Tyraphiena's Pov
"CODY?!/TYRAPHIENA?!"
Sabay namin sabi.
Omayghadddd! My childhood friend is here!
"Tyraphiena Perri ikaw ba 'yan?!" Nasayang niyang tanong sa'kin.
"Oo! Oo! Cody Winchester ikaw ba 'yan?!" Masaya ko ding tanong sa kaniya.
Actually, mukha kaming tanga. Para kaming long lost bestfriend na ngayon lang nagkita.
Actually, totoo din naman. He is my childhood friend. Sobrang close namin before nung kasama pa namin si mama. Bago niya kami iwan sa puder ng tita namin.
Simula nang mapunta kami sa tita namin nawalan na kami ng connection ni Cody.
"Ano?! Si Cody Winchester nandito?" Biglang sulpot ni Adrian sa likod ko.
"Oo. Eto kaharap ko. Bakit? Kilala mo ba siya?" Takang tanong ko kay Adrian.
Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita si Cody. Problema nito? o_O
"Oh my goshhhhh...." Halos pabulong na sabi ni Adrian.
Seriously?! Bakla ba 'to? Masyado ba siyang na pogian sa child hood friend ko?
"OMG! ANDITO SI COD--" Nagulat naman ako nang biglang takpan ni Cody nang kamay niya yung bibig ni Adrian.
Seriously what is happening right now? I'm so clueless. Mag kakilala ba sila?
Bigla naman sinuot ni Cody yung shades niya habang hawak hawak pa rin ang bibig nang kaibigan kong si Adrian.
Halos kasi pagtinginan na kami ng mga tao dito. Nako ayoko pa naman yung pinag titinginan ako. Ayoko nang attention nang marami. Hindi kasi ako sociable na tao. Puro ako trabaho. Kailangan kong mabuhay ang sarili ko at ang kapatid ko. Ako lang kasi ang kumikita ng pera saming dalawa ni Selena. Ayoko siyang pag trabahuhin kahit gusto niya akong tulungan. Kailangan niyang mag-aral nang mabuti para gumanda ang buhay namin in the future.
Hinila ni Cody si Adrian at inupo sa isang table. Sumunod naman din ako.
"Ano bang nangyayari ha? Anong eksena yang ginawa niyo?" Tanong ko sa dalawa.
"Seriously Tyra? Hindi mo ba siya kilala? Siya si Cody mem--" tinakpan ulit ni Cody ang bibig ni Adrian.
Ano ba 'tong dalawang 'to?
May binulong naman si Cody kay Adrian dahilan para manahimik silang dalawa. Napatahimik ang loko at tumango tango naman.
Secret on ba sila? Bading ba 'tong mga 'to?
"Hoy ano ba? Mag jowa ba kayo?! Malamang kilala ko 'yan Adrian! Childhood friend ko 'yan eh! Kayo ba mag kakilala?!" Inis kong tanong.
Naiinis na kasi ako. Parang nag lilihim sa'kin 'tong dalawang 'to!
"Oo mag kakilala kami. Naging tropa ko 'to dati sa school na pinag aaralan ko nung highschool nang mawalay tayo sa isa't isa Tyraphiena. Hindi ba pre?" Biglang baling niya nang tingin kay Adrian.
"Oo Tyra! Mag tropa kami!" Tuwang tuwa na sabi ni Adrian.
Ano lang? Proud na proud silang mag tropa sila?
"Ehem"
Napalingon ako ng may umubo sa likuran ko.
Nakataas ang kilay niyang sumalubong sa akin.
Sino pa ba? Edi si Jane the Clown.
"Pinagtratrabaho kaba dito para lumandi ng mga customer ha?!" Bulyaw nanaman niya sakin.
BINABASA MO ANG
The Band's Slave (On-Hold)
De TodoMinsan may mga tao tayong hindi inaasahan na makakatulong sa atin. Minsan hindi rin natin inaasahan ang mga taong babalik muli sa buhay natin. Siya si Tyraphiena, isang simpleng babae na nag nanais lamang mapagtapos ang kanyang kapatid na si Selena...