TF: Graduation

37 8 1
                                    

Chapter Two

Huling araw ng practice para sa graduation. Kanina pa naiinip ang guro na nakatakdang mag-emcee. Pa'no ba naman kasi ay kulang pa ng walong estudyante ang mga ga-graduate. Guess who are they?

Lakad takbong pumunta sa gymnasium ang magkakaibigang sina Teron, Arki, Los, Jomil, Gela, Daine, Maica at Rysha.

"Sorry, Ms. Darrent, we're late," hinging paumanhin ni Teron na hinihingal pa sa ginawa nilang pagtakbo.

"Bakit kayo late? Malinaw ang sinabi kanina na 1:00 p.m. ay dapat nandito na kayo ulit, 'di ba?" Mahinahon na tanong ng guro.

"E Ms. Darrent, napasarap po kain namin sa labas e," palusot ni Los.

Tinignan lang ito saglit ng guro at bumaling kay Rysha na pinipigil ang tawa. "Ikaw, Rysha? Ikaw ang valedictorian pero isa ka pa sa pasaway," sermon nito.

"Sorry, Ms. Darrent," tipid na paumanhin ni Rysha.

"Okay, start na tayo," anunsiyo nito sa lahat at lumabas na ang lahat ng estudyante para sa marching ceremony.

Pinalo ni Rysha sa balikat si Los habang natatawa. "Bilib talaga 'ko sa mga palusot mo kahit kailan e," aniya rito.

Ngumisi ito. "Tss. Ako pa ba."

Ang totoong dahilan kung bakit sila na-late ay dahil naisipan nilang mag-stroll gamit ang motor ng mga lalaki. 11:00 a.m. ay pinauwi na sila para kumain, pero natapos agad sila kaya nagkayayaan. At isa pa ay hindi gano'n kasikat ang araw kanina kaya hindi pumayag ang mga babae.

"Dapat ay sinabi na lang natin ang totoo," biglang sabi ni Jomil.

"Psh. E 'di sana nagsalita ka ro'n 'di ba? Saka gusto mo talaga 'ko mapagalitan 'no?" Asik rito ni Rysha.

"Hindi ah. Mas maganda lang ang nagsasabi ng totoo," depensa nito.

"Ewan ko sa'yo," ani Rysha at pumunta na sa pinakalikuran.

"Hala! Lagot ka, Jomil! Nagsalita ka pa kasi d'yan," pang-aasar ni Maica.

"Oo nga. Baka maging tigre 'yon mamaya. Tsk," gatong ni Gela.

"Dapat kasi nanahimik ka na lang. Gayahin mo 'tong si Arki. Akala mong hindi siya late. Pa-chill chill lang e," dugtong pa ni Teron at sabay-sabay silang lumingon kay Arki.

Napansin naman nito ni Arki at walang emosyong tumingin sa kanila. "Bakit?"

Natawa si Daine. "Hay nako. Wala ka na naman sa ulirat," anito rito.

"Ibalik mo nga sa ulirat 'yan, Daine," asar ni Los at nakatanggap siya ng sabunot kay Daine.

Nang maayos na ang pila ng lahat ay nagsimula na ang tunog para sa huling practice nila.

Tomorrow is their graduation day. Sa wakas ay makakapagtapos na rin sila ng high school. Even in their secondary days ay hindi sila napaghihiwalay na magkakaibigan. Nanatiling matatag at mas tumatatag pa.

***
"I announced that all of you are now officially graduated! Congrats graduates and goodluck in your next journey!" Nakangiting anunsiyo ng emcee na si Ms. Darrent, hudyat na tapos na ang graduation ceremony.

Masayang nagtipon ang magkakaibigan at nagyakapan.

"Congrats sa'tin!" Masiglang ani Maica.

"Yeah, congrats!" Ani Daine.

"Alright! Stroll na 'to!" Excited na sabi ni Los.

"Congrats sa'yo, Los! Akalain mong naka-graduate ka kahit pasang awa ka lang?" Pang-aasar ni Arki rito.

Together FoureverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon