Letters for HIM

105 1 0
                                    

Letters for HIM

All Right reserved by Fishda wattpad

Letters for HIM 1

June 3, 2013

 For T,

Nung una kitang naka-chat akala ko masungit ka. Yun pala hindi, alam mo nung araw na feeling close ako sayo sobrang saya ko, bawat readers na nag cocomment sa post mo kina-seselosan ko, ang weird nga eh! Natanung ko nga noon sa sarili ko, “Pwede ba mainlove ang reader sa isang fictional character?”

Minahal kita nang biglaan, nasaktan ako ng malaman ko na may iba kana palang mahal. Sabi ko sa sarili ko, “Sus, magbrebreak din kayo”.

Simula nung araw na yun lagi tayo nag chachat. Kahit may klase ako , malolowbat na ang cellphone ko, masisira na ang battery ng cellphone ko ay ka chat pa din kita. Naiilang ako tuwing nag-mumura ka,naiinis ako gusto sana kita iapsalvage XD, de joke seryoso nakakainis!

Isang linggong lumipas, nagsasabihan na tayo ng ilove you. May call sign na rin tayo. Napapangiti ako sa bawat pick-up line mo sa akin. Aba! Mas nagulat naman ako nung mas kinilig ka pa sa akin nung binanatan kita ng pick-up line.

Nagulat ka sa akin nung nalaman mong  binabasa ko noon ay ang libro ni Jose Rizal , na Noli Me Tangere. Sabi mo pa noon “ Di nga? Hindi ka ba naboboring?”.  Doon mo nalaman na  mahilg ako sa libro.

Naalala mo pa noong , birthday ko? 17 years old na ako, 11pm gising pa ako.. Inaantay kitang batiin ako ng “Happy Birthday , Ganda!” . Naiiyak ako, kasi akala ko hindi mo ko babatiin.

11:43PM

“HAPPY BIRTHDAY, GANDA! GODBLESS! :*”

Simpleng mensahe sa timeline ko,pero nakakataba ng puso. Ikaw pa ang huling-huli na bumati sa akin. Sa lahat ng lalaki na duamting sa buhay ko, nagpakatotoo.Hindi pa nga tayo sawa sa pag uusap natin noon dba? Kahit paulit-ulit yung topic natin.Siguro minahal ka nila dahil nagpakatotoo ka.

 

Ang hindi ko malilimutan yung nag –away tayo dahil sinabi ko na ‘layuan mo na ako’,lasing ka pa noon, nagkausap tayo.

Sabi mo “ Ayaw ko na lumayo ka”

Naiiyak ako noon kasi mahal na mahal kita,gusto ko na ipagdamot kita sakanila pero hindi naman tayo dba? Mutual Understanding.

“ ANG UNANG MAINLOVE AY TALO”

Hahaha! Yan una kong sinabi sayo, so talo ako. Nainlove ako sayo..

Sorry sa kasalanan ko sayo. Sorry… hindi ko naman alam na ganun ang mangyayari sana mabasa mo ito at mapatawad mo ako…

Nagmamahal,

Selena.

-

AUTHOR’S NOTE!

omg! May part two pa ito!!!!!!!!! <3<3

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon