TF: Confession (Part One)

34 7 0
                                    

Chapter Five point One

Ilang buwan matapos ang camping activity ng magkakaibigan ay napagdesisyunan na ni Gela na magtapat ng nararamdaman kay Teron.

Ilang beses na siyang sumubok ngunit lagi siyang nag-aalinlangan. Dahil maisip pa lang niya na may nobya ang kaibigan ay parang gusto na niyang sumuko. Anong laban ko sa steady girlfriend niya for two years?

Ngunit bago pa niya maisipang sumuko nang tuluyan ay nariyan ang best friend niya para pagaanin ang loob niya. Para ipagpatuloy ang napag-usapan na nilang plano.

At ngayong araw nakatakda ang pagkikita nila ni Teron na sila lamang na dalawa. Sa isang restaurant na pag-aari ni Teron nila napagdesisyunan na magkita. Good thing about that restaurant ay mayroon itong private rooms for VIP customers.

Labis-labis man ang kaba ay nakataas ang noong nagmartsa papasok ng restaurant si Gela.

Agad niyang hinanap si Teron na mabilis naman niyang nakita. Nakaupo ito sa isa sa mga stool chair at nakatingin sa kung saan.

"Teron," tawag pansin niya rito.

Agad naman itong lumingon sa gawi niya at nakangiting nilapitan siya.

"Gela. It's nice to see you here for the first time," anito sa kaniya.

"Y-Yeah.."

"You want to eat first before we talk?" Alok nito.

"Yeah sure," sagot niya agad. Naisip niyang mas mabuting kumain muna siya nang sa gayo'y makapag-isip muna siya sa sasabihin rito.

Sabay silang pumunta sa isang private room doon. Namangha pa si Gela dahil may videoke sa loob niyon at mga libro na puwedeng basahin.

"What do you want to eat?"

"Uhh, kahit ano. Ikaw nang bahala," tipid siyang ngumiti.

Mahinang natawa ito. "Alright. Since your my friend, ipahahanda ko ang lahat ng nasa menu."

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. "Grabe naman. Hindi naman ako gano'n kagutom."

"Don't worry, I'll join you," nakangiting tugon nito at lumabas muna ng silid na iyon.

Mariing napapikit si Gela nang may kumiliti sa puso niya sa sinabi nito. Relax, Gela. It's just a sentence!

Habang naghihintay ay tumunog ang phone niya. Nakita niyang nag-text si Daine at sinabing ngayon rin balak umamin kay Arki. Napakurap siya. Sabay pa silang susugal ngayon.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Teron kasama ang dalawang waiter na may bitbit na tig-isang tray. Nang maamoy ang mga pagkain ay agad siyang natakam.

"Since you're not that hungry, kaunti lang ang servings nang kada dish. Baka kasi hindi rin natin maubos," ani Teron.

"Buti ay naisip mo 'yon," aniya at natawa silang parehas.

Nagsimula na silang kumain na dalawa. "Ang sarap naman," puri niya sa mga natikman na.

"Thanks. May bayad 'yan," biro ni Teron at sinamaan niya ito ng tingin. "Joke lang," biglang kabig nito.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin?" Muntik na siyang masamid habang humihigop ng soup sa sinabi nito.

Bahagya siyang inubo. "Uhh, ano. Akala ko ba pagkatapos nating kumain saka tayo mag-uusap?"

Together FoureverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon