Prologue

142 7 2
                                    

Dahan dahan kong hinihiwa isa isa ang mga pinamili kong ingredients para sa ulam na lulutuin ka. Nang biglang marinig kong tumunog ang door bell sa labas ay agad kong pinunasan ang aking kamay sa basahan na nasa tabi ko at sumulyap sandali sa salamin upang makita kung maayos ba ang itsura ko.

Nandyan na sya.

Binuksan ko ang pinto at iniluwa nito ang isang batang babaeng mala anghel ang mukha dahil sa sobrang ganda, syempre nagmana sa akin.

"Mama!"

Niyakap ako nito ng mahigpit at ganun rin ang ginawa ko rito.

"How are you baby? Naging masaya ka ba sa school?" Umalis ito sa pagkakayap sa akin at kumaripas ng takbo papunta sa sala at nanood ng kanyang paboritong cartoon movie na 'Chicken Little'.

Tinabihan ko ito at sinuklayan ang kanyang napakahaba at napakalambot na buhok.

"Masaya po ako sa school. Marami na po akong friends."

Ngumiti ito sa akin kaya napangiti rin ako.

"Naku hindi po totoo yan, Ma'am. Wala nga po yang kaibigan e. Paano napakasuplada at sinasabihan iyan ng feelingera ng mga kaklase nya." Galing naman sa labas ay biglang sulpot ng kanyang yaya. Si Yaya Roselle na may edad na.

"Hmp."

Nang tignan ko ito ay inirapan nito ang kanyang yaya at nakasimangot na ito ngayon habang nanonood ng tv.

Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang ugali nya at ganyan sya, syempre nagmana nga talaga sya sa akin. Ganyan na ganyan ako noon e. Nagbago lang naman ako nang makilala ko sya.

Tumayo ako at kinausap si Yaya Roselle. "Pagpasensyahan nyo na po ang batang 'yun. Nagmana po kasi sa akin kaya ganun 'yun. Pagsasabihan ko nalang po na wag kayong sungitan at maging mabait na sa inyo." Pakiusap ko rito.

"Wala po 'yun Ma'am. Okay lang po. Sanay na po ako sa batang iyan kaya wag na po kayong mag-alala pa."

"Maraming salamat, Yaya Roselle."

"Walang anuman po, Ma'am."

"Mama!"

Bumalik ako sa tabi ng aking anak nang tawagan ako nito.

"Ano yun baby?" Tanong ko rito.

Nakalabing tumingin naman ito sakin habang nakasimangot.

"Gutom na po ako huhu gusto ko na pong kumain."

"Teka anak malapit ng maluto ang niluluto ko konting hintay nalang ha? Babalik na muna ako sa kusina."

"Okay po."

Bumalik ako sa kusina upang ituloy ang aking niluluto. Nang biglang may mahagilap ang aking mga mata na syang nag-paalala kung bakit nag iisa kong pinapalaki ngayon ang anak ko. Dahil wala sya rito sa panahong kailangan namin sya.

Lumuha ang aking mga mata sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil sa lungkot, hinanakit at pangungulila ko sakanya kaya ganito na lamang ako ka-emosyonal ngayon.

Kinuha ko ang nahagilap kong litrato nya at unti unting naalala ang aming nakaraan.

*10 years ago*

ARIELA FEELINGERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon