Tots
Nagbabyahe na ko ngayon papuntang Morayta dahil susunduin ko na sila Celine. Inagahan ko na ang alis sa dorm para di ako malate, nakakahiya kasi kung mal-late pa ko. Medyo malapit na ko sa FEU at traffic pa kaya naisipan kong itext si Celine.
To: Celine ❤
Malapit na po ako sa dorm nyo hehe. See you. :)From: Celine ❤
Okay. Antay ka na namin sa labas. Ingat sa pagd-drive ha? :)Kinilig naman ako kasi concern sya sakin. Di ko na sya nireplyan dahil umusad na rin naman ang mga sasakyan.
Pagpunta ko sa dorm nila ay nandon na silang dalawa sa labas. Medyo nahiya ako kasi baka kanina pa sila nag-aantay.
"Medyo matagal ba ko? Sorry kung napag-antay ko kayo." Nahihiya kong sabi sabay kamot sa batok ko.
"Hindi ka naman natagalan at tsaka kakalabas lang naman namin ni Kyle. Ano? Tara na?" Masayang sabi ni Celine.
Tumango na lang kami Kyle at naglakad na kami sa sasakyan ko. Pinagbuksan ko ng pinto si Celine. Nakita kong medyo namula ang pisngi nya at napangiti ako dahil don. Pinagsawalang bahala ko rin dahil baka mainit lang. Masyado akong assumera.
Nagdrive na ko patungong Arena. Pagdating namin don ay di pa naman nagsisimula kaya naghanap kami ng magandang pwesto.
Nagsimula na ang laban between the two teams. Nang biglang hiramin sakin ni Celine ang phone ko. Ewan ko kung anong gagawin nya pero agad ko namang binigay. Wala namang password yon kaya walang problema. Si Kyle naman ay busy sa panonood ng game. Habang nag-uusap kami ni Celine ay tumapat samin ang camera. Tumingin ako sa camera at ngumiti habang si Celine ay parang nagtatago na nahihiya.
Matapos manood ng game ay aayain ko sana sila Celine sa Pinto Art Museum pero ang sabi ni Kyle ay may date daw sila ng boyfriend nya kaya di daw sya makakasama. Kaya kaming dalawa na lang ni Celine ang pupunta don.
"Tara na?" Tanong ni Celine.
Tumango na lang ako at naglakad na kaming sasakyan. Mahaba-habang byahe to.
"Tulog ka muna. Medyo malayo pa ang pupuntahan natin." Sabi ko kay Celine.
"Hindi na. Baka mabored ka kasi wala kang kausap at tsaka di naman ako inaantok." Masayang sagot ni Celine.
Nginitian ko na lang sya dahil nagd-drive ako. Binuksan ko ang radio para di sya mainip. Pagbukas ko ay "You are my sunshine" na kanta at yung version ni Moira.
"You are my sunshine
My only sunshine
You make me happy" Pagsabay ni Celine sa kanta. At nakita ko sa peripheral view ko na nakatingin sya sakin habang kinakanta nya yon kaya kinilig ako."Ganda naman po ng boses nyo Ma'am" Puri ko sa kanya.
"Bolera." Natatawang sabi nya sabay hampas ng mahina sa braso ko.
Di na rin ako nagsalita. At nagpatuloy na lang sa pagd-drive.
"Tots kanta ka nga." Biglang sabi ni Celine.
"Ayoko nga. Di maganda boses ko." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Dali na! Ayan sabayan mo yang nasa radio." Parang bata na sabi nya.
Sakto naman ang kanta ay "Thinking Out Loud." Not bad.
"So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are" Kanta ko habang nakatingin sa kanya. Nakatingin din sya sakin. Nauna syang nag-iwas ng tingin. Nakita kong namula na naman ang pisngi nya."Sa daan ka nga tumingin Tots. Pag tayo naaksidente nako humanda ka sakin." Sabi nya sakin pero di pa rin ako tinitingnan.
"Okay po Ma'am. Pero how's my voice? Bad or Super Bad?" Natatawa kong tanong.
"Baliw. Ang ganda nga eh." Natatawa nyang sabi at sa wakas ay nakatingin na sya sakin.
Tumawa na lang ako ng mahina at nagdrive na lang.
Lumipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami. Nauna akong bumaba para pagbuksan sya ng pintuan.
"Thank you!" Masaya nyang sabi.
Nagbow ako sa kanya na parang prinsesa sya at ako ang alipin. Natawa naman sya at hinampas ako sa balikat. Pumasok na kami sa loob ng museum. Wow! Ang ganda.
Habang naglalakad kami ay napadaan kami sa parang evolution ng tao ata yon. Nakita ko naman si Celine na nagvivideo. Natawa na lang ako dahil di ko naman alam kung ano ginagawa nya. Baka ig story. Tingnan ko na lang mamaya.
Naglakad-lakad lang kami hanggang sa napagod at nagutom na kami.
"Tots gutom na ko." Nakapout na sabi ni Celine.
Ugh. Wag kang gumanyan. Ang cute mo.
"Sige kain na tayo. San mo gusto?" Tanong ko sa kanya.
"Jabi!!!!!!" Parang batang sabi nya habang natalon-talon pa.
"Okay,then." Sagot ko na lang sa kanya.
Nagdrive ako sa pinakamalapit na jollibee dito dahil gutom na talaga yung kasama ko. Masaya kaming kumain at ihahatid ko na sya sa dorm nila.
"Wag mo na ko ihatid Tots. Nakakahiya na. Kaya ko naman magcommute eh." Ilang beses nya nang sinabi sakin yan.
"Ako ang nag-aya sayo dito kaya responsibilidad ko na ihatid ka pauwi. Hayaan mo na ko please." Sincere kong sabi sa kanya kaya napapayag ko rin sya.
Nagpaalam sya sakin na matutulog muna sya dahil napagod daw sya. Habang traffic ay nagkaroon ako ng chance na titigan ang mukha nya.
Ang ganda mo talaga Celine. Siguro ang daming nanliligaw sayo. Siguro kung manligaw ako. Walang-wala ako sa mga manliligaw mo. Hayy.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanya dahil umusad na rin naman ang ibang sasakyan.
Celine
Nagising ako dahil may tumatapik sa balikat ko. Kaya napamulat ako.
"Hey. Dito na tayo." Sabi sakin ni Tots.
Inayos ko na ang sarili ko nang bigla lumalapit sakin si Tots. Palapit ng palapit ang mukha nya sa mukha ko. Ayan na. Kaya naman napapikit ako at hinihintay ang nasa isip ko na mangyayari.
*click*
Anak ng tinapa! Nakaseatbelt pa nga pala ko. Shunga mo Ceddy!
"Thank you dahil sumama ka sakin. Sana may next time pa hehe." Nahihiyang sabi sakin ni Tots.
Napakamahiyain naman neto. Pero cute hihi.
"Ako nga dapat magthank you eh. Thank you ha? Nag-enjoy ako sobra. Sure, may next time pa." Masaya kong sabi sa kanya.
Bumaba na ko at nagpaalam sa kanya.
"Ingat sa pagd-drive ha? Focus on the road." Sabi ko.
"Opo Ma'am." Sagot naman nya at sumaludo pa.
Natawa na lang ako at inantay syang makalayo bago pumasok ng dorm.
Pagpasok ko sa loob ay tulog na silang lahat kaya naman ay dahan-dahan akong pumasok ng kwarto ko.
"May utang kang kwento sakin. Good night." Sabi ni Kyle.
Di na lang ako sumagot dahil pagod na ko. Nahiga na.ko at natulog
Hayy. What a day?
-------------------------------------------------------------
Whooo! Another chapter done. Hope you like it guys. :)
YOU ARE READING
Expect the Unexpected (ToLine)
Fiksi PenggemarIt is all about Tots Carlos of UP and Celine Domingo of FEU. Hope you like it. Fanfic lang 'to mga bes.