Chapter One
"Good morning," sabi ng bagong guro na kapapasok lang sa room ng grade four students at dumiretso sa harapan.
"Good morning, Ms..."
Ngumiti ito sa kanila. "I am Ms. Carolina Beltran, your Science teacher. You can call me Ms. Beltran," mabait na anito.
"Good morning, Ms. Beltran," sabay-sabay na sabi ng mga estudyante.
"Okay, since napakilala ko na ang sarili ko sa inyo, it's your turn to introduce yourself here at front. After that ay proceed tayo sa rules and regulations ko sa klase ko," paliwanag nito at naupo na sa may teacher's table.
It's second day of the school year at ngayong araw ang meet the teachers ng mga estudyante. Alam na alam na nila ang mga gagawin. Kaya kusang tumayo na ang unang estudyante na nasa unahan.
"My name is John Val Heino De Lara. I am nine years old."
Matapos nitong magpakilala ay sumunod nang tumayo ang katabi niya sa upuan.
Apat na row lang sila sa loob ng classroom dahil kulang dalawampu lang ang buong section nila, kaya madaling makakabisado ang mga pangalan ng kada estudyante.
"Next," ani ng guro nang matapos ng magpakilala ang lahat sa ikatlong row.
Ngunit wala pa ring tumayo. Abala ang mga nasa pinakalikod sa sari-sariling 'business.'
"Sino 'yon?" Tanong ng guro kay Pauline na nasa may harapan niyang nakaupo.
"Si Los po," sagot nito sa kaniya.
"Los."
Pero deadma ang lalaking tinawag niya. Napansin naman iyon ng katabi nito sa upuan kaya sinagi niya ang kaklaseng tinawag ng guro.
"Uy, Los! Tawag ka ng teacher natin," asik nito.
Palibhasa ay naka-earphone na hindi halata kaya hindi alam ang mga nangyayari sa paligid niya.
"Ay may teacher na pala," bulong nito.
"Mr. Los. Kindly introduce yourself here at front," mapagpasensyang saad ng guro.
Napakamot ito sa ulo. "Pwede po bang dito na lang sa may puwesto ko?" Tamad na tumayo ito.
"No. Unfair sa mga kaklase mong sa harap pa nagpakilala. Give some effort to walk, Mr. Los," ani ng guro.
Wala naman na itong nagawa kaya pumunta na ito sa harapan. "Los Augustin Santos. Ten," tipid na sagot nito at bumalik na sa sariling upuan.
Napabuntong hininga na lamang si Ms. Beltran. Sunod ay tumayo naman na ang katabi nang sa tingin niya ay magpapasakit ng ulo niya sa classroom na ito.
"I'm Daine Julia Olanza. Ten years old."
Pagkabalik nito sa upuan ay nakipag-apir pa ito sa katabi niya na sunod naman na tumayo.
"Hi, Ms. Beltran! My name is Maica Austin Carpio. I am ten years old. Nice to meet you po!" Magiliw na sabi nito. Nginitian naman ito ng guro.
Pagkabalik sa puwesto niya ay pinalo niya ang katabi na nakasubsob ang mukha sa sariling desk ng upuan.
"Oy! Ikaw na!" Bulong niya rito na medyo malakas.
Tamad din na tumayo ito at tahimik na pumunta sa harapan. "My name is Arki Apre Estrada. Ten years old," mahinang wika nito.
"Louder, please," ani ni Ms. Beltran nang hindi marinig ang sinabi nito.
Napabuntong hininga naman si Arki. "Arki Apre Estrada. Ten years old," ulit nito na medyo malakas na ang pagkakasabi. Bumalik na ito sa likuran at sinubsob muli ang mukha sa desk.
BINABASA MO ANG
Together Fourever
Teen FictionFour girls, four boys. Isang grupo o magkakaibigan na itinadhana na magsama-sama simula pa pagkabata. Pero hanggang kailan sila mananatiling sama-sama? Kung ang sitwasyon ay hindi na katulad ng dati na puro saya lang? At kung pati ang nararamdaman a...