Chapter 3:June 8,2013

8 0 0
                                    

*ROOFTOP*

LEA'S POV

GOODMORNING Friday.Half day kami ngayon dahil usually half day classes lang every friday.Ewan ko kung bakit..Wag ako tanungin mo..Tanungin mo yung school owner namin or yung dean. -.-

So yun,kahit mamaya pang ala una ang pasok ko ay nagising ako ng maaga dahil balak ko sanang mag jogging sa subdivision namin.

Hindi mawala sa utak ko ang sinabi ni Wade nung Lunes..Simula noon ay hindi na yon umalis sa aking isipan.

Kamusta nakaya sya?Di na nya ko kinausap pagkatapos ng paguusap namin nung Lunes

Nagising and diwa ko ng nagsalita ang isa sa mga maid.

"Handa na ang almusal Iha.Maupo kana dyan at kumain.",umiling ako sakanyang naturan.

"Sina mom po?"

"Ahh kaaalis lang.May meeting yata sila mamayang ala sais ng umaga sabi nya...5 am palang naman pero nakakapagtaka ang maaga nilang pag-alis",sabi nito at nagkibit balikat.

"Ah ganon po ba?Pahingi nalang po ako ng bowl at baso,magsi-cereal nalang po ako manang"

"Osige iha.",umalis sya saglit para kumuha ng bowl syempre kaya tumayo muna ako para kumuha ng cereal sa kabinet at gatas sa fridge.

Pagdating nya ay nagpasalamat ako at niyaya na sya na sabayan ako.
Tinanggihan nya dahil maglalaba pa raw sya.

Mabilisan lang ako kumain para matagal tagal ang gagawin kong pagtakbo habang hindi pa nagpapakita ang haring araw.

Nagpahinga ako ng limang minuto pagkatapos kong kumain at nagsimula ng magstretching sa bahay.

Si-net ko na ang earphones ko at nagsimula ng mag-ikot sa village.

Takbo
Takbo
Takbo

Binabalutan na ako ng pawis ng maka dalawang ikot nako sa village..Kaya napagpasyahan ko munang bumalik sa bahay para makainom ng tubig.Habang naglalakad pabalik,may nakita akong demonyo na may mala-anghel na mukha..Kilala nyo na.

Nakita ko si Wade na gaya ko ay tumatakbo.Nag-jog ako ng marahan at kunwaring walang pakealam sa kanyang presensya.

He's wearing a jogging pants,black na sando..At may nakatali sa bandang tyan nya na isang itim na longsleeve t-shirt..Para sya magmo-model.At makikita mo ang kanyang mga naglalakihang biceps..He's so damn hot.A-ang gwapooooo.Kulang nalang ay mag hugis puso na ang mga mata ko habang tinititigan sya.Nakakapagtaka lang na bigla syang tumigil sa isang bahay..Sa sobrang pagkatuon ng atensyon ko sakanya ay hindi ko napansin ang isang bato dahil para matalisod ako at natuloy sa pagkadapa..

"Tss.Tanga.",walang emosyon at parang wala lang pakealam sakin..

Nahirapan akong tumayo dahil bahagyang nasugatan ang dalawa kong palad at magkabilang tuhod at isa sa siko..Aishh...Bawas ganda..Buti nalang hindi nagalusan ang aking pinagpalang mukha.

Padapa kasi ang pwesto ko pagkatapos madapa.Sinubukan kong tumayo ngunit hindi ko kaya..Narinig ko ang isang 'tss' galing kay Wade.Pinamulahan naman ako ng mukha dahil sa hiya..Nagulat nalang ako ng bigla nya akong binuhat na pang kasal at ipinasok sa bahay kung saan sya tumigil kanina..Mas lalo akong pinamulahan ng mukha.

Iniupo nya ako sa isang sofa at sandaling iniwan doon..Pagbalik nya ay may dala nya syang first aid kit.

Napanganga ako ng bigla syang lumuhod.Tss.Assuming..Ginamot nya yung mga sugat ko sa tuhod..Nilagyan nya ng betadine.Pagkatapos ay nilagyan nya ng band aid.Sinunod nya yung sa siko tas yung sa gasgas sa palad.

For Her?The World is UnfairWhere stories live. Discover now