Present time
"SHOULD I go for this, or stick to this, my labs?"
Genna remained emotionless even though she really wanted to frown at Melvin. "Stick to that one, Melvin," bagot na sagot niya.
Kumunot ang noo ni Melvin habang tinitimbang ang mga hawak na pahabang kahon ng toothpaste. Sa kaliwang kamay ay hawak nito ang bagong brand samantalang sa kanan naman ay ang paborito nitong brand ng toothpaste.
Kasalukuyan silang nasa Shop-o-pop Supermarket. Kinaladkad siya ni Melvin doon para lang magpatulong sa pamimili ng toothpaste. Paano ba siya nito naging tagapayo sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay?
"Talaga? Pero nadala kasi ako sa advertisement ng new product na 'to. The commercial said I could impress lots of women if I used this," seryosong sabi ni Melvin.
Muntik nang masapo ni Genna ang kanyang noo. Pagdating talaga sa babae, willing magmukhang tanga ang taong ito. Minsan tuloy, napapaisip siya kung tamang lalaki ang minahal niya.
After Melvin got hurt years ago by the first girl he loved, he became Primo's "disciple" when it came to womanizing.
At hindi siya makapaniwalang in love pa rin siya sa babaerong ito.
Dumako ang tingin niya sa mga ngipin ni Melvin. He had a set of perfect white teeth. Daig pa ang commercial models ng kahit anong brand ng toothpaste. Kunsabagay, pati ang mukha at pangangatawan ni Melvin ay pangmodelo.
"Genna, my labs?" pukaw ni Melvin na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. "Are you okay?"
Muntik na siyang mapapikit nang masamyo ang mabangong hininga ng binata. It seemed that he had natural minty breath. Ikinuyom niya ang kamay para mabilis siyang bumalik sa huwisyo. "I'm okay, Melvin. Ngayon ko lang kasi naisip kung bakit importante sa 'yo ang pagpili ng brand ng toothpaste."
Parang nangislap ang mga mata nito. "Oh. And why is that?"
Ipinagkrus niya ang mga braso, pagkatapos ang isang kamay ay pumisil sa kanyang baba. Ganoon siya kapag nag-iisip. "You have a set of perfect white teeth. Nakakahinayang naman kung hindi mo maaalagaan 'yan. Isa pa, mahilig ka sa matatamis kaya nararapat lang na gumamit ka ng toothpaste na makakapagpatibay ng mga ngipin mo. And your minty breath really smells good—" Natigilan siya nang marinig ang sarili. Huli na para bawiin pa ang mga sinabi niya.
Damn!
Ganoon kasi siya kapag nagbibigay ng opinyon sa isang bagay—hindi niya napipigilan ang sarili na magsalita. Nanigas siya sa kinatatayuan at pigil ang hininga habang hinihintay ang reaksiyon ni Melvin.
Halatang nagulat ang binata. Pero nang makabawi ay ngumiti at nangislap ang mga mata. Kislap na nangangahulugang may gagawin itong kapilyuhan.
Naglakad si Melvin palapit kaya napaatras si Genna hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa estante ng mga produkto. Nalaglag ang mga botelya ng shampoo, alcohol, at kung ano-ano pa pero parang walang pakialam doon ang binata. Kunsabagay, ito ang may-ari ng Shop-o-pop.
Ipinatong ni Melvin ang isang braso sa itaas ng kanyang ulo at ang isang kamay naman ay pumisil sa kanyang baba, iniangat ang kanyang mukha upang salubungin ang tingin nito. Napalunok tuloy siya nang wala sa oras.
Damn you, Melvin! Why do you have to be this handsome? Why do you have to smell this good? At bakit ang lapit ng mukha mo?!
"Hah! What's happening, my labs?" Lalo pang inilapit ni Melvin ang mukha. "Ngayon mo lang ba na-realize kung gaano ako kaguwapo?" tanong nito sa mababa, malalim, at parang nang-aakit na boses.
Pakiramdam niya, nanginig ang kanyang mga tuhod. He could really affect her system this much. Parang nalulunod siya sa itim na itim nitong mga mata. Pabilis nang pabilis at palakas nang palakas na rin ang tibok ng kanyang puso.
Labanan mo ang tentasyon, Genna!
"Melvin, ang sabi ko, maganda ang ngipin mo at mabango ang hininga. Wala akong sinabing guwapo ka," katwiran niya.
Binitawan ng binata ang kanyang baba upang humawak sa sariling dibdib. Umarte pa na may iniindang masakit sa dibdib pero hindi pa rin lumayo sa kanya. "Ouch! Ang sakit n'on, my labs. How dare you call me 'ugly'? Ikaw lang sa buong Pilipinas ang gagawa niyan!" eksaherado at madamdamin nitong reklamo.
Kinutusan niya sa noo si Melvin. "Masamang impluwensiya talaga 'yang si Lord Primo sa 'yo."
"Napaka-judgmental mo naman, Genna!"
Sabay nilang nilingon ang nagsalita. Si Primo. He looked so exhausted while pushing his grocery cart. Ang lalim pa ng eye bags.
"What happened to you, my lord?" kunot-noong tanong ni Melvin nang marahil ay mapansin din na parang pagod na pagod si Primo.
Bumuntong-hininga si Primo. "There's a persistent buyer for Luna Ville—"
"You're selling Luna Ville?!" sabay-sabay na bulalas ng lahat ng nakarinig.
"Of course not!" mabilis na tanggi ni Primo. "Papatayin ako ni Lolo Primitivo kapag ibinenta ko ang Luna Ville, 'no. And there's no way I'm gonna sell my kingdom. That's why I said 'persistent buyer.' Ilang beses ko nang sinabing hindi ko ibebenta ang LV kahit maghirap pa 'ko, pero hindi yata nakakaintindi ng Tagalog at English 'yon. Kausapin mo nga siya in Mandarin, Melvin. Baka sakaling magkaintindihan kayo."
"Is he Chinese?" tanong ni Melvin.
"Japanese."
"Chinese ako, Lord Primo."
"Pareho naman kayong singkit."
"That's racist."
Gumuhit naman ang pagkapahiya sa mukha ni Primo. "I'm so sorry."
Pabirong binatukan ni Melvin si Primo na ikinatawa nilang lahat. Naghaharutan ang dalawang lalaki nang lumapit sa kanya ang isang parang seryoso at malungkot na Stein.
"Genna, can I talk to you?" parang nag-aalangang sabi pa ni Stein.
"Of course. Tungkol ba saan?" She even smiled to encourage him.
Bigla nitong hinawakan ang mga kamay niya. "I'm sorry, Genna."
"Ha?"
"I wasn't able to stop Eura from inviting Seigo to our engagement party. I know how much you hate to see him again..." The expression on Stein's face softened. "But you're my friend. I still want you to be there on my special day."
Everyone fell silent after hearing the name that had not been on everyone's lips for years. He was back.
Seigo is back!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)
RomanceHe always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. [PUBLISHED 2015 under Precious Pages]...