Tyraphiena's POV
"Hey slave" tawag sa akin ng pesteng Claude na to na ngayon ay nag papacute sa akin. Pwe!
Nilingon ko naman siya dahil kanina pa siya tawag ng tawag sa akin. "Yes sir Claude?" binigyan ko naman siya ng plastic na ngiti.
"Bili mo ako sa baba ng soda dali!" Aba maka utos to wagas ah. Pero dahil siya ang isa sa mga boss ko sinunod ko na lang tutal wala naman kami prof ngayon.
"Opo sir Claude." napaka plastic kong sabi sa kanya.
Bumaba na ako ng cafeteria. Psh ang pesteng Claude talaga na yon. Kanina pa utos ng utos sakin.
Maski pag bura ng ng drawing niya ako ang pinabubura. -_-
Lalaglag ang lapis niya ng sadya sakin pinapupulot. Napaka siraulo ng lalaking yon.
Nandito nako sa Cafeteria ng makasalubong ko si Dominique.
"Hi" bati ko sa kanyan ngunit as always inisnob lang ako hahahaha. Pero okay lang yun.
"Fruit soda lemon." tipid niyang bili sa tindera.
"Ako din po soda." pag bili ko.
Parehas namin kinuha yung binili namin at sabay ng umakyat. Grabe ang tahimik nitong si Dominique ah. Habang umaakyat kami eh wala talagang pansinan. Psh.
Nakarating nako sa sa room at nilapag sa table ni Claude yung soda na pinapabili niya.
"Oh soda mo." sabi ko.
"What the fuck?! Fruit soda sinabi ko! Ano yan bakit simpleng soda lang?!" Badtrip na sabi nito.
Aba ang loko! May sinabi ba siya? tss. Inirapan ko nalang siya at bumaba ulit para bumili ng fruit soda niya.
"Ate fruit soda nga po." pagbili ko.
"Ano flavor." tanong ni ateng tindera.
"Bahala na po kayo." at inabot naman niya sakin ang orange soda.
Bumalik na ako sa taas at muling inabot sa kanya ang fruit soda niya. "Oh. Fruit soda mo." walang gana kong sabi.
"What the fuck again?!!! Sabi ko fruit soda lemon! Bakit orange to?!" gigil na sabi nanaman niya.
Psh. Baka may sinabi siyang lemon? tss.
"Kung nililinaw mo sana kasi diba?" sagot ko sa kanya.
"Ano?! nagrereklamo ka?" Tanong niya sakin.
Oo nagrereklamo ako! kanina ka pang unggoy ka! Arrggh!
"Hindi po, ito na bibila na ng FRUIT SODA LEMON mo." talagang pinagdiinan ko pa sa kanya yung pinabibili niya. Tss. Talagang pinapahirapan ako ng lalaking to nakakainis.
Tatayo na sana ako ng biglang nilapag ni Dominique ang isang fruit soda na lemon sa table ni Claude.
Teka yun yung binili niya kanina ah?
Pagkalapag niya non eh hindi na siya nag salita pa at lumabas na ng room.
Uy kung sinuswerte ka nga naman oh hahahahaha.
"Ano unggoy?- este Sir ? may uutos ka pa ba?" plastic kong tanong sa Claude na to.
"Anong sabi mo?!" gigil na tugon nito.
"Ang sabi ko po kung may iuutos kapa?" bait baitan kong tanong dahil deep inside nang gigigil na talaga ako sa lalaking to.
"Wala na! mamaya nalang ulit!" Ano ba tong lalaki na to. Pwe. Nakakainis ang pag mumukha niya.
Nag make face nalang ako na parang ginagaya siya at hindi naman na niya yon na pansin.
----
Nasa kalagitnaan kami ng klase ngayon ng biglang derederetsong pumasok si Ashton sa room.Aba ang loko may balak palang pumasok at may pa late late pang nalalaman hahahaha.
"Hey hey! Mr. Lee! Stop there!" sigaw ng prof namin kaya naman napahinto si Ashton sa kinatatayuan niya.
"What?" bored na tanong nito.
"Why are you late?" mataray nitong tanong.
"What do you care?" pabalang naman na sagot ni Ashton. Aba aba walang galang ang isang to ah.
