Chapter Five point Two
Kanina pa pagulong-gulong sa kama si Maica kahihintay ng reply ni Los sa kaniya. Pa'no ba naman kasi ay na-pressure siyang magtapat na rin dahil ngayong araw magtatapat si Gela at Daine.
Hapon na pero wala pa ring reply ang kaibigan. Kaunti na lang ay maihahagis na niya ang laptop nang bigla itong tumunog. Mabilis pa sa alas kuwatro na tinignan niya iyon.
Napahawak siya sa bibig nang makitang reply iyon ni Los sa sinabi niyang pupuntahan niya ito sa bahay nito dahil may importante siyang sasabihin.
'Sige' lang ang ni-reply nito ngunit napangiti na siya. Nawala rin iyon agad nang mapagtantong ang OA ng reaksyon niya. Ganito ba talaga kapag inlove? Hays.
Sa kanilang apat, siya yata ang hindi kinakabahan, sa halip ay napapangiti pa dahil lang nag-reply ang kaibigang patago niyang minamahal.
Oo, minamahal. Sa tagal ba naman nilang magkaibigan at nagkakasama, sino ang hindi mahuhulog sa guwapong nilalang na iyon? Well, except to his attitude of being a bad boy. But she loves his imperfections too.
Kinuha niya ang cellphone sa side table ng kama niya at agad na t-in-ext ang tatlong babaeng kaibigan. Sinabi niyang ngayon na rin siya magtatapat.
Maliligo na sana siya nang tumunog ang phone niya. Kinuha niya iyon at tinignan muna kung sino ang nag-text bago tumuloy sa banyo.
From: Rysha
I'll confess too today. Ayokong mapag-iwanan niyo. Psh.Bahagya siyang natawa sa text ng kaibigan. Mukhang pati ito ay na-pressure kaya naisipang ngayon na rin magtapat.
Matapos maligo ay nag-ayos lang siya sandali at umalis na ng bahay.
Pagkarating sa bahay nila Los ay agad siyang nakita ng nanay nito na si Tita Merl at nakangiting niyakap siya at iginiya sa loob.
"Buti ay naparito ka, Maica. Ikaw lang ba mag-isa?" Tanong nito sa kaniya nang nasa sala na sila.
"Ah, opo," magalang na sagot niya.
"Nako, puntahan mo na si Los sa kuwarto niya. Nagpapahinga kasi 'yon dahil ngayon lang siya walang pasok. Dadalhan ko na lang kayo ng merienda," nakangiting sambit pa nito.
Napalunok siya. "Sige po, Tita."
Umakyat na siya sa ikalawang palapag at kumatok sa pinto ng kuwarto ni Los.
"Pasok."
Muli siyang napalunok. Napakamot sa ulo habang pinipihit ang door knob. Papasok siya sa kuwarto nito! Nang siya lang mag-isa! Hindi naman niya akalain na paaakyatin siya ng nanay nito ro'n.
Nang tuluyan na siyang makapasok ay nakita niya si Los na nakahiga habang naka-topless. Matinis siyang napatili.
"Asusmaryosep! Ano ba, Maica!" Gulat na hiyaw nito.
"Bakit wala kang damit? Magbihis ka nga!" Singhal niya rito.
"Bakit? Nabighani ka ba sa katawan ko?" Nakangising pang-aasar nito.
"Asa! Alam mo namang pupunta ako pero nakahiga ka pa d'yan."
"Dahil nagpapahinga ako. At malay ko bang dito mo pala gusto mag-usap sa kuwarto ko. Talagang ikaw pa ang pumasok," tukso pa nito.
"Malamang! Alangan namang si Tita Merl ang pumasok," natawa ito na ikinanoot ng noo niya.
"Ang slow mo talaga," anito at kumuha na ng damit at mabilis na sinuot iyon.
"Ano nang pag-uusapan natin?" Tanong nito nang nakaupo na sa kama.
Bigla ay naramdaman niya ang kaba. Akala niya ay madali lang umamin, iyon pala ay sobrang hirap, lalo na't hindi ka sigurado sa kalalabasan nito.
BINABASA MO ANG
Together Fourever
Teen FictionFour girls, four boys. Isang grupo o magkakaibigan na itinadhana na magsama-sama simula pa pagkabata. Pero hanggang kailan sila mananatiling sama-sama? Kung ang sitwasyon ay hindi na katulad ng dati na puro saya lang? At kung pati ang nararamdaman a...