Maeya POV (May continuation po)
Nakaupo ako ngayon sa upuan ko na malapit sa bintana. Wala si Kate nasa C.R. eh . Nakatingin ako sa labas. Ang ingay nung mga kaklase ko kaya sinuot ko yung headphone ko.Nagpatugtog ako ng Hayaan mo sila? Weyt bakit ako may ganong kanta ? Ah Alam ko na walanghiya talaga yung pinsan Kong si Tiffany tsk tsk pasa ng pasa ng kanta sa cp ko eh Alam namang ang tinatanggap ko lang ay KPOP.
Nilipat ko yung kanta at lumipat sa Euphoria ng BTS. Goshhh ang ganda nung Boses ni Jungkook Para bang anghel na sasalubong sayo sa pintuan ng langit hahahaha
♪Your the cause of my Euphoria♪
Oy hindi nyo pa pala ako kilala no? Hi Guyseu ako nga pala si Trisha Mae Yaneza o Maeya. Isang simpleng babae na hmmm Nagmamahal ng taong hindi ako mahal. Kumbaga One sided love hahaha pero tanggap ko yon dahil Alam Kong pagtapos ng storyang to kami ni jhelo ang magkakaktuluyan hohohoho
Oh si Kate ba kilala nyo na? Syempre hindi kase kanina hindi nyo pa kilala yung bida eh pano pa kaya yung extra hahaha joki joki lang so ayan back tayo kay Kate. Si Katelyn Concepción o Kate ay ang bitter ko kaibigan na pinaitan pa ang lasa ng ampalaya hahaha. Hindi naman Bitter sadyang hindi lang siya naniniwala sa Forever.
Kinuha ko yung Cp ko at nagbukas ng Facebook. Ang unang bumungad sa akin ay yung pinned post ko yung post ni otor este ni Js na Five Ways.Nagawa ko na yung una kaya ngayon gagawin ko yung pangalawa na
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tip#2:
Padalhan ng Love letter but he didn't know its you
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Lahhh pano ko siya susulatan nang love letter kung simpleng Crush kita diko masabi huhuhu kala ko madali lang mahirap pala.
"Guys!!!"sigaw nung Class president namin. Sa sobrang lakas ay narinig ko kahit full volume yung headphone ko.Tsk tsk .
"Wala si Ma'am Buenavista kaya sabi ni Sir. Agustin na mag review nalang daw muna tayo"sabi niya. At dahil section 3 kami ay..... Hindi kami nagreview yung iba nagdaldalan yung iba naglaro.Tsk tsk masanay na kayo samin hahaha.
"Oh bat ang ingay nila bakit absent ba si Mam. Buenavista kaya pinagreview na lang tayo ni Sir. Agustin?"biglang bungad ni Kate sakin. Wow astig niya pano nya agad nalaman iyon?
"Wag mo akong tatanungin kung bakit ko Alam yon dahil kilala ko na yung section natin"nailing na sabi ni kate at umupo sa tabi ko.Holoh pano niya nalaman na gusto kong tanungin siya OMO!!! Kamag-anak yata nya si Lola Basyang!!!!
"Tsk tsk Hoy maeya hindi ko kamag-anak si Lola Basyang no!!! Madali lang talaga mabasa yung nasa isip mo"paliwanag ni kate Ay sayang kala ko...
"Wag mo nang ituloy yang nasa isip mo dahil kahit kamag-anak ko pa si Lola Basyang hinding-hindi ko huhulaan love life mo kay james"sabi niya. Langya ang advance naman niya hindi ko pa nga natatanong hindi agad ang sagot nya.
"Oy kate meron ka bang Bond Paper,Colored Paper,Calligraphy Pen,Envelope at Garfield Stickers?"tanong ko sa kanya.
"Oo naman!!! bakit san mo gagamitin???"tanong niya. Sabi na meron siya eh Parang National Bookstore kaya yung bag niya hahaha kumpleto sa gamit.
"Wala may gagawin lang ako"nakangiti kong sinabi habang tinitignan siyang nilalabas yung mga hinihingi ko.
"Maeya may kalokohan ka na naman bang gagawin???"tanong niya at tinignan ako ng nanlalaki ang mata.
"Lahhh wala ah balak ko lang sulatan si Jhelo ng letter"painosente Kong sabi at tumingin sa malayo.
"Alam ko na lahat ng ginawa mong katangahan Para kay james Maeya dahil nasa tabi mo ako habang Ginagawa mo yung mga yun"sabi ni Kate habang nilalapit yung mukha niya sakin.
"Lahhh wala kaya akong ginagawang katangahan"sabi ko at pilit Kong inilalayo yung mukha ni Kate.
"Wala ba? Eh ano yung pagtretrespassing sa subdivision nila ,Isama narin natin yung pakikipag-away mo dun sa mga nagkakagusto kay James at pagsusulat ng Mahal na mahal kita Jhelo sa blackboard ng section 1 ? Hindi ba masasabi na katangahan yon?"mahaba nyang sabi.
"Eh Kate naman susulatan ko lang naman siya ng letter eh!!!"Parang batang sabi ko.
"Ano ibibigay mo sa kaniya ng harapan?"tanong niya saken langya oo nga pano nato???!!!
"H-hindi uy Kate tulungan mo naman ako"pagmamaka-awa ko sa kaniya with matching puppy .
"Bakit kita tutulungan sarili mong katangahan yan?"tanong niya sakin.
"Please Pretty Please"lalo ko pang pagmamaka-awa. At tingin ko tumalab naman hohohoho(A/N: Naging si Santa Clause na naman siya)
"Hay naku!!! OK ibigay mo na lang yan sa pamamagitan ng pasikretong paglagay sa Locker nya" hala ??!!
"Oy Kate wala tayong susi nung locker niya??!!!"sabi ko with matching alog pa sa kanya.
"Tayo wala pero si tiffany meron"nakangiting nang nakakaloko siya habang sinasabi niya yon kaya napalunok ako.
"Beh wag namang si tiffany!!!!"sabi ko. Huhuhu bakit kase kailangang si tiffany pa na pinsan ko na isang SSG at tama siya si Tiffany ay meron lahat ng susi ng locker sa buong school.
"Bakit naman pinsan mo naman siya?" Tanong niya sakin. Hinawakan ko siya sa balikat at tinitigan si Kate sa mata.
"Kate hindi mo kilala si Tiffany kung anong hihilingin mo sa kanya kailangang may kapalit"sabi ko sa kanya na akala mo isang aswang si tiffany dahil sa takot sa mukha ko.
"Bahala ka wala na tayong magagawa kailangan mo talagang ibigay iyan sa kanya ng harapan"sabi ni kate at tumayo na para kausapin yung kaklase namin dahil isa siyang officer sa room.
Ako naman back to make a letter to ma luvs. Mga ilang oras ay natapos ko na yung letter hehehe at ang ganda nung design kulay red na may Garfield na design wahh ang cute talaga ni Garfield. Ito yung nakasulat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Five Ways To Find If H e Loves Me
Cerita PendekHi Ako nga pala si Trisha Mae Yaneza isang...dyosa hahahaha.Nandito tayo as kwento ni otor Para malaman kung pano Ako umasa ehem ehem wrong sentence excuse me po!!!!! Hahaha nandito talaga tayo Para malaman kung crush Ako ng crush ko in Five Ways na...