TF: Realizations

35 8 0
                                    

Chapter Six

It's been what? It's been a month since the confession of the girls happened.

Tulalang pinaglalaruan ni Teron ang pasta sa harapan niya. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang pagtatapat sa kaniya ni Gela.

Why do I have this feeling of wanting to catch her?

"Teron!"

Tinignan niya ang tumawag sa kaniya. "Why?"

"Kanina pa 'ko nagkukuwento rito, wala ka man lang sasabihin?" Iritadong wika ni Desiree, ang girlfriend niya.

"I'm sorry. Tungkol sa'n nga ba ulit 'yung kinukuwento mo?" Simpleng tanong niya.

Napapikit ito sa inis. "What's with you, huh? Simula no'ng nakaraang buwan ay lagi ka nang gan'yan!" Singhal nito sa kaniya.

"I'm really sorry. May... may iniisip lang ako."

"Ano?" Tumingin ito sa kawalan. "Or should I say, sino?" Sarkastikong ngumisi ito at pinagkadiinan pa ang huling salitang sinabi.

Kunot-noong tinignan niya ito. "Sino naman ang iisipin ko?" Maang-maangan niya.

"Sino pa ba? E 'di 'yang kaibigan mong si Gela!" Hiyaw nito at tinignan siya. "Lagi na lang siya ang binabanggit mo sa tuwing pinagkukuwento kita simula pa no'n! Hindi lang kita mapigil dahil halata namang ang saya-saya ng friendship niyo. Pero bakit kailangan mong maging gan'yan ngayon? Nilandi ka ba niya para sumobra ang pag-iisip mo sa kaniya?" Tuloy-tuloy na sabi nito.

Mas lalong kumunot ang noo niya at nagtagis ang mga bagang. "I don't like the words coming from your mouth, Desiree. Hindi mo kilala ang binabanggit mo para husgahan siya nang gano'n."

"See? Siya pa ang pinagtatanggol mo sa harapan ko. At sa'kin pa talaga!"

"Anong gusto mong gawin ko? Kampihan kita kahit ikaw ang mali ngayon?"

"I'm your girlfriend, Teron! Can't you see! Nagseselos ako sa kaniya! Bakit siya lagi ang bukambibig mo? Nagtataka na 'ko e. May gusto ka ba sa kaniya?" Diretsang tanong nito sa kaniya.

Natigilan siya. "I'm what?"

"Come on, Teron! Naglolokohan na lang yata tayo rito e!" Nabigla siya nang mangilid ang mga luha nito. "Obvious na obvious sa'yo na gusto mo siya! O baka nga mahal na! Pero hindi mo lang pinapansin kasi may girlfriend ka! At ako 'yon! Ako ang pumipigil d'yan sa nararamdaman mo!" Itinuro pa nito ang dibdib niya.

Muli siyang natigilan. Inalala niya ang mga ikinukuwento niya sa nobya magmula pa noon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maalalang tama nga ito. Maski nang sumakay sila sa space shuttle nitong taon ay naikuwento niya rin dito. Damn, why I didn't notice that?

"Desiree..."

"Now what? Na-realize mong tama ako?" Napaiyak na 'to at agad niyang inalo.

"Sshh. I'm sorry, Desiree. I'm really sorry," sinserong paumanhin niya sa nobya.

***
May flight ngayon si Arki ngunit parang wala siya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit nanunumbalik sa isip niya ang pag-uusap nila ni Daine noong nakaraang buwan. Am I affected?

Syempre, masakit para sa kaniya na nasaktan niya ang sariling kaibigan. Pero, sinabi lang naman niya ang katotohanan. Iyon nga ba ang totoo?

Mariin siyang napapikit. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho. Nakasalalay sa kaniya ang buhay ng maraming tao ngayon.

Matapos ang ilang oras ay matagumpay niyang naihatid ang mga pasahero sa bansang Japan. Habang naglalakad palabas ng airport ay bigla siyang tinawag ni Krystal, isa sa mga flight attendant ng flight niya kanina. Ngunit hind niya agad narinig.

Together FoureverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon