Chapter 2

3.6K 54 1
                                    

Celine

Good morning FEU! Good morning Morayta! Ewan ko ba kung bakit ang ganda ng gising ko ngayon hayy. Hayaan na nga basta ang saya ko ngayon. Pumunta na lang ako sa kusina dahil ako na lang ang tao dito sa kwarto namin.

"Wow naman. Ang ganda ata ng gising mo ah. Ganda ng ngiti. Care to share?" Pang-aasar ni Kyle. Ang aga-aga asar agad. Bawal na ba dito ang maganda ang gising? Mga baliw talaga.

"Mga loka. Wala 'to. Masama ba?" Sagot ko sa kanila.

"Hindi naman. Baka lang kasi may gusto kang ikwento." Sagot ni Buding habang taas-baba ang kilay.

Hindi na lang ako sumagot dahil nagugutom na ko. Pagkatapos kumain ay naligo na rin ako at nagbukas na lang ng twitter. Habang nags-scroll ako ay nakita ko ang highlights ng game namin at ng UP kaya nakita ko si Tots kaya naisipan kong i-follow. Ilang oras ang lumipas ay di pa rin ako fina-followback ni Tots. Medyo nalungkot ako pero naisip ko na baka busy lang yung tao tsaka di naman kami close. Pinatay ko na lang muna ang phone ko at yayayain ko si Kyle magstarbucks.

Tots

Nandito kami ngayon ni Ayel sa Starbucks sa Morayta dahil may pinuntahan dito si Ayel na kaibigan nya at ako pa ang sinama. Kumakain lang ako at wala akong magawa dahil naiwan ko phone ko sa dorm hayy. Ang malas ko naman.

Parang bigla kong binawi yung huli kong sinabi dahil sa dalawang babae na pumasok sa Starbucks. Di ko alam kung bakit biglang nawala ang pagkainis ko. Nakita ko lang naman kasi Celine ng FEU. Sure na nga ako.

Crush ko na nga sya.

Agad naman akong napangiti sa naisip ko. Napansin iyon ni Ayel.

"Bakit ka nangiti dyan? Nababaliw ka na ba?" Tanong ni Ayel.

Nang di ako makasagot ay sinundan nya lang ng tingin ang tinitingnan ko.

"Kaya naman pala ngiting ngiti ka dyan eh. Andyan pala ang crushie mo." Malakas na sabi ni Ayel.

Agad kong tinakpan ang bibig nya dahil medyo malapit samin sila Celine. At dahil nga malakas ang pagkakasabi nitong kasama ko ay napatingin samin ang dalawa.

"Uy tots!" Masayang bati ni Celine.

Wag kang ngumiti please. Nakakabaliw. Charot.

"Uhm. Hi?" Medyo nahihiyang sabi ko.

"Bat kayo nandito? Ang layo kaya ng Katipunan dito." Tanong nya sakin.

"Ahh. Sinamahan ko lang si Ayel dito. May mi-neet kasi sya dito." Sagot ko naman sya kanya.

"Tutal nandito na rin naman kayo. Sama na lang kayo dito sa table namin ni Tots." Singit ni Ayel.

Natuwa naman ako sa suhestiyon ni Ayel. Bahagya akong napangiti at di pinahalata sa kanila dahil baka tanungin nila ako.

"Good idea!" Masaya namang sabi ni Kyle.

Iiling-iling na lang kami ni Celine. Bumalik muna ako sa pagkakaupo dahil oorder pa naman sila Celine.

Di nagtagal ay bumalik na rin ang dalawa at itong si Kyle ay kay Ayel tumabi. Edi ang ibig sabihin si Celine ang katabi ko. Kakilig.

"Uy Tots, Ayel may laban pala FEU at ADU Men's Volleyball bukas. Sama kayo? Susupport ko yung boyfriend ko hehe." Masayang sabi ni Kyle.

"Ay sorry Kyle. Di ako pwede bukas eh. May gagawin pa ko. Ayan na lang si Tots isama nyo. Free yan bukas." Sagot ni Ayel. Tumingin pa sakin ang loka at kininditan pa ko. Alam ko na ibig nyang sabihin.

"Ay ganon ba? Ano Tots? G?" Tanong sakin ni Kyle.

"G." Sagot ko at ngumiti ng malapad.

"Pano ba yan? Uwi na kami ni Tots. Maggagabi na rin kasi eh." Sabi ni Ayel.

"Sige. Ingat kayo ha? Goodbye. Thank you for today." Sabi ni Kyle.

"Ingat." Maikli namang sabi ni Celine.

Anyare don? Ay bahala na nga. Chat ko na lang sya mamaya hehe.

Nginitian ko na lang sila at umalis na kami ni Ayel.

Celine

Hayy badtrip! Bakit may pagkindat?

Hoy Celine! Anong problema mo don? Ano ka ba nya? Bakit ka naiinis?

Ughh! Ewan ko ba kung bakit. Baka nga crush ko na si Tots. Straight ako diba? Ayy ewan. Sure na ko.

Crush ko na sya.

Napangiti naman ako dahil don. At tiningnan ko si Kyle na tila ba naguguluhan sa inaakto ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Para kang tanga alam mo yon. Kanina parang badtrip ka tapos bigla kang ngingiti. Nakadrugs ka ba?" Sabi nya sakin.

"Loka hindi. Tara uwi na tayo." Natatawang sabi ko kay Kyle.

Lumabas na rin kami ng Starbucks at nag-antay ng masasakyan pabalik ng dorm.

Tots

Hayy salamat! Nakauwi na rin kami ni Ayel. Napakatraffic talaga sa Pilipinas.

Pagpasok ko sa dorm ay agad kong hinanap ang phone ko. Nakita kong lowbatt ito kaya chinarge ko muna. Naligo muna ako at kumain. Pagbalik ko ay nahiga na ko at kinuha ang phone ko. Nagbukas muna ako ng twitter at may notification na nakapagpangiti sakin.

Celine Domingo ➰ followed you.

Agad ko naman syang finollowback.

Nagscroll scroll muna ko.

Celine Domingo ➰
Hayy salamat finollowback na din ako ni idol. @.totsyyy18

Agad naman akong nagreply sa tweet ni Celine.

Diana Mae Carlos
Haha sorry idol.

I-dm ko nga sya.

T: Hi. Pwede bang sunduin ko na kayo dyan sa Morayta para sabay-sabay na tayo punta sa Arena?

C: Nako! Kahit wag na. Hassle pa yon sayo. Kita na lang tayo sa Arena.

T: Okay lang. I insist. Kayo naman ang nagyaya sakin eh.

C: Sige ikaw ang bahala.

T: Pwede bang makuha number mo? Baka kasi alam mo na di ka online tapos nandyan na ko sa FEU.

C: Okay. 09*********. Ayan sige kitakits. Tulog na ko hehe. Good night. :)

T: Good night. :)

Pinatay ko na rin ang phone ko matapos ng usapan namin ni Celine. Natulog ako ng may ngiti sa aking labi.

-------------------------------------------------------------
Hirap pala gumawa ng story hehe. Hope you like it guys!

Expect the Unexpected (ToLine)Where stories live. Discover now