Chapter 8

15 8 4
                                    


Brianna's POV

"BESHYWAPS?!/BESHYWAPS?!" sabay pa kaming sumigaw ni Rose. Oo! Si Rose!

"Anong ginagawa mo dito?! kala ko nasa Singapore ka?!" 

"Tanga! Hindi ako tumuloy!" 

"Bakit di ka tumuloy?" tanong ko.

"Mamaya na muna yang explanation ko!" sabi nya at sinunggaban ako ng yakap with patalon talon pa. 


"Ay syet! Beshywaps, dito pa tayo nagkita! Namiss kita!" sigaw nya. Nakakahiya to ang lakas ng sigaw.

"Ako din naman no! Ilang araw kana pala dito Besh?"

"Unang araw palang! kaya nga andito ako sa mall kasi mamimili ako ng kakailanganin ko for the whole week." paliwanag nya.


"Eh saan ka mag s-stay?"

"Hindi ko pa nga alam Beshy eh, mag ho-hotel siguro!" Maghohotel sya. Mahal kaya mga hotel dito sa Baguio.

"Ay may naisip ako. Pwede ka dun sa bahay ng tita ko. Share tayo ng room!" 


"Ay nako wag na Besh! Nakakahiya kay Tita Phia!" Nahiya pa. Mas mabuti ngang dun na din sya mag stay para the more the merrier. Close din kaya sila ni Tita. Kasi ang Mommy ni Rose at si Mama noon ay mag bestfriends din diba kaya minsan na syang dinala doon ni mama sa bahay nina Tita. 


Siguradong matutuwa yun pag nalaman nyang andito si Rose sa Baguio. 

"Aysus nahiya pa. Meron ka pa pala nun? WHAHAHAHA! halika na! kanina pa pala naghihintay si Elie dun sa counter nakalimutan ko."


"Kasama mo Elie? Wow! namiss ko na si Bruhilda ah!" sabi nya habang naglalakad kami papuntang counter. 

"Kaya nga eh, tagal ng hindi kayo nagkikita diba?" 

"Matagal tagal na rin. Nako! Madami akong chika sayo, Beshywaps."

"Ako din! WHAHAHA!"



Malapit na kami sa counter at kitang kita ko na ang naiiritang mukha ni El. Pero agad ding nagbago yun ng nakita nya kung sino ang nasa tabi kong naglalakad kasabay ko. 


"BRUHA!!!!" nakakabinging sigaw nilang dalawa at nagyakapan sa gitna ng maraming tao. Napa face-palm nalang ako dahil sa kawalang hiyaan nila.


Ako nalang muna ang pumila sa counter at nagbayad kasi busy pa talaga silang dalawa kaka usap. Narinig ko na ngang nag chi-chismis sila eh. Jusko.


Napag usapan na din nilang dun nalang sa bahay si Rose mag s-stay. She agreed din naman nung si Elie na ang nag invite sa kanya. May galit ata tong Beshywaps ko sakin.


"Let's go. The twins are waiting for us. Mauna na siguro kayo sa sasakyan. Ilagay nyo na ang mga pinamili natin sa compartment. Bumalik kaagad kayo kasi kakain pa tayo, susunduin ko lang ang kambal." 


"San tayo kakain Beshy?" tanong saakin ni Rose.

"Sa kainan. Basta, alis na nga kayo. Balik kayo agad." 

You're Still The OneWhere stories live. Discover now