Tyraphiena's POV
"Ate!!!! Ano baaaaaaa?! Bilisan mo na malelate na'ko sa school eh!" Sigaw nang aking kapatid sa labas.
"Oo eto na! Wait lang kasi! Nagbibihis na'ko eh" Sigaw ko rin sa aking kapatid. Oha! Ano akala mo? Ikaw lang may karapatang sumigaw? Hmmp. Ako din no!
Nalate kasi ako nang gising jusko alas sais na eh 6:30am bukas ng shop na pinagtratrabahuhan ko.
Pagtapos kong mag-ayos ay hindi na'ko nakapag almusal pa. Aba'y syempre naman late na'ko eh.
Iniwan ko na si Selena sa bahay at iniwanan ko na rin ng pera para sa baon niya nang pang isang linggo saka ako sumakay sa bisekleta ko at pinaandar na 'yon papunta sa pinagtratrabahuhan ko.
Nag in na'ko sa aking pinagtratrabahuhan.
Time check ✔ 6:29am
Whoooo shet! Akala ko late nanaman ako eh.
Nako nako! Kung alam nyo lang kung gaano kalaki ang kaltas sa sahod namin kada malelate ka ng isang minuto. 20 pesos din yun no! Pa'no pa kaya pag limang minuto ka nalate? Jusko! 100 agad.
Anyway, sa isang coffee shop ako nag tratrabaho. Isa akong cashier dito.
Nagbihis agad ako ng uniform ko at pumwesto na sa aking nararapat na pwesto walang iba kundi sa cashier.
"Goodmorning sir! What is your order please?" Masigla kong bati sa aming kaunaunahang customer.
"Give me a latte." Walang gana nitong sabi habang nag pipipindot sa cellphone niya. Grabe lang? Masyado bang tirik na tirik ang araw para magsuot siya ng sumbrero at shades dito sa loob ng coffee shop? Anyway trip niya 'yan at di'ba nga? The customer is always right.
But he looks familiar ..
Anyway kinuha ko na yung order niya bago nanaman ako mapagalitan ng boss namin. Alam niyo kasi mainit ang dugo sa akin ng boss namin eh. Lagi kasi ako sinisiraan nang isang sipsip ko na katrabaho dito! Hindi ko ba alam! Buti nga hindi ako tinatanggal sa trabaho eh. Syempre ang sipag ko kasi!
"Here's your order sir. 120pesos po." Pag bibigay ko ng order niya sa kaniya.
Kumuha naman siya ng pera sa wallet niya at binigyan ako ng 500 na buo.
"I received 500pesos. Your change is 380pes--" he cut me off.
"Keep the change." He said.
Omayghaaddd! Kung sinuswerte nga naman ako ohhhh!!! Extra money din 'to.
"Thank you sir!" Pahabol ko sa kanya bago siya umalis. Nako sana naman lahat ng customer namin ganon no. Hahaha para madali akong kumita ng pera.
Alam nyo kasi readers. Isa na'kong ulilang babae. Wala na kaming ama. Matagal na siyang patay. Wala na rin kaming ina. Matagal na niya kaming iniwan. Iniwan niya kami ng kapatid ko sa puder ng tita namin at hindi na kami binalikan pa. 20 years old na ako samantalang ang kapatid ko naman na si Selena ay mag e-18 na. Nag aaral siya samantalang ako huminto para makapagtrabaho. Umalis kasi kami sa puder ng aming tita dahil sa pang mamaltrato siya samin ng kapatid ko. Kesyo pahirap daw kami, palamunin, at walang pakinabang. Kaya naisipan kong lumayas at sinama ko si Selena. Huminto ako sa pag aaral ngayon lang dahil hindi ko na kayang pag-aralin kung kaming dalawa ang mag aaral dahil first year college na si Selena at masyado nang malaki ang gastusin kaya ang kapatid ko muna ang pinag- aaral ko. Pasukan pa lang ngayon. Kung ano anong trabaho na ang pinasok ko. Naging labandera ako. Naging waitress ako sa isang restaurant. Naging mascot din ako sa isang fastfood chain. Para lang mabuhay ako at ang kapatid ko lahat nang trabahong marangal pinasok ko. Mahirap syempre. 2 taongko nang ginagawa 'to at ito nandito ako sa bago kong trabaho. Cashier ako sa isang coffee shop. Maganda naman at malaki ang sahod ko kumpara sa mga nauna kong trabaho. Kaso nga lang feeling ko matatanggal na'ko kasi painit ng painit na ang dugo sakin ng boss namin dahil sa haliparot kong katrabaho.
