Tyraphiena's POV
"One latte nga ulit Tyra." Pag oorder lang nang kakarating na si Cody.
Ilang araw ng nakalipas simula ng magtagpo ulit kami ni Cody my Childhood friend.
Alam nyo simula noon naging madalas na ang pagpunta ni Cody dito sa Coffee Shop na pinagtratrabahuhan ko at ganoon pa rin parehas lang ang inoorder niya. Ano pa nga ba ? edi ang favorite niyang caffe latte.
"Sige wait lang" sinimulan ko ng gawin ang latte niya.
"Eto pala bayad ko Tyra" inabutan nanaman niya ko ng 500 na buo.
"I received 500pesos. Your change is 380pesos but as always keep the change" pag sasabi ko.
Bahagya naman niyang napatawa don
Paano ba naman kasi sa tuwing nandito siya sa shop eh pag bibili siya ang ibabayad niya eh 500 pesos na buo tapos kapag susuklian ko naman keep the change daw kahit pinipilit kong suklian siya. Di ko alam kung wala ba tong barya sa wallet o bulsa niya eh.
"Pakidala nalang sa table ko Tyra salamat" ngumiti siya bago mag hanap ng pwesto kung saan siya uupo.
Matapos kong gawin ang latte niya eh ako na ang nagdala sa kinauupuan niya dahil wala pa naman na order at busy din ang ibang mga waiter sa kalilinis ng ibang table at kaka asikaso ng ibang order dahil kabubukas lang ng shop.
"Oh latte mo" lapag ko sa table niya.
Ngumiti naman siya sakin at humigop sa latte niya "Salamat Tyra" pag papasalamat niya.
Curious na curious talaga ako sa isang bagay eh kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko na siya dahil ito na ang chance ko para magtanong dahil wala pa naman masyadong customer dahil maaga pa at kabubukas palang ng shop.
"Cody ..." pag kuha ko ng atensyon niya. Nananatili akong nakatayo sa harapan niya at ayoko naman umupo dahil oras naman ng trabaho ko. Alam nyo na pag nakita nanaman ako ni Jane eh mamaya gawan ako ng issue ng bruhang yon.
Napatingin naman siya sakin "Bakit?"
Sinimulan ko ng magtanong " Cody bakit ba lagi kang naka sumbrero at shades?"
Lakas kasi niya makapang mysterious look eh nacucurious talaga ako hahaha
muntik na siyang maubo sa tanong ko.
Eh? bakit kaya?
"A-Ano kasi... Ito yung bagong look na outfit ngayon" pag papaliwanag niya
Eh? ganyan? ang corny naman.
"Ganon? sorry di ako updated hahaha" pagpapaliwanag ko.
"Bakit? wala kabang social account Tyra?" Tanong niya
"Wala eh." Sabi ko.
"Hala? so hindi ka updated sa mga nauuso ngayon saka mga sikat na tao ngayon?" Tanong niya.
"Hindi eh. Wala din ako panahon sa ganyan Cody at isa pa tignan mo naman cellphone ko" nilabas ko naman ang cellphone kong keypad "muka ba itong makakapag internet?" kasi naman wala din ako cellphone pang internet kaya di ako ma update sa mga nangyayari sa bansa at wala din kaming tv para makanood ako ng balita. Ayoko naman mag rent ng computer dahil masasayang lang oras ko dun.
"kaya pala..." narinig kong bulong ni Cody
"Anong kaya pala ha?" tanong ko
Hindi ko kasi maintindihan pinagsasabi niya.
"Wala wala hahahaha" sagot niya sakin.
Napatango tango na lamang ako.
May dumating naman na isang lalaki at umupo sa tapat ni Cody.

BINABASA MO ANG
The Band's Slave (On-Hold)
RandomMinsan may mga tao tayong hindi inaasahan na makakatulong sa atin. Minsan hindi rin natin inaasahan ang mga taong babalik muli sa buhay natin. Siya si Tyraphiena, isang simpleng babae na nag nanais lamang mapagtapos ang kanyang kapatid na si Selena...