Chapter 9

2.1K 40 3
                                    

Celine

Wala akong class ngayon at nandito lang ako sa dorm nakahiga. I have period today. Urgh! Ang sakit ng puson ko.

Nagtwitter lang ako. Scroll scroll. Nang may nakita ako Silvanas at Buko Tart. Ughhh!! Nagc-crave na naman ako.

Niretweet ko yung pic.

Celine Domingo ➰
I need you. I want you.

*insert pic*

Di nagtagal ay nagcomment si Tots.

Diana Mae Carlos
Penge

Celine Domingo ➰
Wala nga akong ganyan eh. Anong hihingiin mo?

Diana Mae Carlos
Attention...hahaha

Celine Domingo ➰
Kulang pa ba?

Maya-maya ay di na sya nagreply kaya naman uminit bigla ang ulo ko. Nag-dm ako sa kanya.

C: Bakit di ka na nagreply?
C: Nambababae ka no?
C: Di mo na ko love?
C: I hate you!!!
C: Ayaw ko na sayo!!!
C: Wag mo na kong kausapin

Ang dami ko nang chat sa kanya and still, wala pa ring reply. Nakakainis! Ang sabi nya sakin may gagawin lang syang paperworks. Sabi nya saglit lang yon. Ilang oras na ang nakalilipas and I'm sure tapos na sya. Nakapagreply na nga sya sakin eh. Ano kayang ginagawa non? Nakakainis!

Pinilit ko na lang talaga matulog dahil inis na inis ako kay Tots nang biglang tumunog yung phone ko.

Walang ganang binuksan ito.

T: Open the door baby. I love you.

Tumayo naman ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito? Dun ka na sa babae mo. Ayoko na sayo." Naiinis kong sabi sa kanya at pumasok ulit ng kwarto at humiga pero di ko sinara ang pinto.

"Baby may binili lang po ako." Sabi naman nya at tumabi sakin at niyakap ako.

"Anong binili mo? Regalo para sa babae mo?" Tanong ko sa kanya dahil naiinis pa rin ako.

"Opo." Sagot nya at nainis ako lalo kaya pinaghahampas ko sya ng unan.

Pinipigilan naman nya ko hanggang sa nahawakan nya ang braso ko at inihiga ako. Naka-pin ako sa higaan ngayon at nasa top ko sya ngayon.

"Baby listen to me. Bumili lang po ako nung gusto mong kainin kasi I know po na may period ka ngayon. Naghanap po ako kung saan ako makakabili kaya po natagalan. At tsaka ikaw lang po ang babae ko. I love you." Pagpapaliwag nya sakin.

Natouch naman ako kaya niyakap ko sya at hinalik-halikan ang buong mukha nya.

"Stop na muna baby. Kain ka na." Sabi nya at tumayo na sya. Tinulungan naman nya ko tumayo.

Nagsimula na rin akong kumain nang biglang may naisip akong kalokohan.

Tots

Nandito lang ako sa tabi ni Celine habang pinapanood sya kumain.

"Baby kalong mo ko." Bigla nyang sabi at parang nagmamakaawa pa ang itsura nya. Nagulat naman ako sa sinabi nya.

"Baby..." Sabi ko naman sa kanya na parang di alam ang isasagot

"Ayaw mo ba? Siguro nga may babae ka na. Pinagpalit mo na ko kasi ang layo ko sayo. Pinagpalit mo ko kasi ang panget ko!" Sigaw nya sakin at nilapag ang kinakain nya.

Bumalik sya sa pagkakahiga at nagcover ng kumot.

"Baby. Ilang beses ko bang sasabihin na ikaw lang ang babae ko. Di kita ipagpapalit kahit kanino. At tsaka hindi ka panget baby. At kahit gaano ka pa kalayo sakin, pupuntahan at pupuntahan kita kahit saan pang sulok ng mundo yan. Wag ka na magtampo baby. Sorry na po." Panunuyo ko sa kanya at pilit na inaalis ang kumot na bumabalot sa kanya.

Inalis naman nya ito at humarap sakin. Sh*t umiiyak sya.

"Talaga? Di mo ko ipagpapalit?" Tanong nya sakin habang umiiyak.

"Baby don't cry na. I don't wanna see you crying." Sabi ko sa kanya at pinunasan ang luha na dumadaloy sa pisngi nya. Hinalikan ko sya sa noo at niyakap ng mahigpit.

Sa huli ay nagpakalong pa rin sya sakin. Di na rin ako umangal kahit di ako sanay na ganon sya ka-clingy. Pinagpatuloy nya na rin ang pagkain at enjoy na enjoy sya.

Inabot ako ng gabi sa dorm nila dahil ayaw nya ko pauwiin. Di na rin ako umuwi dahil wala naman akong gagawin sa dorm at nagpaalam na rin ako kay Ayel na bukas na ko uuwi.

"Baby nag-aaya sila magbar." Sabi sakin ni Celine.

"Sige baby. Kuha lang ako ng damit sa car." Paalam ko sa kanya.

"Baby wear black para matchy matchy tayo." Sabi naman nya sakin. Buti na lang may black ako dala.

Tumango na lang ako sa kanya at pumunta na sa car ko.

Di nagtagal ay bumalik na rin ako sa dorm nila at umalis na rin kami patungo sa bar na pupuntahan namin.

Pagpasok mo sa bar ay maaamoy mo talaga ang alak, usok ng sigarilyo at iba pang mga amoy. Makikita mo na rin ang pagiging wild ng mga tao dito. Nandito lang kami sa gilid ng baby ko at nanonood kila Marianne na naglalaro ng beer pong. Di na rin ako uminom dahil ihahatid ko pa sila pauwi.

"Baby cr lang ako ha?" Paalam ko sa kanya.

"Bilisan mo ha?" Sabi nya sakin at tumango na lang ako.

Lumabas na ko ng cubicle at naghugas ng kamay nang may isang pamilyar na tao ang pumasok sa cr.

"I-isa?"

-------------------------------------------------------------
Short update guys. Di ko na mapahaba eh. Hope you like it. :) Suggest po kayo for the next chapter. Nag-iisip pa po kasi ako kung ano pwedeng ilagay. Thank you.

Expect the Unexpected (ToLine)Where stories live. Discover now