Tyraphiena's POV
Andito ako ngayon sa tapat ng tinitirahan nila Cody and I was like O_O
Grabe ang laki ng bahay nila. Mansion na ito eh. Pumasok na ako agad sa mansion na ito. Kilala na rin ako ng guard dahil binilin na ako ni Manager Ken sa mga iyon.
(Flashback...)
"Tyra ito ang gagawin mo bilang p.a nila. Sa umaga pupunta ka ng bahay nila para asikasuhin sila. Ipagluto mo sila ng pagkain. Gisingin mo sila sa umaga dahil makukupad kumilos ang mga yon and as much as posible sana eh on time sila makarating sa school kasi alam mo naman ang daming late ng mga yan. Wag ka mag alala Tyra lalakihan ko talaga ang sahod mo.Ito ang number ko tawagan mo ako kapag may problema ka." pag hingi nito ng pabor. Kita mo talaga sa kanya na ang laki ng problema niya sa mga alaga niya.
"Wag ka mag alala manager Ken! ako na ang bahala." proud kong sabi.
Naniniwala kasi ako sa sarili ko na kaya ko.
(End of Flashback...)
Nandito ako ngayon sa sala. 5:45 am palang at kailangan ko pa mag luto ng umagahan ng mga unggoy na iyon.
Binuksan ko na yung ref at nag hanap ng pagkain na pwedeng umagahan ng mga unggoy na yun. Sabi kasi sakin ni manager Ken eh pwede ko raw galawin ang lahat ng bagay rito or pwede ko raw lutuin ang lahat ng gusto ko. Kung gusto ko nga raw abusuhin tong ref eh go lang eh basta wag raw ako mag resign hahahaha pero syempre hindi ko gagawin yun noh. Hahaha bait ko kaya.
May nakita akong bacon, egg, pork, chicken at iba pa.
Kinuha ko naman yung bacon, egg at hotdog marahil ito na lang ang lulutuin ko dahil ito naman kadalasan ang almusal eh. Lutuan ko na rin ng fried rice siguro para bongga ang pa almusal ni mareng Tyra hahahahaha.
Kasalukuyan na akong nag luluto ng fried rice ng bumaba si Denis ba yon? Danimic? Ay ewan ano ba pangalan niyan.
"Uyy Goodmorning! Kain kana almusal ! paluto na tong fried rice !" masigla kong bati sa kanya.
Aba ang loko inisnob ako at kumuha lang ng tubig sa ref. Umupo naman siya sa isang chair sa dining area at pinanood akong mag luto. Sus akala ko iisnobin ako ng bonggang bongga ng lalaking ito eh.
"Kumain kana ako ang nag luto niyan" pag abot ko sa kanya ng plato na may laman ng fried rice, egg, bacon and hotdog. Odiba? Yaya ata ang trabaho ko eh hahaha pero okay lang atleast malaki ang sahod ko.
"Alam ko" tamad na tamad na sagot nito.
Ay oo nga naman kasi nakita niya akong nag luluto eh.
"Sige na Domingo! kumain kana at wag ng mag inarte. Walang lason yan." pag pupumilit ko sa kanyang kumain.
"Psh. It's Dominique" wala naman na siyang nagawa at kumain na. Kumuha ako ng isang hotdog at pinapak iyon dahil hindi pa ako nag aalmusal.
Dominique pala yon bwahahaha.
"Hmmmm ang bango naman ano yun?" biglang sulpot naman ni Blaire at Cody.
"Wow breakfast! grabe ngayon lang ako ulit makakakain ng breakfast ah." Muling sabi ni Blaire.
"Bakit naman ngayon lang?" tanong ko.
"Kasi naman! walang nag luluto ng almusal dito! lahat tamad! hindi pa marunong mag luto! walang silbi! buti nalang at gwapo ako" pag mamaktol ni Blaire habang nasandok ng pagkain.
"Wow nag salita ang magaling! nung sinubukan mo ngang magluto ng fried rice eh ginisa mo yung bigas sa bawang eh!" sabat naman ni Cody.
Natawa naman ako sa sinabi ni Cody

BINABASA MO ANG
The Band's Slave (On-Hold)
РазноеMinsan may mga tao tayong hindi inaasahan na makakatulong sa atin. Minsan hindi rin natin inaasahan ang mga taong babalik muli sa buhay natin. Siya si Tyraphiena, isang simpleng babae na nag nanais lamang mapagtapos ang kanyang kapatid na si Selena...