18th Chapter: Genna's Decision

2.1K 97 4
                                    

Kahit Saan Fast-Food Restaurant

"ARAY! Aray! Aray!" reklamo ni Melvin habang ginagamot ni Sley ang sugat sa gilid ng kanyang mga labi.

Kagabi kasi ay sinapak siya ni Charly dahil nahuli siya nitong nasa akto ng paghalik kay Genna. Apparently, Charly did not know he had already kissed Genna even before she came along. Mabuti na lang dahil kung hindi, hindi niya alam kung ano na ang nagawa ni Charly sa kanya.

"Ano na naman ba kasi ang ginawa mong kalokohan at nagalit sa 'yo si Charly?" iiling-iling na tanong ni Sley. "At dapat, kagabi ka pa sa 'kin nagpunta para magpagamot. Kapag naimpeksiyon 'tong sugat mo, bahala ka sa buhay mo."

Umupo si Primo sa armrest ng kinauupuan niya at ipinatong ang braso sa kanyang balikat. "'Wag ka namang ganyan, Sley. Por que ba si Melvin ang nasaktan, siya na agad ang may kasalanan?" pagtatanggol nito sa kanya.

Niyakap ni Melvin si Primo. "My lord, ikaw na lang talaga ang nagmamahal sa 'kin!"

Nalukot ang mukha ni Stein. "Kapag nakita kayo nina Pearl at Genna, baka makipaghiwalay sa inyo ang mga 'yon," halatang nanunuksong sabi nito. Alam naman nilang lahat na form of entertainment lang sa Luna Ville ang "Primo-Melvin love team."

Natawa naman si Alaude. "Sino ba'ng mag-aakala na ang dalawang dakilang babaero ng Luna Ville ay nakatali na ngayon sa isang babae lang? I didn't see this coming."

"Uuuy... gustong i-reminisce ni Alaude ang single days namin ni Lord Primo," tukso ni Melvin.

"'Lol!"

Nagkatawanan na lang silang magkakaibigan. Pero sa kalagitnaan ng pagsasaya, biglang pumasok sa isip ni Melvin ang magandang mukha ni Genna. He sighed. Even though he was happy with his friends, he still missed her. Kahit pa sabihing kagabi lang niya huling nakita ang dalaga.

The memory of the kiss he and Genna shared last night filled his senses. Pero kasabay rin niyon ay naalala niya ang pagsuntok sa kanya ni Charly.

Totally worth it!

Napangiti siya at nahampas pa niya ang braso ni Primo na ikinasinghap nito.

"What's wrong with you, Melvin? Stop grinning like an idiot!" saway ni Primo.

Hindi niya ito pinansin. Hindi siya pinatulog ng halik na iyon. Genna wasn't his first kiss, but he was sure her lips were the sweetest of all. At nang matikman niya ang halik ng dalaga, wala na siyang balak pa na humalik ng iba. He wanted her to be the last woman whose sweet lips he would kiss...

"I know that look. That was the expression on Primo's face when he finally confessed to Pearl," nakangiwing sabi ni Crey na kababalik lang sa kanilang mesa. Um-order pa kasi ito ng extra rice. "So, have you finally confessed to Gen?"

Naramdaman ni Melvin ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi at pagtama ng kung ano sa kanyang sikmura. "Shit! Now I know what love is!"

"And that is?" naiinip na tanong naman ni Alaude.

"Love is when even though you're happy with your friends, you'll suddenly think of her, grin like a fool and then you'll get this butterflies-ramming-against-your-tummy feeling—in short, kinikilig ka!" natatawang bulalas ni Melvin. Now that his feelings were clear to him, he felt light. Kaya na niyang sabihin iyon kay Genna.

Inasahan niyang pagtatawanan siya ng mga kaibigan dahil sa mga sinabi niya. He was mushy, yes, but he did not care anymore. Kaya laking gulat at pasalamat niya nang mapang-unawang ngiti lang ang itinugon ng kanyang mga kaibigan. Ah, right. Nagmamahal na nga rin pala ang mga kaibigan niya kaya naiintindihan ng mga mokong ang pinagdaraanan niya.

Tinapik siya ni Crey sa balikat. "Take care of her, Melvin."

Inakbayan siya ni Primo. "I'm proud of you, Melvin."

"Thank you," nakangiting sagot niya.