"Hoy Tyra! Linisin mo nga yung table number 2 don! bilis!"
Speaking of the devil.
She's Jane the number 1 insecure sa'kin dito. Dahil sa kaniya kaya ako napapagalitan ng boss ko! sinusumbong ko naman siya kaso napakalakas ng kapit ng bruhang 'to. Feeling ko nga kabet 'to ng boss naming gurang eh. Hello? Ang tanda na kaya no'n! Palibhasa ang landi kasi eh. Feeling maganda eh mukha ngang clown sa kapal ng make up. Kung alam nyo lang every half hour ata nag reretouch yang clown na yan.
"Hindi ko naman trabaho 'yun eh! Bakit sakin mo pinapagawa ha?!" Gigil kong tanong. Hello?! Siya kaya ang waitress dito.
"Aangal ka?! Gusto mo sumbong kita sa boss natin?! Sabihin kong patamad tamad ka ha?!" Halos tumalsik na laway niya sa pag bulyaw niya sa'kin.
Ako pa ang tamad? Nag make face nalang ako sabay inirapan siya. Ano siya boss?! Tutal kumakabet naman siya sa boss namin bakit hindi niya pa lubos lubusin?! Edi sana nag pa- promote siya bilang manager bago niya ako utos utusan! Ang kapal ng mukha niya! Kasing kapal ng make up niyang peke!
Sinunod ko nalang ang inutos niya dahil sa ngayon ayokong mawalan ng trabaho. Sa panahon ngayon ang hirap nang maghanap nang maayos na trabaho eh.
"Whooooo shet! 30minutes akong late hayop! 300 agad kaltas ko!" Bigla naman sulpot ni Adrian.
Si Adrian nga pala ang nag iisang kasundo ko sa trabaho. Part time siya dito. Waiter siya. Nag-aaral siya kaya napilitan mag trabaho kasi kailangan niya ng extra money. Actually, hindi naman sila mahirap eh. Mayaman sila dati. Kaso nalugi ang negosyo nila kaya nag hirap sila. Puro kasi sugal ang daddy niya kaya nawala lahat ng kayamanan nila at napilitan siyang magtrabaho.
Bakit ko alam?
Madaldal kasi yang si Adrian. Buong buhay na nga niya na kwento na ata niya sakin eh. Kulang nalang idemo niya sakin kung paano siya tumae sa banyo nila.
"Tyra! Ano yan?! Bakit ikaw gumawa niyan?! Ako na diyan!" Sabi nito sabay agaw ng basahan na hawak ko.
"Well? What do you expect Adrian? Sino ba pa ba ang mag uutos sakin nito?" Napairap nanaman ako ng ma- alala ko ang mukha ng bruhang 'yon.
Hindi na siya nagsalita pa at ginawa na lamang ang trabaho niya. Pabalik na sana ako sa pwesto ko nang may kumalabit sa braso ko kaya napalingon ako.
Oh si kuyang galante pala ito na keep the change daw. Hindi pa pala siya nakaka alis.
"Yes sir? How can I help you?" Tanong ko sa kaniya.
"Uhm? Saan 'yung restroom dito?" Tanong niya. Infairness ang pogi niya ah. Wala na kasi siyang suot na shades kaya naman kitang kita ko ang face niya. He looks familiar talaga eh.
"Ah sir deretsuhin niyo po iyon tapos kumanan po kayo. Makikita niyo na po doon yung restroom." Pagpapaliwanag ko.
"Okay thanks." Sagot nito.
Tumango na lamang ako. Pabalik na sana ako sa cashier nang bigla ako mapahinto at gano'n din siya.
Bigla kaming napalingon at tinitigan ang isa't isa.
Nang masuri namin nang maigi ang bawa't detalye nang aming mga mukha ay parehas nanlaki ang mga mata namin na tila ba parang bang kagigising lang namin at naalimpungatan ang mga mata.
NO WAYYYYY!!!! O_O
"CODY?!/TYRAPHIENA?!"
--------------------
A/N:Hi guys! Nagustuhan niyo ba ang first chapter ng story na ito?
If yes I'm glad. If no I'm still glad hahahah Baliw lang noh?
Anyway don't forget to Vote, comment and share this story for more and fast update guys! Keep supporting guys!
Thank you ;*
-ShiningShimmery
BINABASA MO ANG
The Band's Slave (On-Hold)
De TodoMinsan may mga tao tayong hindi inaasahan na makakatulong sa atin. Minsan hindi rin natin inaasahan ang mga taong babalik muli sa buhay natin. Siya si Tyraphiena, isang simpleng babae na nag nanais lamang mapagtapos ang kanyang kapatid na si Selena...