Enix Hotel
KINAKABAHAN si Genna. Nagsimula na ang engagement party nina Stein at Eura pero wala pa rin si Melvin. Kanina pa niya tinatawagan ang binata pero hindi naman sumasagot. Baka nasa kandungan na naman ng kung sinong babae ang ugok na iyon.
May kung sinong humawak sa kanyang balikat. Nalingunan niya si Charly. Her best friend looked stunning in her daring black dress. She was with Crey who looked so handsome in his three-piece dark suit. Lalong bumagay sa isa't isa sina Charly at Crey dahil sa kanya-kanyang suot.
"Both of you look gorgeous," sinserong komento niya.
"Salamat. Ikaw rin naman, ah," sabi ni Charly.
Ngumiti lang si Genna. She wore a plain white dress, her hair was tied up in an elegant bun and she even applied makeup on her face. Bihira lang siyang mag-ayos at ginawa niya iyon dahil espesyal ang araw na iyon para sa kaibigan nilang si Stein.
"'Wag kang mag-alala, Gen. We're here for you," nakangiting sabi ni Charly.
"I assure you, kapag may ginawang kalokohan si Seigo, ipapakaladkad ko siya palabas ng hotel ko," sabi naman ni Crey sa malamig na tinig. Si Crey kasi ang nagmamay-ari ng Enix Hotel.
Natawa nang marahan si Genna. "I'm fine, Charly, Boss Crey." Pasimple uli siyang luminga sa paligid. Naroon na ang lahat ng mga kaibigan nila, maliban lang talaga sa Melvin na iyon. Kung kailan kailangang-kailangan niya, saka naman nawawala si Melvin.
"Don't worry, Gen, your knight in shining armor will surely be here for you," parang nanunuksong sabi ni Charly.
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Nahalata pala siya masyado. "A-alam ko naman 'yon. Nag-aalala lang ako kung bakit wala pa siya."
Lumagpas ang tingin ni Crey sa kanya. "Stein. Eura."
Nalingunan ni Genna ang magkasintahang nabanggit.
Eura looked so lovely in her pink tube dress which was paired off with elegant white fishnet gloves and stilletos. Her face looked so radiant.
Stein, on the other hand, looked so dashing in his obviously expensive suit. Mahirap magdesisyon kung sino ang pinakaguwapo sa mga kaibigan niya dahil pare-pareho ang lebel ng kaguwapuhan. Subalit sa gabing iyon, ibibigay niya ang boto kay Stein. Kumbaga sa babae, napaka-blooming nitong tingnan.
"Congratulations on your engagement, Stein, Eura," masayang bati ni Genna.
Stein looked relieved. "Thank you, Genna. I'm really glad you're here."
Pabiro niya itong hinampas sa braso. "Ano ka ba? Magkaibigan tayo. Hindi ako papayag na hindi makadalo sa espesyal na okasyong 'to."
Stein just smiled. Then, he turned to Eura.
"Genna, salamat sa pagdalo," nakangiting sabi ni Eura, pero mababakas ang pag-aalala sa mga mata. "Puwede ba kitang makausap sandali?"
Stein, Charly, and Crey excused themselves, leaving her and Eura alone.
Hinawakan siya ni Eura sa kamay. She smiled apologetically at her. "Genna, hindi ko alam kung bakit, pero nasabi sa 'kin ni Stein na may alitan kayo ni Seigo. Pasensiya ka na kung hindi ko magawang hindi siya imbitahin sa engagement party ko. He's a very good friend of mine."
Ngumiti siya. "Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya, Eura. Naiintindihan ko naman. Party mo 'to kaya may karapatan kang imbitahan ang mga gusto mong imbitahan."
Parang nakahinga ito nang maluwag. "Salamat. 'Akala ko, sasama ang loob mo sa 'kin."
Natawa siya nang marahan. "You're very precious to Stein, Eura. At kaibigan na rin ang turing ko sa 'yo. 'Wag mo 'kong intindihin at i-enjoy mo na lang ang party mo."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)
RomanceHe always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. [PUBLISHED 2015 under Precious Pages]...