo?" Tanong saakin ni Elie. 


 Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang sila at inirapan. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko, andito kami ngayon sa cafeteria kasi lunch time na. 


 "Ayaw nya magsalita Mads." 

 "Hayaan mo na muna Mads, baka hindi pa sya nakakapag get over sa nangyari sa kanila." 

 "O to the M to the G!! May nangyari sakanila?!" Sigaw ni El kaya napatingin sakanya ang ibang estudyante na kumakain din. 


 "Ay hehe, sorry. Pasensya na. Continue eating. Sorry." Sabi nya sa mga studyante at umupo na ulit. Hinarap nya nanaman si Beshy at nagbubulungan na sila ngayon. 


 "Seriously Mads? May nangyari sakanila?" 


 Tss. Chismosa. 


 "Oo, Mads! Basta kinaladkad lang sya ni Aiden at bumalik after one hour! Tinanong ko nga si beshy kung anong nangyari eh! Pero ayaw magsalita." 


 Nag uusap sila na parang wala ako sa harapan nila. Great right? 


 "Hala, baka meron ngang nangyari sakanila. Ghash." 


 I just rolled my eyes then ignored them. What a waste of time kung papatulan ko pa. 


 "Alam nyo kayong dalawa. Iiwan ko talaga kayo dito at babalik ako ng manila. Dun ako mag aaral kung saan wala kayo. Napa chismosa nyo. Ikaw Beshy, ang mga sinasabi mo mali lahat. Walang nangyari saamin. Ikaw Elie, ang dali mong maniwala. Kahit saakin nalang. Anong ba ang pagkaka kilala mo saakin? Easy to get? Na ibibigay ko lang yun basta basta? Tumahimik nga kayo!" 


 "Hahaha! Beshy, wag masyadong mainit ang ulo. Niloloko ka lang namin. Ikaw kasi ayaw magsalita! Sabihin mo na kasi samin kung ano nga nangyari!" Sabi ni beshy. 


 Yeah, kanina pa nila ako pinipilit na sabihin na daw sakanila kung ano nangyari nung kinaladkad ako ni Aiden palabas kasi curious na curious na sila. Ika nga, curiousity kills the cat.


 Kaya eto para silang mamatay kasi ayaw kong sabihin sakanila.


 "Ayaw ko. Kaya wag nyo na akong pilitin. Kumakain ako, dont you see? Nakaka istorbo kayo ah."


You're Still The OneWhere stories live. Discover now