Chapter Seven
"Ahh, this is life," nakapikit at nakangiting sambit ni Maica habang ang parehas na kamay ay nasa ere na animong niyayakap ang hangin.
"Para kang ewan d'yan," nakatawang sabi ni Daine at saka kinuhanan ng litrato si Maica habang gano'n ang postura.
"Hindi ko akalain na ganito pala kaganda rito. Buti at ito ang s-in-uggest mo, Daine," umayos na ito ng tindig at tinanaw na lang ang paligid.
"Ako pa ba?" Nakangising usal ni Daine.
Natawa si Gela. "Ayaw mo pang sumama no'ng una, ha?" Pang-aasar nito kay Maica.
"Oo nga. May pa-emote emote ka pa no'n," gatong ni Rysha.
Biglang napangiwi si Maica. "E kasi first time kong ma-reject kaya!" Depensa nito.
"Bakit? Kami ba, hindi? Duh?" Maarteng asik ni Daine.
"Ang mahalaga ay nandito na tayo at nag-e-enjoy, right?" Nakangiting sabi ni Gela.
"Yeah, whatever," ani Rysha.
"Grabe, hanggang ngayon ay busog pa rin ako sa mga kinain natin kanina," biglang sambit ni Daine.
"Ay, ako man. Pero parang gusto ko pang kumain ulit," ani Maica.
Natawa ulit si Gela. "Napasubok tayo kanina e. 'Yung kahit hindi natin ordinaryong kinakain, napakain sa'tin. Para kasing magsisisi ka kapag hindi mo 'yon natikman dito," alitanya nito.
"Yeah. Iyon kasi ang mga uso at ordinaryong pagkain dito," natatawang sabi ni Rysha.
"Pero infairness, masasarap lahat, ah. Though maaanghang 'yung iba," sabi ni Daine.
"'Di ba kasi mahilig sa maaanghang ang mga tao rito?" Tanong ni Maica.
"Ah-huh. Sa lamig ba naman ng klima, hihilingan mo talaga ang maaanghang na pagkain para lang pagpawisan ka kahit papaano," sabi ulit ni Daine.
"At saka matibay ang mga sikmura nila kung gano'n. Biruin mo, halos puro spicy ang kinakain nila," namamanghang sabi naman ni Gela.
Natawa si Rysha. "E pa'no naman kasi, may mainit ka ngang soup, e 'pag angat mo pa lang ng kutsara mo malamig na agad 'yon," anito.
"Oo nga. Grabe 'yon. Ibang iba sa atin," komento ni Maica.
"Ano naman ang nagustuhan niyong pagkain?" Biglang tanong ni Gela.
"Ako 'yung tteokbokki at mandu. Naka-ilan yata ako no'n kanina," natatawang sagot ni Maica.
"Oo, pabalik balik ka ro'n sa stall. Natatawa na lang sa'yo si ateng tindera," nakatawang sabi ni Daine.
"Mine is bingsu. Ang sarap no'n, grabe," nakangiting sabi ni Rysha.
"Ah, oo. Lalo na 'yung chocolate at ube, ang sarap," komento ni Gela.
"Lahat naman yata ng flavor no'n masarap e," ani Daine.
"Hindi ah. Hindi ko nagustuhan 'yung matcha flavor no'n," nakangiwing pagtutol ni Maica.
"My favorite is ramen! Iyon talaga ang gusto ko simula pa lang. Buti mayro'n no'n sa market, iyong luto na," nangingiting sabi ni Daine.
"Naka-ilan din d'yan si Maica, ah?" Pang-aasar ni Rysha.
"Uy, grabe kayo sa'kin. Sinulit ko lang tikman," depensa ni Maica at nagkatawanan sila.
"Ah, basta. Ang nagustuhan ko ay 'yung barbecue nila. Grabe, ang sarap no'n!" Ani Gela.
BINABASA MO ANG
Together Fourever
Teen FictionFour girls, four boys. Isang grupo o magkakaibigan na itinadhana na magsama-sama simula pa pagkabata. Pero hanggang kailan sila mananatiling sama-sama? Kung ang sitwasyon ay hindi na katulad ng dati na puro saya lang? At kung pati ang nararamdaman a...