SUMAKIT ang lalamunan ni Genna sa pagpipigil umiyak nang makita niya si Seigo na nakaupo sa swivel chair sa gitna ng Botanical Garden habang nakapikit. Sa harap ng binata ay may mesa kung saan nakapatong ang isang pamilyar na coffee mug. Halatang luma na iyon at may lamat na. Habang nakatingin siya roon ay bumalik sa kanyang alaala ang naging una nilang pagkikita.
Nasa loob ng kotse ang sampung taong gulang na si Genna nang huminto ang sasakyan nila dala ng mabigat na trapiko. Tumingin siya sa labas ng bintana. Nasa tapat pala sila ng isang pampublikong eskuwelahan.
Kumunot ang noo niya nang mapansing isang binatilyo ang pinagtutulungan ng isang grupo ng mga lalaking mas malalaki, subalit nakasuot din ng parehong uniporme. Pagkatapos umalis ng grupo ay naiwang nakaupo sa kalsada ang kawawang binatilyo. He looked like a mess! Nag-angat ito ng tingin at di-sinasadyang nagtama ang kanilang mga mata.
There was something in his eyes that squeezed her heart. Namalayan na lang niya ang sarili na binubuksan ang pinto ng kotse.
"Baby, sa'n ka pupunta?" nagtatakang tanong ng yaya niyang katabi niya sa backseat.
"Sandali lang, Yaya." Genna got out of the car and went towards the boy. Naramdaman niyang sumunod agad ang kanyang yaya.
Nag-angat ng tingin ang binatilyo. Sa tingin niya, mas matanda sa kanya nang ilang taon ang binatilyo, mahaba kasi ang mga binti kaya tiyak na matangkad. The boy was handsome, but he had sad eyes. Ah, no. They were empty eyes.
Her heart went out to him. Hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang makitang malungkot ang binatilyo, kahit hindi naman niya ito kilala. May kung ano kasi sa pagkatao ng estranghero na tila humihila sa kanya palapit. Maybe it was his sad aura. And she hated sadness. Ang gusto niya, masaya lang.
"Ano'ng kailangan mo, bata?" tanong ng binatilyo sa malamig na boses.
"Baby, bumalik na tayo sa kotse. Baka malintikan ako sa mga magulang mo," nag-aalalang wika ng kanyang yaya.
"Okay lang, Yaya. Ako'ng bahala." Nag-squat siya paharap sa binatilyo at ngumiti. "Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?"
He gave her a strange look. "Ano?"
"Kape. Ititimpla kita ng kape," ulit niya sa masiglang boses.
Kunot-noong tinitigan siya ng binatilyo na tila ba pinag-aaralan ang kanyang mukha. Ngumiti na lang siya dahil gusto niyang mahawa ito sa kanya. Subalit nanatiling blangko ang ekspresyon ng binatilyo.
She puffed up her cheeks. "Sige na. Tikman mo na ang kape ko. My coffee has magic, you know? It has the ability to make anyone who drinks it happy."
Nagtaas ito ng kilay. "Really?"
She giggled. Naglahad siya ng kamay. "I promise. 'Sama ka na sa 'kin?"
Matagal bago nagdesisyon ang binatilyo na tanggapin ang kamay niya. "Kapag hindi ako naging masaya, lagot ka sa 'king bata ka."
Tumawa lang siya, saka ito hinila patayo. "Ako nga pala si Genna."
Nanatili lang nakatitig ang binatilyo sa magkahawak nilang kamay, at nang mag-angat ng tingin, tila ba may nabuhay sa mga mata nito. "Ako naman si Seigo."
Lumapit si Genna sa mesa at maingat na hinawakan ang lumang coffee mug. Pumatak ang mga luha niya. Iyon ang coffee mug na ginamit noon ni Seigo nang dalhin niya ito sa bahay nila anim na taon na ang nakalilipas. She traced her finger on the wooden table as she remembered the first time they had "coffee time" together.
"Do you still remember our first conversation six years ago, Genna?" tanong ni Seigo nang hindi nagmumulat ng mga mata. He must have sensed her presence and instantly knew it was her.
Tumango siya. "And it hurts. So much."
"Seigo, masarap ba?" excited na tanong ng batang si Genna matapos humigop ang binatilyo ng inihanda niyang kape pagdating nila kanina sa bahay. Nasa hardin sila. Gusto niyang tawaging "kuya" si Seigo dahil mas matanda ito sa kanya nang tatlong taon, pero ayaw raw nitong magkaroon ng nakababatang kapatid, kahit daw tawag lang iyon.
Eleganteng inilapag ni Seigo ang coffee mug sa mesa. "Ano ba ang gusto mong marinig?'
Lumabi siya. "Siyempre, 'yong totoo!"
"Hindi."
Napasinghap siya at agad bumagsak ang mga balikat. Anak siya ng may-ari ng pinakamalaking coffee factory sa Pilipinas kaya mula nang matuto siyang gumamit ng coffeemaker—noong walong taong gulang siya—ay hindi na niya tinantanan ang pag-aaral na gumawa ng masarap na kape. She was planning to take over their company someday after all.
"Hindi ka nagkamali," biglang wika ni Seigo. "Nakakapagpasaya nga ng tao ang kape mo."
Napasinghap siya. Eksaktong pag-angat niya ng tingin ay nahuli niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ni Seigo. She was instantly mesmerized by his beautiful smile. It reminded her of her late brother's warm smile. Ah, iyon marahil ang dahilan kung bakit magaan ang loob niya kay Seigo—nakikita niya rito ang namayapa niyang kuya.
Pero agad ding nawala ang kanyang ngiti nang mapansin niya ang sugat sa gilid ng mga labi nito. "Seigo, bakit ka nakikipag-away?"
"Hindi ako nakikipag-away. Those boys were just making fun of me."
"Making fun of you? Why?"
Ngumisi ito at itinuro ang sarili. "Dahil anak ako sa labas."
Kumunot ang noo ni Genna. "Anak sa labas? What does it mean?"
Nagkibit-balikat ang binatilyo. "Anak ako ng papa ko sa kabit niya. Apparently, hindi tanggap ng pamilya ng ama ko ang mama ko na nagmula sa mahirap na pamilya. After I was born, my father abandoned us and married a woman who comes from a very rich clan, and then they had a son. My father left us just like that and started a new family—a happy one."
Hindi niya gaanong naiintindihan ang sinasabi nito. "You have a younger brother?"
"Yes." Umiling-iling ang binatilyo. "But let's not talk about that."
"Does it make you sad?"
Isang malungkot na ngiti lang ang isinagot ni Seigo.
Ipinatong niya ang mga braso sa mesa, saka nakangiti niyang inilapit ang mukha sa binatilyo. "Kapag malungkot ka, puntahan mo lang ako. Ipagtitimpla kita ng kape para maging masaya ka."
Muli itong ngumiti. Then, he ruffled her hair playfully. "Maaasahan ko ba 'yan?"
Bumungisngis siya. "Oo naman!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)
RomanceHe always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. [PUBLISHED 2015 under Precious Pages]...