"Melvin, walanghiya kang malandi ka!"

Sabay-sabay silang napatingin sa dumating—si Charly.

Hindi alam ni Melvin kung bakit pero hingal na hingal ang dalaga at parang galit na galit pa sa kanya. Nalaman na kaya ni Charly na hinalikan niya si Genna bago pa siya nito mahuling hahalikan si Genna sa ikalawang pagkakataon? Naalala ba ni Genna ang nangyari nang gabing iyon? "What's wrong, Charly?" nagtatakang tanong niya.

"Ano'ng ginawa mo kay Genna?" galit na tanong ni Charly.

"Ha?"

"Genna's leaving Luna Ville!"

"What?!" sabay-sabay na tanong nila.

"What do you mean Genna is leaving Luna Ville? Bakit hindi niya sinabi sa 'kin 'to?" gulat na tanong ni Primo. "No one's allowed to leave Luna Ville without my permission!" Kinuha nito ang phone at may kung sinong tinawagan. "Pearl, baby, 'wag n'yong hayaang makalabas ng Luna Ville si Genna."

Hinawakan ni Charly si Melvin sa magkabilang-balikat. "Ano'ng ginawa mo kay Genna? Bakit niya tayo iiwan?!"

"I haven't done anything to hurt her!" Marahang inalis ni Melvin ang mga kamay ni Charly sa kanyang mga braso, saka siya nagmamadaling tumakbo palabas ng Kahit Saan. Naramdaman niyang kasunod lang niya ang mga kaibigan.

Lalo yatang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya si Genna, na mukhang nakikipagtalo kay Pearl na pinipigilan ito sa paglabas ng gate ng Luna Ville.

"Hayaan mo 'kong lumabas, Pearl," naiiritang utos ni Genna.

"Pasensiya na pero mariing inutos ni Primo na huwag kang hayaang umalis."

"Genna!" tawag ni Melvin.

Nilingon siya ng dalaga. Lalong kumunot ang noo. "Melvin? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Dumako ang tingin niya sa maletang dala ni Genna, pagkatapos ay sinalubong niya ang nagtataka nitong tingin. "You're leaving. Why? May nagawa ba 'kong mali?" natatarantang tanong niya.

"Wala kang nagawang masama, Melvin."

"Then, why are you leaving?"

Bumuga ng hangin si Genna. "Nagkausap kami ni Seigo. Nagdesisyon akong bigyan siya ng pagkakataong makabawi sa 'kin. At mangyayari 'yon kapag sumama akong magbakasyon sa kanya."

Parang may sumabog na bomba sa magkabila niyang tainga. "You're going on a vacation... with Seigo?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ang dalaga. "Why?!"

"We're just going to spend time together to revive our friendship," kaswal nitong sagot.

Kumunot ang kanyang noo. Pakiramdam niya, binagsakan siya sa ulo ng tatlong magkakasunod na buko. "Are you fucking kidding me?! No grown up man and woman would go on a vacation together just to revive their friendship! Hindi na kayo mga bata, Genna! At pa'no naman ako? Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko sa desisyon mong 'yan?" naghihinanakit na tanong niya. Hindi na niya naitago ang sakit na unti-unti nang nagpaparamdam sa kanyang puso.

"Bakit? Ano ba tayo, Melvin? Hindi ba nasa experimental stage lang naman ang relasyon natin? Ni hindi mo nga masabing mahal mo 'ko, 'di ba? So, as far as I am concerned, hindi tayo at wala kang karapatang panghimasukan ang mga desisyon ko," anito sa malamig na tinig, pagkatapos ay tinalikuran na siya.

"Genna—" Mukhang may sasabihin pa si Charly pero nang itaas ni Genna ang kamay ay tumahimik si Charly.

"Don't try to stop me, guys. Dahil kapag hindi n'yo 'ko pinalabas ng Luna Ville, hinding-hindi n'yo na 'ko makikita," pagbabanta ni Genna.

Sa senyas ni Primo ay parang dagat na nahawi ang mga guwardiya na nakaharang kanina sa daraanan ni Genna. Wala na silang nagawa kundi panoorin si Genna na sumakay sa itim na sasakyan na sumundo rito paglabas ng Luna Ville. It must be Seigo's service vehicle.

Melvin was too shocked to even curse Seigo. But he changed his mind. "Screw you, Seigo!"

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon