20th Chapter: Long Overdue Confession

2.1K 102 6
                                    

TAHIMIK si Genna habang nasa loob siya ng air-conditioned gondola ng isang Ferris wheel. Nakaupo sa harap niya si Seigo na tahimik lang din at nakatingin sa labas ng bintana.

Tumikhim siya. "Nakakatuwa na ang Ferris wheel ngayon sa Pilipinas, 'di ba? Air-conditioned na, gondola pa. Parang nasa Japan tayo." Mabuti na lang at nawala na ang pagiging claustrophobic niya kaya nakasakay na siya roon.

"Yup."

Hindi akalain ni Genna na pagkatapos niyang sabihing gusto niyang sumakay sa Ferris wheel ay rerentahan ni Seigo ang buong ride. Imbes na regular cabin ay ang VIP cabin pa ang pinagsakyan nila. Leather seats ang kinauupuan nila at may nakahanda pang dinner and wine. He was that rich he could actually make a reservation just hours before the amusement park opened.

"Because you got high grades in your exams, I'm taking you to a amusement park. Let's ride the Ferris wheel together."

Iyon ang nakasulat sa liham na natagpuan niya.

Ngumiti siya nang malungkot. "Seigo, naaalala ko noon na no'ng niyaya tayong magpunta ni Melvin sa perya, hindi mo 'ko pinayagan dahil may study session tayo. Ngayon ko lang nalaman na may balak ka palang dalhin ako sa amusement park pagkatapos ng mga exam ko."

"'Yon ba ang dahilan kung bakit mo ko niyaya rito ngayon?"

"I'm sorry I broke my promise."

"What promise?"

Naramdaman ni Genna ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. "Nangako ako sa 'yo na kapag sumakay ako ng Ferris wheel sa unang pagkakataon, ikaw ang isasama ko. But this isn't my first time riding this."

Ngumiti si Seigo, subalit bahagya pa ring nakakunot ang noo. "Silly. It doesn't matter. Whether this is your first time or not, I'm still happy because you're here now. With me. And that's enough."

Naramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. "Seigo..." Nilunok niya ang nakabara sa kanyang lalamunan, at saka ikinuyom ang mga kamay. "Did you ever love me in a romantic way?"

Ngumiti lang ang binata, pero sapat na iyong kumpirmasyon.

Napahikbi siya. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan sa 'kin? Alam mo ba kung ano'ng nararamdaman ko ngayon? I feel so bad about myself. Nasasaktan na pala kita nang hindi ko alam. Iniisip ko ngayon kung ano'ng nararamdaman mo tuwing lalapitan kita at makikiusap akong makipag-ayos ka kay Melvin. Tuwing sasabihin ko sa 'yo kung gaano siya kahalaga sa 'kin. I feel like a selfish and insensitive bitch right now."

"Don't say that, Genna," saway nito. "Wala kang kasalanan dahil wala ka namang alam sa nararamdaman ko para sa 'yo."

Umiling siya. "I always thought you only saw me as a sister. Na komportable ka lang sa 'kin dahil alam ko ang sekreto mo." Mapait na ngumiti siya. "Or maybe I knew you were in love with me, but I pretended not to know because I didn't know what to do. Siguro kung no'ng una pa lang ay hinarap ko na ang tunay mong nararamdaman para sa 'kin, hindi na tayo umabot pa sa ganito. Hindi sana kita paulit-ulit na nasasaktan."

Sinalubong niya ang tingin ni Seigo. Sa kabila ng panunubig ng kanyang mga mata, nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng binata. "Patawarin mo 'ko sa pagbabale-wala ko sa nararamdaman mo para sa 'kin."

"Don't say you're sorry, because I am not sorry that I love you." Malungkot na ngumiti si Seigo. "Tinatanong mo 'ko kung bakit hindi ko sinabi agad sa 'yo ang nararamdaman ko, 'di ba? Well, it's because the moment I introduced Melvin to you, I saw how your eyes sparkled, and I knew that at very moment, he already captured your heart. Bata ka pa lang, siya na ang mahal mo. Ang sabi ko sa sarili ko noon, magtatapat lang ako sa 'yo kapag nasa tamang edad ka na. Pero bago pa dumating 'yon, minahal mo na siya. Dalawang taon na lang sana noon, niligawan na kita."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Kinausap ko noon si Tita Reina at Tito Marco tungkol sa nararamdaman ko para sa 'yo," anito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama't ina. "Pero ang sabi nila, masyado ka pang bata, lalo na't mas matanda ako sa 'yo. Kaya ang sabi ko, maghihintay ako hanggang sa tumuntong ka sa tamang edad. But Melvin came along. Na walang ibang may kasalanan dahil ako ang nagpakilala sa kanya sa inyo bilang parte ng paghihiganti ko."

