Tots
It's been a week since Celine broke up with me. Sobrang sakit talaga non at fresh na fresh pa ang sugat sa puso ko. Nakakalimutan ko lang ang sakit kapag kasama ko si Chiara. She became my bestfriend since the day we met. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kaya naman nasabi ko na sa kanya ang tungkol kay Celine. Tutulungan nya daw akong mahanap ang sarili ko kaya sasama sya samin sa Bacolod.
Today ang alis namin papunta don at nandito na kami sa bus. Tulog yung mga kasama ko pero itong katabi ko ay nanonood sa phone nya.
"Tots tingnan mo ang galing talaga ni Celine oh." Sabi sakin ni Chiara.
Nakita nyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko kaya agad nyang binawi ang sinabi nya.
"Ay sorry di k-" Sabi nya ngunit pinutol ko.
"It's okay. Magaling talaga yan kaya nga nagustuhan ko yan eh." Proud kong sabi sa kanya. Ngumiti sya at binalik ang atensyon sa pinapanood.
Maya-maya ay natapos na syang manood at nagtwitter na lang sya.
"May fans pala kayo oh. ToLine/CarDo daw. Ang cute." Natutuwa nyang sabi kaya napangiti naman ako na may taong kinikilig samin.
"Wala naman akong nabalitaang umamin kayo sa public. Alam nila?" Tanong nya sakin.
"Hindi. Takot si Celine. Alam mo naman, di lahat ng tao matatanggap relasyon namin. Alam ng magulang nya. Pero di na ko nag-abalang sabihin sa mga tao. Sapat na siguro yung magtweet ako na proud ako sa kanya. Para maramdaman ni Celine na proud ako sa kanya kahit di alam ng tao ang tungkol samin. At nagpapasalamat ako sa taong sumusuporta samin atleast alam kong may taong tanggap kami. Pero ang masakit, wala nang kami." Mahabang litanya ko sa kanya at ngumiti ng mapait.
Niyakap nya naman ako at gumaan ang nararamdaman ko. Natulog na lang kami dahil mahaba-habang byahe ito.
Celine
Nandito kami ngayon sa sala at hina-hot seat nila ako. Di pa kasi nila alam na hiwalay na kami ni Tots. Si Calinawan at Agudo pa lang ang nakakaalam.
"Bakit di na dumadalaw dito si Fafa Tots?" Tanong ni Carly. Crush na crush nya talaga si Tots.
"Bakit lagi ka atang malungkot these past few days?" Tanong din ni Gel sakin.
Di ako makasagot dahil baka bumagsak ang luha ko sa harapan nila. Ayokong makita nilang umiiyak ako.
"Ako na ang sasagot." Singit ni Ate Bernadeth na ikinagulat ko.
Alam nya? Paano? Sinabi nila Marianne?
Nilingon ko sila Marianne at tiningnan sila ng sinabi-nyo-ba look.
Umiling naman sila.
"Kung nagtataka ka Baby Ceddy, nakita ko kayo sa bar. Lumabas kasi ako non sa may parking kasi may naiwan ako sa sasakyan. Pabalik na ko non nung makita ko kayo. Aalis na sana ako nung narinig kong umiiyak kayo pareho. Di ko intensyong makinig pero nacurious lang ako." Pagpapaliwanag nya.
"Ha? Bakit kayo umiiyak? Naguguluhan ako." Naguguluhang tanong ni Ate Deng.
Sinenyasan ako ni Ate Bernadeth na ako na sumagot.
"Break na kami." Maikli kong sagot at di ko napigilan ang luha ko na kanina pa gustong tumulo.
"Ha? Paano? Niloko ka ba nya? Nambabae ba yon?" Galit na tanong ni Kyle.
"Hindi. Ako nakipagbreak." Sabi ko sa kanila habang naiyak pa rin.
"Pero bakit? Di mo na mahal?" Tanong nya ulit.
"No. Hindi. Mahal na mahal ko yun." Sagot ko naman.
"Pero bakit?" Tanong ni Ate Deng.
"Nagpadalos-dalos lang siguro kami dahil naguguluhan pa sya sa nararamdaman nya. Pinalaya ko sya para mahanap nya ang sarili nya. Mahal na mahal ko sya kaya maghihintay ako na bumalik sya sakin." Sabi ko sa kanila at umiyak nang umiyak. Nilapitan naman nila ko at niyakap.
TyL for this team/family.
Isa
"Hello? Oo. Wag kang mag-alala. Akong bahala. Di ka mabibigo. Pareho tayong matutuwa."
-------------------------------------------------------------
Short update ulit guys.:) Hope you like it.
YOU ARE READING
Expect the Unexpected (ToLine)
FanfictionIt is all about Tots Carlos of UP and Celine Domingo of FEU. Hope you like it. Fanfic lang 'to mga bes.