Celine
Nandito ako ngayon sa Jollibee malapit sa dorm namin. Sinabi ko kay Tots na dito na lang ako sunduin para makapaglunch na rin kami. Sinabi ko kasi kay Joseph after lunch na kami magkita.
Ano ba kasi sasabihin ng lalaking yon? Di naman siguro ako magiging interesado. Don't get me wrong ha? Naging magkaibigan naman kami ni Joseph. Simula nga lang nung nagpaparamdam na sya, umiwas na ko. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yon. Sinabi nya na rin naman sakin na may gusto sya sakin.
Flashback
Nandito ako ngayon sa Canteen ng school. Inaantay ko si Marianne kasi di pa tapos ang klase nya. Nandito lang ako nakaupo mag-isa habang nagcecellphone.
"Uy Ceddy!" Tawag sakin ng kung sino man.
May umupo sa harap ko kaya napataas ako ng tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sa kanya.
"Ang sungit naman po. Kakain syempre." Pilosopo nyang sagot.
"Urghh! Bahala ka nga dyan." Naiinis kong sabi sa kanya at binalik na lang ang atensyon ko sa cellphone ko.
"Gusto kita." Bigla nyang sabi sakin.
End of Flashback.
Simula non ay lagi nya kong pinapadalhan ng bulaklak. Inis na inis nga ako sa kanya non eh.
"Sorry late ako. Traffic kasi eh." Sabi ng tao sa likod ko. Boses pa lang kilala ko na. Sya yung dahilan kung bakit di ko magustuhan si Joseph.
"It's okay. Kakarating ko lang din naman. Tara kain na tayo." Sabi ko naman sa kanya.
Umorder na sya ng kakainin namin at kumain na kami.
"Saan pala kayo magkikita?" Tanong nya sakin.
"Sa malapit na park lang dito. Ituturo ko na lang ang daan mamaya." Sabi ko sa kanya. Tumango na lang sya at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at nagtungo sa kotse nya. As usual, pinagbuksan nya ako ng pinto.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa park.
"Dito na lang ako sa kotse. Tawagan mo na lang ako kapag may problema." Sabi nya sakin.
Tumango na lang ako. Pero lumabas sya ng kotse. Akala ko ba dito na lang sya?
Ah. Pagbubuksan pala ako ng pinto. Ang sweet talaga ng bebe ko. Ay charot. Ang harot ko.
"Thank you." Pasasalamat ko sa kanya. Kiniss ko naman sya sa cheeks. Nakita ko namang nagulat sya pero nakabawi din agad. Ewan ko ba. Nakasanayan ko na hahaha.
Naglakad na ko at natanaw ko si Joseph na nakaupo sa isang bench kaya pinuntahan ko na sya don.
"Flowers for you." Sabi nya sakin sbay abot ng isang bouquet ng flowers.
"Salamat. Ano bang pag-uusapan natin?" Sabi ko naman sa kanya.
"Naalala mo ba nung nasa Canteen tayo? Yung sinabi kong gusto kita. Seryoso ako don. Gusto talaga kita. At gusto kong manligaw. Pwede ba?" Dere-deretso nyang sabi.
Di agad ako makasagot dahil iniisip ko si Tots. Si Tots ang mahal ko. Oo, mahal ko na sya.
"Di ko na kailangan ng sagot mo. Liligawan kita." Masaya nyang sabi.
Ngumiti lang ako ng pilit.
"Hatid na kita sa dorm nyo." Sabi nya naman sakin.
"Ah eh. May kasama kasi ako." Sabi ko naman sa kanya.
"Edi hatid na lang kita sa kasama mo." Sabi naman nya.
Tumango na lang ako dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.
Pagdating namin sa sasakyan ni Tots ay nagpaalam na rin sya sakin. At ang loko hinalikan pa ko sa cheeks.
Pagpasok ko sa sasakyan ni Tots ay tahimik lang sya, parang wala sa mood.
"Ang tahimik mo naman po." Pagbasag ko sa katahimikan.
Nginitian nya lang ako ng pilit. Anong nangyari dito?
Tots
Badtrip! Bakit may paghalik sa cheeks. Mukhang mauunahan na ko non ah. Aamin na ba ako? Siguro nga panahon na.
"Ah Celine. May s-sabihin sana ko." Kinakabahan kong sabi sa kanya.
"Ano yun Tots?" Tanong naman nya.
"Ah eh kasi.... mahal na ata kita. I know sobrang bilis pero yun yung nararamdaman ko." Sabi ko naman sa kanya at tiningnan ko sya sa mata.
"Tots kasi....." Sabi nya sakin.
"Okay lang kahit di mo ko mahal. Hayaan mo lang akong ipakita ang pagmamahal ko sayo." May panindigan kong sabi sa kanya.
"Hindi kasi...." Sabi naman nya.
"Ano?" Tanong ko naman sa kanya.
"Mahaldinkita." Mabilis nyang sabi kaya di ko naintindihan.
"Ano? Pwede po bang pakibagalan di ko po kasi maintindihan?" Sabi ko naman sa kanya.
"Ang sabi ko po, mahal din kita." Sabi nya sakin at ngumiti ng pagkatamis-tamis.
"T-totoo ba yan?" Paniniguro kong tanong.
"Ayaw mo ba? Di wag!" Sabi nya sakin at tumingin sa labas.
"Hindi po sa ayaw ko. Nagulat lang po. Wag ka na magtampo baby." Sabi ko sa kanya at pinapaharap sya sakin.
Humarap naman sya sakin at niyakap ako.
"I love you Celine Domingo ng FEU." Sincere kong sabi sa kanya.
"I love you Tots Carlos ng UP." Sagot nya sakin pabalik at hinalikan ako sa cheeks.
Ang sarap marinig na mahal ka rin ng taong mahal mo.
"So ano na tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Mag-girlfriend." Simple nyang sagot.
Napangiti naman ako sa sinagot nya. At hinalikan sya ng mabilis sa labi. Napangiti naman sya sa ginawa ko. Mabilis man kami. Di ko man sya niligawan pero pangako ko na araw-araw ko syang liligawan.
-------------------------------------------------------------
Ang bilis ba? Sana maenjoy nyo hehe.
YOU ARE READING
Expect the Unexpected (ToLine)
Fiksi PenggemarIt is all about Tots Carlos of UP and Celine Domingo of FEU. Hope you like it. Fanfic lang 'to mga bes.