* Dinner *
Lea's Pov
Kahit na nagde-deydream lang ako kahapon ay alam ko na inumaga na ako kakaisip..
Kasi naman diba?Sa dami ng babae eh bat ako?
Wow ngayon kapa nagtanong Lea?Eh,hinalikan ka lang nga pero ginantihan monaman..May pangisi ngisi kapang nalalaman!Napailing iling nalang ako dahil sa pagsesermon ko sa sarili..Eh kasi naman eh..Diba pwedeng nadala lang?Infairness.Masarap sya halikan..
Tss.Ang landi mo Lea.
Dahil umaga na nga ng makatulog ako.Tinanghali ako ng gising.
Kasabay ng pagmulat ng mata ko ay ang pagkalam ng sikmura ko..Mag a-ala una na..Hello!I just skipped my breakfast and lunch!
Syempre kumain nako kaagad..First time kong magutom ng ganto at matulog ng mag-uumaga na.
Lakas namang makapangbulabog ng karisma ni Wade.
Nag half bath ako saglit at tinawagan ko din si Mom pagkatapos.
Nag ring ito ng ilang beses bago nya sagutin..Busy siguro..
"Hello iha?What is it?Nasa meeting kami ng dad mo..Hindi kita maasikaso."
"Ma, 30 seconds lang."
"Right..what is it?"
"Magpapaalam lang ako.May nagyaya kasi sakin mag dinner.Sa subdivision din nakatira."
"Ok basta wag umuwi ng midnight.Sa condo kami mags-stay ng papa mo ngayon...Nakakapagod daw pag nag drive pa kami pabalik dyan mamayang gabi..Tambak din kase ang trabaho dito sa opisina..Bye darling..Love you"
"O-ok..Love u too Mom..Even dad..Take care",then i hang up.
Theyre busy again
I sighed.
Nanood muna ako ng dalawang movies.Horror.Or basta.Gusto ko yung brutal.Im not into comedy and heavy drama.Sa heavy drama ay lagi akong na c-carried away.Yung feeling na.Parang nakakarelate ka sa lahat?Sa mga bakbakan naman medyo nagugulat ako sa mga putukan e..
So yun,Ng mag 6 pm na ay napagpasyahan ko nang maligo.Saka ko sinuot ang isang simple dress at red high heels.I thank my curly hair kaya bumagay sakin.Naglagay lang ako ng konting foundation,lipstick at eyeliner.
Quarter to 7 na ng matapos ako.
Someone knocks at my door
"Maam.May naghahanap po sainyo sa labas,papasukin ko po ba?",boses ni Manang.
"Sige po.",nagwisik nalang ako ng kaunting pabango at bumaba na.Nakakahiya naman kung paghihintayin kopa sya ng matagal.
Nadatnan ko sya na nakasandal sa pader.He's wearing a maroon polo.May relo rin.Napaka gwapo at bumagay sa suot nya ang kanyang hairstyle
Nakaside view sya kaya mas kapansin pansin ang matangos nyang ilong.
Ng maramdaman nya ang presensya ko ay nilingon nya ako.Right now, i can feel my heart beating so fast.Para akong nagmamarathon.
Ang seryoso nyang awra kanina ay napalitan ng napaka gwapings nyang smile.That made me smile too.Iniwan na kami ni manang sa living room.Hindi ko man lang napansin.
"Uhm.Shall we go?", he said as he pulled my waist closer to him.Amoy kona ang mint nyang hininga.
"Hmm..Yes",nailang ako bigla sa ikinilos nya.Iginala nya ako papunta sa gate habang hawak parin ang bewang ko.