"WELL, I'm kind of disappointed. 'Akala ko naman, kulay-blue talaga ang buwan," sabi ni Genna habang nakatingin sa full moon na normal pa rin naman sa kanyang paningin.
Naroon sila ni Melvin sa Luna Ville flower-bed kung saan sila madalas tumambay kapag problemado ang isa sa kanila. Naglatag ng blanket ang binata at may dala ring picnic basket na puno ng sandwich at sitsirya.
He chuckled. "Silly. Blue moon is just a term derived from the phrase 'once in a blue moon' since it is unusual to have four full moons in a season. Usually, we only have three full moons." Itinuro nito ang bilog na buwan. "And that is the third for this year so we call it a 'blue moon.'"
She clapped her hands. "Wow. Hindi ko alam na magaling ka pala sa Science," biro niya na tinawanan lang ng binata. "Bakit mo ba 'ko dinala rito, Melvin?"
Nakangisi itong bumaling sa kanya. "Hindi mo ba alam ang tungkol sa legend ng Luna Ville kapag may blue moon, my labs?"
Umiling si Genna. "Hindi. Bakit? Ano'ng meron kapag may blue moon?"
Pumalatak ang binata. "Hindi ako makapaniwalang hindi mo alam ang tungkol dito. Kapag may blue moon, may lumalabas daw na bulaklak na nagbibigay-suwerte sa kung sino man ang makakakita n'on."
"Oh. So, saan natin makikita 'yon?"
Biglang humiga sa damuhan si Melvin. "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, suwerte raw ang masinagan ng liwanag ng buwan kapag blue moon."
"Tsk! Eh, bakit dinala mo pa 'ko rito? Ang lamig-lamig kaya!"
Tiningnan siya ng binata at saka ibinuka ang mga braso. "Come here, my labs. You can lie beside me and I'll warm you with my embrace."
Kinutusan niya ito sa noo. "Manyak ka talaga!"
Natawa si Melvin. Okay lang sana ang offer. Ang kaso, alam naman niyang sa oras na patulan niya ang iniaalok ay maiilang si Melvin sa kanya. He was a womanizer. Kapag alam nitong nagiging attached na ang isang babae, lumalayo na si Melvin. The only reason they have been good friends for the past twelve years was because she never showed him any sign that she was in love with him.
Kapag nalaman ni Melvin na mahal niya ito, iiwan din siya ng binata. Dahil maliwanag pa sa sinag ng buwan na matalik na kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.
"O, bakit nalungkot ka bigla?" nag-aalalang tanong ni Melvin.
Umiling si Genna. "'Wag mo ngang pansinin lahat ng nangyayari sa 'kin."
"Alam mong imposible 'yan. Maski nga kurap ng mga mata mo, alam ko na ang ibig sabihin."
Yes, you're keen when it comes to trivial things. But you're dense as hell when it comes to my feelings for you!
Bumangon si Melvin. He poked her forehead. "O, nakakunot naman 'yang noo mo ngayon. I'm sure, isinusumpa mo na naman ako sa isip mo."
"Correction, matagal na kitang pinatay sa isip ko," biro ni Genna na tinawanan lang ng binata. Nahawa na rin yata siya sa buhay na buhay na tawa nito kaya natawa na rin siya. Na-realize kasi niyang walang sense ang pinag-uusapan nila.
Pero kahit gaano pala kawalang sense ang pinag-uusapan n'yo ng isang taong mahalaga sa 'yo, nagiging importante ang bawat salitang sasabihin niya.
"You finally laughed!" masayang bulalas ni Melvin.
Bigla naman siyang natigilan sa pagtawa. "'Wag mong sabihing dinala mo 'ko rito para lang patawanin ako?"
Inakbayan siya ng binata. "Siyempre naman. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka."
Oo na. Mahal kita. "Sige nga, mag-tumbling ka," hamon niya. Iniisip kasi niyang mag-e-"egg roll" na naman si Melvin gaya ng ginawa nito noon.
"Hah! Hinihintay kong sabihin mo 'yan!" maangas na sabi ni Melvin, pagkatapos ay tumayo. "Watch me!"
Sa kanyang pagkagulat ay bigla na lang itong nag-cartwheel! Hindi lang isang beses—he did it again and again until she lost count and just watched him in awe.
Nakakagulat na marunong na palang mag-tumbling si Melvin. At lalo siyang natitigilan dahil tuwing mag-a-acrobatic sa ere ay lumililis ang T-shirt ng binata. She could clearly see his washboard stomach!
Abs everywhere!
Nang mapagod ay bigla na lang sumalampak ng upo sa damuhan si Melvin, may-kalayuan na sa kanya. Sweat was running down his neck, and he was breathing heavily. "How was that, Gen?" nakangising tanong ng binata.
Bumunot siya ng mga damo, saka inihagis kay Melvin kahit alam niyang hindi naman ito tatamaan. "Loko ka! Kelan ka pa natutong mag-tumbling?"
"Matagal na, 'no! Simula nang hamunin mo 'kong mag-tumbling no'ng high school tayo. Pinag-aralan ko 'to dahil ayokong mapahiya uli kapag hinamon mo 'ko."
Napangiti siya. Wasn't he sweet? "Pa'no 'yan? Nami-miss ko na ang egg roll mo."
Natawa ang binata. "Here I come, my labs." Pinagdikit nito ang mga binti, niyakap ang mga iyon, saka gumulong pabalik sa kanya.
Natawa si Genna. Ang laking tao ni Melvin pero ginawa pa rin iyon para lang sa kanya. Ni hindi nga niya kinailangang magdalawang-salita. Ngayon, paano niya pagsasabihan ang kanyang puso na huwag itong mahalin? He was giving her more reason to love him!
Huminto ang paggulong ni Melvin sa harap niya. At ginulat na naman siya nang gawin nitong unan ang mga hita niya nang walang permiso. "Ah! This is life!"
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. "S-sira ka talaga! Alam kong mataba ako pero kailangan mo ba talaga akong gawing kama?"
Ngumisi ang binata. "You know I feel comfortable when I'm with you." Again, much to her surprise, he pinched her cheeks. "You know, Genna, humans are naturally weak. But they grow stronger when they have someone to protect."
"So, you'll protect me so you'll grow stronger?"
Natawa si Melvin. "I'll grow stronger so I can protect you," pagtatama nito.
Tinapik niya ang mga kamay ni Melvin sa kanyang mukha. Kinikilig kasi siya at baka makahalata pa ang binata. Manenermon sana siya nang may mapansin siya sa tumpok ng itim na itim nitong buhok. Parang ba may kung anong kulay-ginto na kumislap doon. "What's that?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ang alin?"
Pinayuko niya si Melvin. Dahil nagpagulong-gulong sa damuhan kanina, may kung ano-anong dahon na ang sumabit sa buhok ng binata. But something stood out—a golden flower! Kinuha niya iyon at ipinakita.
"Lucky!" masayang bulalas ni Melvin. "Totoo ngang may kakaibang bulaklak dito sa Luna Ville na lumalabas lang 'pag blue moon!"
Napaisip si Genna habang pinagmamasdan ang ginintuang bulaklak. Parang ba nakabukas na pakpak ng paruparo ang mga iyon. Parang nakita na niya ang bulaklak. Napasinghap siya. "Melvin, hindi ba ganito 'yong nakita natin sa bundok mo noon?"
Napaisip din ang binata. "Tama! Blue moon din no'ng umakyat tayo sa bundok—" Natigilan ito, pagkuwa'y luminga sa paligid. Pagkatapos ay nanlaki nang bahagya ang singkit na mga mata. "Wow! Look at them, Gen!"
Luminga din siya sa paligid. At napasinghap. Hindi niya namalayang napapaligiran na pala sila ng mga nagliliwanag na alitaptap. They were all shining! Kulay-ginto ang mga iyon na lalong tumingkad sa madilim na kalangitan. Lumilipad ang mga alitaptap sa paligid nila at kung titingnang mabuti, parang ba sumasayaw ang mga iyon. They were so beautiful!
And then the golden flower she was holding shone like gold, too. Mabilis lang ang pangyayari. Nagkatinginan sila ni Melvin at kapwa nagtanungan kung totoo bang nangyari iyon.
"Maybe, legends are real," nakangising sabi ni Melvin.
Napatitig na lang siya kay Melvin. She did not really care about legends or supernatural occurrences. Being with him under the blue moon, with the beautiful fireflies around them, and having the privilege of watching his handsome face this close as she fell in love with him all over again, was already magical for her.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 5: Lucky Golden Artemis (COMPLETE)
RomanceHe always thought the words "I love you" were very special. Ngayon lang niya naisip na hindi pala totoo 'yon. Dahil nagiging espesyal lang 'yon kapag nagmula ang mga salitang 'yon sa taong gusto mong mahalin ka. [PUBLISHED 2015 under Precious Pages]...