Noon naintindihan ni Genna na iyon pala ang tinutukoy ng kanyang ina sa telepono noong magkausap sila. Her mother knew how Seigo felt about her all along. "This may sound boastful, but I've always known you were obsessed with me. Pero ang akala ko, gano'n ka lang dahil sa pagiging possessive mo sa pagkakaibigan natin, since I was the only person you trusted. I was so naive," kondena niya sa sarili.

"Has this confession changed anything?"

Lakas-loob na tinitigan niya nang deretso sa mga mata ang binata. His eyes remained dull, as if he already knew what she was about to say. And it was breaking her heart slowly. So slowly she could almost hear it break with every word she said.

"I'm sorry, Seigo. I love Melvin. I always have, and I always will," halos pabulong na sagot niya.

Had she known Seigo felt that way for her, she would have properly turned him down a long time ago. Sana, hindi na siya nito inalagaan sa puso nang mahabang panahon...

"Kung hindi dumating si Melvin sa buhay natin at nagtapat na ako, may magbabago ba? Ako ba ang mamahalin mo?"

Napaisip si Genna. Seigo then was the person closest to her heart. Subalit dahil wala naman itong espesyal na ipinapakita sa kanya, bukod sa pagiging malapit sa kanya higit kanino man, itinuring niya ito bilang nakatatandang kapatid. Pero kung noong una pa lang ay nalaman niyang mahal siya ni Seigo at walang Melvin na dumating, may magbabago nga kaya?

Malungkot na ngumiti siya. "Maybe. Maybe there's a part of my heart that loves the young boy who used to be my best friend."

Seigo chuckled, but it was lifeless. "That's quite heartbreaking." Tumayo ito at lumipat sa kanyang tabi. Ikinulong ang kanyang mukha sa magkabilang kamay. Ipinikit ang mga mata at pinagdikit ang kanilang mga noo. "Wala akong ibang hangad sa buhay ko kundi ang makapaghiganti sa mga Wu. I was a fool for thinking revenge could make me happy. I lost you in the process. What would I not give to bring back time, to bring back what I had then."

Pumikit si Genna, kasabay ng pagpatak ng mga luha. "Seigo..."

"Armstrong Academy, Luna Ville, the Botanical Garden, Primo, Crey, Sley, Alaude, Stein, Umi, Charly, Melou, Melvin... and you. You, the first person who gave me true happiness after my mother died. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang araw na iabot mo sa 'kin ang maliit mong kamay. Nang unang araw na ipagtimpla mo ako ng kape. Pakiramdam ko, nagkaro'n ako ng kakampi. That aside from my mother, someone cared about me. That was the reason why I became so possessive of you—I didn't want to lose you. At lalo akong natakot na mapunta ka kay Melvin na kinamumuhian ko. But in the end, I still lost you." Bumuga ito ng hangin. "I give up, Genna."

"What do you mean?"

"Hindi ko na kayo guguluhin. Hindi ko na sasaktan si Melvin."

"Bakit?"

"Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa paghihiganting wala namang pinatutunguhan. I thought I would be happy to see Melvin hurt, but I realized I was wrong. There's no greater pain than hurting yourself in the process of hurting people whom you thought you hated, but actually love."

Napahikbi siya nang bumalik sa alaala niya ang isang malaking apoy. "But we betrayed you, Seigo."

He chuckled. "So did I, so we're even."

Naramdaman niya ang marahang pagdampi ng mga labi ni Seigo sa kanyang mga labi. Napasinghap siya at agad nagmulat. Gusto niyang sampalin ang binata dahil sa pagnanakaw ng halik, pero nang makita niya ang sakit at kalungkutan sa mga mata nito, natunaw agad ang kanyang galit.

Marahan niya itong itinulak nang tangkaing halikan siyang muli. "Don't, Seigo."

He smiled sadly. The kind of smile that broke her heart once more. "Good-bye, Genna. I love you. I always have, and I always will."

Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon