Chapter 4 - The Voices

57 22 1
                                    

Tyraphiena's POV

All eyes are looking at Cody and Blaire.
I don't know why they're filming us. I don't know why their reaction was so shocked.

"Mr. Owner. I know you have the right to fired this young lady pero wala kang karapatan ipahiya siya sa harap ng maraming tao" sagot ni Blaire.

"You see her?" pagtuturo ni Cody kay Jane. "That girl pushed this girl para matapon yung hawak hawak niyang coffee don sa customer. I saw it with my own eyes because I was looking to this girl" Pagtingin naman niya sakin. Napayuko na lamang ako.

"You can check the CCTV footage para makita nyo ang nangyari, hindi yung ipinapahiya niyo ang impleyado nyo sa harap ng maraming tao kung pwede nyo naman ito kausapin sa opisina nyo" pagpapaliwanag ni Cody.

"Besides dahil sa ginagawa nyo pwedeng pwede kayong kasuhan ng babaeng ito" then tinuro ako ni Blaire bago tinuro si Jane "lalong lalo na ng babaeng yon." parang nanigas naman si Jane sa kinatatayuan niya.

"I'm sorry for what happened Mr. Cody and Blaire. Hindi na ito mauulit. I'm glad na nabisita pala kayo sa Shop ko para mag kape. The Famous band here in the philippines visiting my coffee shop. Thank you so much." pag papasalamat ng boss ko.

"Wag ka mag sorry samin. Mag sorry ka sa kanya." ako ang tinutukoy ni Blaire.

"Maybe I will not able to visit this shop again after of what happened." Cody said.

"I'm sorry Tyra. You're not fired anymore." sabi ng boss ko.

Talaga? Hindi na ako tanggal?

"No. She's already fired. Let's go. Excuse us." Hinila ako ni Cody at sinakay sa kotse niya. Kasama namin si Blaire. Nag maneho ito. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin pero hinayaan ko nalang. Sobrang pag papasalamat ko dahil nandoon sila kanina. Kung wala sila hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang kahihiyan.

Marahil kailangan ko ng maghanap ng ibang trabaho. Dahil hindi ko na yata kayang bumalik doon kahit pabalikin pa ako ng boss ko.

Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasan hindi itanong ang isang bagay.

"Cody? Ano yung sinabi ng boss ko? isa raw kayong famous band dito sa pilipinas?" Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.

"I will explain everything later Tyra." Cody said.

Dinala nila ako sa isang lugar kung saan tahimik at may magandang view. Hindi ko alam kung saang lugar ito pero parang na refresh ang utak ko at nakakawala ng stress ang view.

"Look Tyra. We're the famous Band Five Voices." paninimula niya.

(A/N: Guys yung logo po nila is "Voices" yung letter V po is Roman Numeral kaya po naging Five Voices po yun kasi ['V'oices] parang ganyan po tas yung V roman numeral kaya naging Five Voices. Gets po? Nasa media po yung name ng band nila.)

"Bakit hindi mo sinabi sakin ?" tanong ko. Ngayon ko lamang napagtanto marahil kaya laging nakasuot si Cody ng Sumbrero at shades dahil itinatago niya ang kanyang mukha dahil baka makilala siya ng mga tao at pag kaguluhan gayundin itong si Blaire. Pati ang mga kinikilos ni Jenard ngayon ko lang naintindihan. Kaya pala kung magulat siya nung unang makita niya si Cody at Blaire dahil mga sikat na tao pala ito.

"You see Tyra. Ayokong makilala mo akong bilang ibang tao. Gusto kong isipin mo ako parin yung Cody na nakilala mo." Hindi na lamang ako nakapag salita. Ni hindi ko rin magawang magalit kay Cody dahil nagsinungaling siya sa akin. Hindi rin naman big deal sa akin kung sikat man siya o hindi eh. Naiintindihan ko siya.

"Cody, iuwi mo na nalang ako." pagsasabi ko.

"Ayaw mo ba munang kumain?" tanong ni Blaire sa akin.

The Band's Slave (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon