KopeeBook
NAG-AALALA na si Genna kay Melvin dahil dalawang araw nang hindi umuuwi ang binata sa Luna Ville. Kapag nawawala si Melvin, tumatawag naman ito sa kanya. Bigla siyang natigilan sa pag-iisip.
Hindi na kayo katulad ng dati, Genna. Hindi ba tinakot mo siya nang magtapat ka sa kanya ng nararamdaman mo? paalala niya sa sarili.
Nag-init ang kanyang magkabilang pisngi nang maalala niya kung paano siya nagtapat kay Melvin, na narinig pa ng lahat ng taga-Luna Ville na nasa KopeeBook noon. Nang mga oras kasi na iyon, sa sobrang sama ng loob niya ay parang wala na siyang pakialam sa mundo. Mabuti na lang at walang nagbabanggit ng isyu na iyon.
Maybe the people in her village were protecting her feelings because they knew that she was brokenhearted, knowing that Melvin did not feel the same way about her.
Napabuntong-hininga na lang siya.
"Are you worried about Melvin?" nag-aalangang tanong ni Melou na kasalukuyan niyang kasalo sa mesa. Nagbabasa ito ng fairy-tale book.
"Ayoko man, hindi ko pa rin mapigilan."
May kung sinong nilingon si Melou. "Lord Primo, Boss Crey, Genna is worried about Melvin. Puwede n'yo ba siyang tulungang hanapin si Melvin?"
Nilingon ni Genna sina Primo at Crey na magkasalo sa iisang mesa. Subalit nakapagitan sa dalawang lalaki si Charly na abala na naman sa pagtipa sa laptop.
"Okay," sabay na sabi nina Primo at Crey, at sabay ding naglabas ng cell phone. Dahil doon ay nagkatinginan nang masama ang dalawa.
"I'm going to call my Pearl and ask her to find Melvin. Back off, Crey," banta ni Primo.
"Why are you giving your fiancée this job? I'm going to form a search team to find Melvin so you back off, Primo."
Lalong naningkit ang mga mata ng dalawang lalaki sa isa't isa.
"I'll find Melvin first!" sabay na deklara nina Primo at Crey.
Napabuntong-hininga na lang si Genna. "Mukha namang wala talaga silang balak hanapin si Melvin. Gusto lang nilang magpayabangan at magpagalingan."
Melou chuckled. "At least, mapapabilis ang paghahanap natin kay Melvin."
Binigyan niya ng nagdududang tingin si Melou. "Sinadya mo bang sina Lord Primo at Boss Crey ang hingan ng tulong para magkompetensiya sila?"
Ngumiti si Melou. "Mas bumibilis kasi ang trabaho kapag nag-uunahan sila."
Natawa si Genna. "True!"
"Well, I guess hindi na nila kailangang mag-aksaya ng lakas at kayamanan para lang hanapin si Kuya Melvin," nakasimangot na sabi ni Umi habang nakatingin sa labas ng salaming bintana ng KopeeBook. "He's back."
"With extra baggage," iiling-iling na dugtong ni Alaude na nakaakbay kay Umi.
Sinundan ni Genna ng tingin ang sanhi ng pagkairita sa mukha nina Umi at Alaude. At parang nanigas siya sa kinauupuan nang makita si Melvin na akay-akay ang isang iika-ika pero magandang babae papasok sa shop. At hindi lang basta kung sino iyon. It was Hazelette—Melvin's first love!
Everyone in the shop fell silent and turned to her at the same time. Then, they all glared at Melvin.
"Hello! I'm back!" sabi ni Melvin sa halatang pilit na pinasiglang boses lamang. "Isinama ko na nga pala si Hazelette dito dahil habang nasa bundok kami ay naaksidente siya. The accident happened in my land, kaya responsibilidad ko siya. So, she'll be staying at my house in the meantime." When no one reacted, he nervously laughed. "Ang saya n'yo naman ngayong araw!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)
RomanceHe always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. [PUBLISHED 2015 under Precious Pages]...