Awit ng Parilawa

128 4 0
                                    

Nakatingin sa malayo si Crimson na nakatanaw sa Isla sa gitna ng Parilawa. Ang dating lawa na puno ng sigla, ngayon ay matamlay dahil sa digmaan. Madalang na ang nangingisda sa pangamba na baka mapagkamalang mga tiktik. Dama ang lumbay ng ihip ng hangin na nagmumula dito. Kasabay ng pagtulala niya sa malayo at pagbagsak ng kaniyang mata ay ang dahang dahang paglubog ng araw.

Ang araw ay malamlam sa dapithapon na iyon, ang kahel na araw ay unti-unting nawawala sa hangganan ng tanaw. Ang langit ay nagkukulay dugo, kahel at lila, napakaganda. Napakagandang tanawin bago ang pagdilim. Magandang alalahanin ang masasayang panahon bago ang digmaan.

Siya ay naghahanda ng mga gamit na nagmamadali. Ibinalunbon niya ang isang papel at iniligay sa isang sisidlan. Kinuha ang kanyang espada na nasa sabitan, isinuot ang sumbrero mula sa lamesa at muling inaninag ang Parilawa sa bintana at saka umalis. Masaya alalahanin ang kahapon, masarap tanawin ang papalubog na araw ngunit may mga bagay na kailangang gawan ng hakbang. Mga bagay na kailangang gawin ng madali.

Panahon na rin ang lumipas nang si Koros, ang pinuno ng Kapisanan ng mga Tandang-dagat (Katanda), ay umawit ng isang pangitain

"Oh Tala sa gitna ng karagatan
Pinagpala ka nang kasaysayan
Kung kapangyarihan ang nais
Parisukat marapat na makamit"
-Koros

Ito ang bahagi ng awit na nagsimula ng digmaan. Ang nagsilbing baga sa apoy na matagal ng nagbabadya.

Ang Talandagat ay binubuo ng apat na bansa ang Alura, Matambughaw, Sanwaywey at Mogdhon na pinamumunuan ng mga haring Syiap, haring Pipo, haring Sisen at reynang Chatel. Ang isla ay kahugis ng isang talang may apat na tusok, at sa gitna nito ay ang Parilawa. Sa hilaga ay ang Alura, sa kanluran ay ang Matambughaw, Sanwaywey ay sa timog at Mogdhon sa silangan.

Sinasabing ang apat na bansa ng Talandagat ay ipinangalan sa apat na bayaning nagmula sa Raoro, isang bansa na ayon sa alamat ay dating nasa Karagatan ng Oro bago ito nilamon ng dagat.

Noong unang panahon, sabi ng mga pasalin salin na kwento, mapayapang lugar ang Talandagat. Iba't ibang angkan ang naninirahan, walang pinuno, walang hari ngunit nabubuhay ng maayos ang mga mamamayan. Isang angkan, ang mga Gratac ay nagsimula ng pang-aalipin. Ninais nilang pamunuan ang buong isla. Ang payapang mga angkan ay nagkagulo dahil dito. Ang mga Oryon ang nagturo sa mga angkan ng iba't ibang karunungan. Tinuruan nila ang mga ibat ibang angkan kung papaano ipaglalaban ang sarili. Nagkaisa ang mga angkan upang tapusin ang sakim na paniniwala ng mga Gratac.

Nais ng mga angkan na ang mga Oryon ang mamuno sa kanila ngunit sila ay tumanggi dahil sila ay banyaga. Binuo ang Katanda ng apat upang mamili ng karapadapat na mamuno. Sila'y hindi nag-asawa o nag-anak upang maiwasan ang pagpapaimbabaw ng mga susunod na lahi. Sa pagkamatay ng apat ay kasama nilang nalibing ang apat na maalamat na sandata. Sinasabi na ito ay nasa pinakapusod ng maliit na isla sa gitna ng Parilawa. Sa islang ito nagaganap ang pagpupulong ng mga Katanda. May apat na haliging bakal na ang sukat ng pagkabilog ay 32 pulgada kung saan nakasulat ang mga salitang:

"Sa dugo at pawis, sa ulan galing langit, sa init ng araw, ang halaman ay sisibol"

Sa kasalukuyan sa gitna ng digmaan, sa bansang Matambughaw ay nag-uusap ang haring Pipo at si Klaud, ang Apoy ng Matambughaw. Nang magkadigma ay sinubukan ng samahan ng mga Apoy na pahintuin na ang digmaan.

"Klaud, ang akin karamdaman ay lumulubha. Hindi ko alam kung ako ay gagaling pa. Walang papalit sa akin. At ngayon, na naglahong parang bula ang Katanda, ay sino ang mamimili." wika ng hari.

"Asul na Hari, Itigil niyo na ang digmaan. Walang patutunguhan ito, walang mananalo. Lahat tayo ay matatalo. Kayo ang pinili ng mga Katanda noong panahon ng inyong kabataan ngunit anong nangyari at kayo'y naging sakim, lahat kayo maliban sa pulang Hari."

Talandagat : Digmaang KinulayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon