Tyraphiena's POV
Andito kaming lahat sa sala habang hinihintay si Claude.
Napaka pabebe ng lalaking yun. 7am na ang bagal bagal parin kumilos. Si Ashton naman mukang walang balak pumasok kasi kanina pa hindi bumababa.
Tahimik lang kami dito habang nakaupo at nag hihintay sa Claude na yon. Nakakahiya talaga yung nangyari kanina.
(Flashback....)
"Waaaaaaaaaaahhhhhh!!!!" muli kong sigaw.
"Tsk. Ang ingay mong babae ka!" sabi nito habang nakapikit.
"Anong nangyayari?!" biglang sulpot ni Blaire at ng tatlo pa.
Ganito ang mga mukha nila.
O________o
"Ahmm-" hindi na ako nakapag salita pa dahil bigla akong hinigit ni Cody mula kay Claude na todo kung makayakap.
Bigla naman sumugod si Blaire at kumuha ng unan at tinaklob sa pag mumukha ni Claude.
"Walanghiya ka Claude! Anong ginagawa mo kay Tyra ah!!!! Anong binabalak mo ha?!" hindi mo alam kung galit ba si Blaire o bading eh. Para kasing bading yung way niya ng pag sasalita hahaha. Pero omg baka mapatay ni siya Claude jusko. Aawat na sana ako ng sipain siya ni Claude kaya naman talsik siya at ngumudngod ang mukha sa floor ng very light lang naman.
"Ouch... " bulong ni Blaire habang himas himas ang ilong niya
"What the fuck Blaire?! papatayin mo ba ako?!" galit na tanong ni Claude sa kanya.
"Hindi naman" sagot ni Blaire habang himas himas pa din ang ilong niya.
"Then what the hell was that for?!" badtrip na tanong nito kay Blaire.
"Wala lang! Trip ko lang! Pogi ako eh." sabi naman ni Blaire at tumayo na mula sa pag kakasalampak sa sahig.
Like what the heck? Trip niya lang? hahahaha aba may pa ka gago talaga tong si Blaire, and pogi siya? hahaha ano connect?
"Psh" sagot na lamang ni Claude sabay higa ulit.
"Ano ba kasi ginagawa mo ha?! bakit ganoon ang posisyon nyong dalawa?!" bad mood na tanong ni Cody kay Claude.
"Chill bro. We're just having-"
"Making love" pagputol ni Ashton sa sinasabi ni Claude.
"SHUT YOUR MOUTH ASHTON LEE ! I'M NOT TALKING TO YOU !" Cody shouted. He looks very angry right now.
"Ahm Cody hindi-"
"Shut up Tyra." he cut me off. Seryosong seryoso siya ngayon.
Napatikom naman ako ng bibig dahil don.
"Chill lang Cody. I just shut her mouth-" Cody cut him off.
"By hugging her?" seryoso niyang tanong.
"Yeah. That's ... Right ..." Claude said.
"Habang nasa ibabaw mo siya?" seryoso na ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa ngayon. Oh no! This is bad.
"Ahm Cody hayaan mo na hindi naman ako nasaktan eh" pag eexplain ko dahil ayoko ng magkagulo pa rito.
"Why are you so mad Cody? Why are you so affected? you like her?" Claude asked to Cody.
"Shut up and get yourself prepared. We're going to school." sabay walk out ni Cody.
Bumangon naman si Claude at sinumulan ng mag ayos. Umalis na kaming lahat sa kwarto na yon at bumaba na sa sala para maghintay.

BINABASA MO ANG
The Band's Slave (On-Hold)
RandomMinsan may mga tao tayong hindi inaasahan na makakatulong sa atin. Minsan hindi rin natin inaasahan ang mga taong babalik muli sa buhay natin. Siya si Tyraphiena, isang simpleng babae na nag nanais lamang mapagtapos ang kanyang kapatid na si Selena...