"ANO?!" sigaw ng prof.
Oh noh! Hindi pwede to!
"I said, what-" I cut him off.
"Ahm. Ma'am sorry po! Nag ka lbm po kasi si Ashton kaya po na late siya." pag papaliwanag ko.
Nilingon naman ako ni Ashton at binigyan ng What-the-fuck-are-you-saying?-look.
Kaya naman binigyan ko siya ng Basta-makisakay-ka-nalang-look.
"At sino ka naman para malaman yon?" mataray at nakataas kilay na tanong sa akin ng prof.
"Ahm. Personal assistant po ako ng Voices kaya alam ko po ang lahat ng nangyayari sa kanila." pag papaliwanag ko.
Kailangan ko kasi gumawa ng kwento para hindi masira ang image ng mga to. Lalo na tong si Ashton.
Mukang nakumbinsi ko naman ang prof namin dahil pinaupo na niya kami ni Ashton.
Nagsimula na rin mag bulungan ang mga kaklase namin pero wala akong pakialam sa kanila.
Juskooo bakit ba kasi napaka maldito ng lalaking yon? sagutin ba naman ng pabalang yung prof namin? buti nalang talaga at aware ako sa mga palusot na idadahilan ko incase na masira ang image mga to.
Tinignan ko naman si Ashton at ang loko nakatingin ng masama sa akin na akala mo pinapatay ako sa isip niya.
Aweee nakakatakot T^T
"Tyra! Woy! ano ba iniisip mo? Kanina pa kita tinatawag!" nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na si Blaire.
"Oh ? bakit? Uy may prof tayo ano kaba." pag sasabi ko at sabay lingon at hinanap ang prof. Baka mapagalitan kami eh.
"Tss. See? lutang ka talaga! kaka alis lang at may emergency meeting daw. Hindi mo napansin noh?" sabi nito kaya naman nginitian ko nalang siya. Grabe hahaha natakot kasi ako kanina sa tingin ni Ashton kaya hindi ko napansin na umalis pala ang prof namin.
"Ano ang kailangan mo?" tanong ko kay Blaire
"Wala naman. Halika dun ka muna sa upuan namin ni Cody. Kwentuhan muna tayo." sabi nito. Tatayo na sana ko ng biglang sumabat ni Claude.
"Hep hep! Anong kwentuhan?!" tanong nito.
"Tanga kaba pre? hindi mo alam yung kwentuhan?" nagtatakang tanong naman ni Blaire.
"Alam ko! What I mean is bakit kayo mag kwekwentuhan? tss." napairap nalang sa kawalan si Claude dahil sa tanong ni Blaire sa kanya hahahaha. Nakakatawang mag usap ang dalawang to.
"Pakealam mo pre? Kung gusto mo sama ka?" tanong naman ni Blaire.
"Hindi pwede! may ginagawa ako! Kailangan ko ng slave." -______- Psh kahit kailan talaga panira ang lalaking to.
"Pero-" pinutol niya ang pagsasalita ng Blaire.
"Wala ng pero pero. Chu! Chupi! Mamaya kana mang istorbo." sabi pa nito at tinaboy taboy si Blaire. Napakamot nalang si Blaire sa ulo niya at umalis.
-_________-
"Oh bakit?" tanong sakin ng pesteng Claude na to.
Napairap nalang din ako sa kawalan dahil sa bwiset na lalaking to!
"Hoy! halika mag uusap tayo!" biglang hila sakin papatayo ni Ashton.
"Hoy hindi pwede-" Ashton cut him off.
"Shut up!" natameme na lamang si Claude at mismong si Claude hindi na nakapagsalita ng higitin ako ni Ashton at hinila papunta sa labas.
Jusko anong problema ng lalaking to?
----
A/N: Hi! Enjoy reading guys. 💕-ShiningShimmery.
BINABASA MO ANG
The Band's Slave (On-Hold)
RandomMinsan may mga tao tayong hindi inaasahan na makakatulong sa atin. Minsan hindi rin natin inaasahan ang mga taong babalik muli sa buhay natin. Siya si Tyraphiena, isang simpleng babae na nag nanais lamang mapagtapos ang kanyang kapatid na si Selena...