Chapter Eight
Matapos makapag-usap nang masinsinan ang apat na lalaki ay napagdesisyunan nila na puntahan nang sama-sama ang kada bahay ng babaeng kaibigan. Una nilang pinuntahan ang bahay nila Gela.
Sinalubong sila ng katulong nito sa may gate. "Good afternoon po. Nand'yan po ba si Gela?" Magalang na tanong ni Teron rito.
"Ay sorry, iho, wala siya rito e."
"E nasa'n po siya kung gano'n? Mga kaibigan po niya kami," ani Jomil.
"Ha? E bakit hindi niya kayo kasama?" Nagtatakang tanong ng katulong.
"Ho?"
"Ang paalam kasi sa'kin ng alaga ko, aalis siya kasama ang mga kaibigan niya," anito sa kanila.
"Sa'n po ang punta? Hindi po nila kami na-orient," nakakunot-noong tanong ni Arki.
"Kung tama ang dinig ko, sa Korea ang punta nila," sagot nito at napamaang silang apat.
"Sa Korea ho?" Ulit pa ni Los.
"Oo, iyon ang sabi niya sa'kin e."
"Kailan pa po sila umalis?" Tanong pa ni Teron.
"Kahapon lang, iho."
"Uhh, sige po. Salamat po. Mauuna na po kami. Pasensya na po sa istorbo," magalang na paalam ni Jomil.
"Nakakatampo naman. Hindi nila tayo isinama," ani Los nang nasa sasakyan na sila. Kotse ni Teron ang gamit nila.
"Wala kang karapatan magtampo. Alam mo naman ang mga nangyari sa'tin," seryosong sabi ni Arki rito.
"Biro lang, 'to naman," biglang kabig ni Los.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tensyonadong tanong ni Jomil.
"Puwede ba kayo bukas hanggang sa susunod na linggo?" Biglang tanong ni Teron sa kanila.
"Ha? Bakit? Anong mayro'n?" Tanong ni Los.
"Susundan natin sila," diretsang sagot ni Teron.
"Nako, patay tayo d'yan. E ngayong week ako kailangan sa kompanya e," problemadong saad ni Los.
"Pwede namang hindi ka sumama. Hindi na namin kasalanan kapag nainggit ka sa'min at brokenhearted pa rin si Maica sa'yo," makahulugang sabi ni Arki.
"Sabi ko nga magpa-file ako ng leave e. Tsk. Ayoko kasing malungkot ang mga katrabaho ko. Baka makalimutan nila ang kahulugan ng guwapo kapag hindi nila ako nakita," alitanya ni Los at napangiwi ang tatlo.
"Problemado na nga tayo, gan'yan ka pa rin," iiling-iling na sabi ni Jomil.
"E pa'no gagawin? Hindi naman nawawala ang pagiging guwapo ko."
"E kung suntukin kaya kita para mawala na 'yang kahibangan mo?" Asik ni Arki rito at akmang aambahan ng suntok ito.
"Woah. Easy, pre. Nakikita ko si Rysha sa'yo e," sagot ni Los at bahagyang tumingin kay Jomil.
"Ano?" Singhal ni Jomil rito.
"Wala," nakangising anito.
"Teka nga pala, alam niyo ba kung sa'n sila sa Korea?" Biglang tanong ni Jomil na nakapagpatahimik sa kanilang lahat.
"Oo nga 'no? Bakit hindi natin naisip 'yon? 'Di ba may North at South Korea? Saan sila ro'n?" Seryosong tanong ni Los.
Binatukan ito ni Arki. "Sira. Malamang nasa South sila. Imposible namang sa North sila pumunta, e halos puro mga armas do'n," pambabara nito rito.
BINABASA MO ANG
Together Fourever
Teen FictionFour girls, four boys. Isang grupo o magkakaibigan na itinadhana na magsama-sama simula pa pagkabata. Pero hanggang kailan sila mananatiling sama-sama? Kung ang sitwasyon ay hindi na katulad ng dati na puro saya lang? At kung pati ang nararamdaman a...