Chapter 1

4.5K 66 0
                                    

Celine

Today is Game Day! Kalaban namin ngayon ang UP at nandito na kami ngayon sa bus papuntang Arena. Hayy sobrang traffic talaga sa Pilipinas. At itong mga kasama ko nakatulog na sa sobrang traffic. Makapanood nga muna ng laban ng UP para malaman ko kung paano sila tatalunan. Charot. Habang nanonood ako. May isang taong umagaw ng atensyon ko, yung Team Captain ng UP, si Tots Carlos.

Ang papi naman nya tas ang cute pa

Ano ba Celine? Kalaban mo sila ngayon. Tama na muna harot. Diba straight ka?

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa Arena at dumeretso na sa dug out. Habang naghahanda ay napag-uusapan nila ang UP. At ako naman ay nakikinig lang. Wala ako sa mood magsalita dahil kinakabahan ako.

"Kilala nyo diba yung Team Captain ng UP?" Kinikilig na tanong ni Carly.

"Ah. Si Tots Carlos. Anong meron?" Sagot ni Kyle.

"Crush ko sya wahh!!! Ang papi nya kasi hayy. Alam ko dati straight ako eh. Di ko na alam ngayon." Kinikilig pa rin na sabi ni Carly. Natatawa na lang ako sa inaakti nya.

Maya-maya ay tinawag na rin kami ni Coach dahil malapit na daw magsimula at magt-training kami sa court.

Paglabas namin ay nandon na ang UPWVT. Nagt-training na sila. Dito muna kami sa gilid dahil nauna sila samin. Habang naglalaro kami ni Marianne ay bigla na lang may tumama na bola sa ulo ko. Ang sakit non ha!

"Hala! Sorry Miss! Di ko sinasadya. Nagpa-practice kasi ako ng service ko. Sorry talaga!" Sincere na sabi sakin ng nakatama sakin.

Paglingon ko ay medyo natulala ako. Ang papi nya talaga. Oo, sya nga. Si Tots Carlos ang nakatama sakin.

"Ah. Wala yun. Di naman masyadong masakit." Pagsisinungaling ko kahit ang sakit naman talaga. Ngumiti na rin ako ng malapad para di nya talaga halata.

"Tots Carlos nga pala." Pakilala nya sabay abot ng kamay.

"Celine Domingo." Pakilala ko pabalik sabay abot sa kamay nya. Shemay! Bat may kuryente?

"Sige Celine. Balik na ko don. Goodluck. May the best team wins." Paalam nya at tumango na lang ako.

Pagtingin ko kay Marianne, para syang bulateng di pa naaasinan. Problema neto?

"Anyare sayo? Para kang bulate dyan na ewan." Tanong ko sa kanya.

"Bagay kayo." Sagot nya sabay takbo dahil kami na ang gagamit ng court.

Ano daw? Bagay kami ni Tots? Siraulo yon. Straight ako no?

Magsisimula na ang game at medyo kinakabahan ako.

Set 1 ay nakuha ng UP. Pero di kami sumuko. Nakuha namin ang set 2 at set 3. Nang set 4 na. 4-2 ang score. Lamang kami. Pero si Jessma Ramos ang mags-serve. Sakin binigay ni Kyle pero nablock ako ni Tots Carlos at napaupo ako sa sahig. Naramdaman kong may humawak sa bewang ko. Shemay! Ayan na naman yung kurinti. Pinagsawalang bahala ko na. Kailangan kong magfocus. At nanalo nga kami laban sa UP. Ang saya! Nandito na kami sa dug out para maligo at pagkatapos ay magc-celebrate kami.

Tots
Natalo kami sa FEU pero bakit parang nanalo pa rin ako. Baliw na kung baliw pero ang ganda talaga nung Celine Domingo ng FEU. Crush ko na ata sya.

"Ang ngiti Caloy. Natalo tayo pero mukhang nanalo ka dyan." Pang-aasar ni Ayel.

"Kasi naman. Nahawakan nya yung bewang nung Domingo. Ayan kinikilig." Pang-aasar din ni Maris.

"Uy! Si Caloy pumapag-ibig." Pang-aasar din ni Jessma. Tinutusok-tusok  pa ako sa tagiliran.

Iiling-iling na lang ako sa kalokohan nila at natulog na lang.

-------------------------------------------------------------
Sorry guys medyo sabaw hahaha. Sana kiligin ako. Dyan ko sinimulan kasi kinikilig ako sa part na yan. March 24 na laban nila yan. :)

Expect the Unexpected (ToLine)Where stories live. Discover now