Letters For My Future Partner 5

14 1 0
                                    

LFMFP 2.3.2.3

“Your task is not to seek for love, but merely to seek and find all the barriers within yourself that you have built against it.”

― Rumi

-

*tsup*

WATDAFAQ!

Napahawak ako sa Labi ko.. Anak ng chocolate!

“HAHAHAHA!”  malakas nyang tawa

“BWISIT KA!” sabi ko sakanya at inalis ang ulo nya sa lap ko, nauntog sya mahina sa may sahig.Buti nga sakanya.

Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa may sahig,kunuha ko ang bag  ko at inilagay ko sa balikat ko. Ngasimula na ako maglakad ng may humablot sa braso ko.

“BAKIT?” Pag kairita kong tanung ko sakanya,Nakangisi pa rin siya.

“HAHAHA!Ba-Bakit kasi nilalapit mo mukha mo sa mukha ko? May balak ka bang halikan ako? Ayan tuloy na unahan na kita..” sabi nya habang nakangiti sa akin.

“Baliw!May langaw sa mukha mo.” sabi ko sakanya,  I’m blushing to death.. I know..

Wala naman akong balak halikan sya.. AY basta! Natuwa lang ako na pagmasdan ang mukha nya.

“HAHAHA! Namumula ka!” sabi nya sa akin.

“TSE!” pagsusungit ko sakanya.

“Tara kaen na tayo.. Wag ka mag alala secret lang natin yun” sabi nya sa akin ,at hinila nya na akong papuntang canteen.

-

Nang makababa na kami , as usual lahat ng estudyante nakatingin sa aming dalawa. Paano ba naman kasi,hawak nya ang kamay ko.. in short Holding  hands while walking ..

“KEN…”

“Hayaan mo lang sila..” sabi nya sa akin habang nakangiti.

Napapansin ko kanina pa siya nakangkiti, nagmumukha tuloy siyang baliw.

“ DADDY!”  sigaw ni Anne,  mula sa terrace ng room nila.Lumapit naman si Ken dun sa tapat ng terrace, mali. KAMI pala, magkahawak ang mga  kamay namin.

“Oh?” sabi nya kay Anne

“Ganda ng ngiti ah?” bati nya kay Ken. “ Hi Selen” bati naman niya sa akin.

“Hi”  bati ko rin sakanya at ngumiti ako sakanya, ngumiti rin sya sa akin.

“Pwede ba ako sumabay sa inyo na mag breaktime?” Tanung  nya sa amin.

Tumungin si Ken sa akin, tumango ako. Nakita kong ngumiti si Anne, yung ngiting walang kaplastikan..

Nang makarating na kami sa canteen  naghanap kami ni Anne ng upuan, nag volunteer si Ken, na sya na daw ang bibili ng  pagkain namin..  Tinignan ko isa-isa ang mga  taong nasa canteen , hindi ko mahanap yung tatlo.. Saan kaya sila pumunta..?

“Sina Rose ba hinahanap mo? Nasa building E sila ..”  sabi ni Anne.

Hindi ko alam kung anu irereact ko,  dahil kinausap nya ako. Unang tingin ko kasi sakanya nun  ay masungit.Hindi naman pala.

“Selen, dun nalang tayo oh” sabi ni Anne sabay turo dun sa table na malapit sa  pintuan. Agad kami pumunta sa table, halos mapanis ang laway ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sakanya, ayaw ko makipag-feeling close dahil first time ko lang naman sya makakasama.Malay ko na, nakikpagplastikan lang pala siya.

Ang Tamang hinala mo , Selen sabi ko sa sarili ko.Kinuha ko nalang ang cellphone ko, maglalaro nalang ako Death trap 2.

“Selen”

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko.

Si Anne.

“Ahm..”

“Nagyon ko lang ulit nakitang tumawa si Daddy..” sabi nya sa akin at nakangiti.

“Ah..”

“Ah.. Selen..”  Ngumiti sya sa akin. “ Sorry nga pala, tsaka pwede ba tayong maging magkaibigan?”

Ngumiti ako ..“ Wala yun.. Sure”

“Hi! I’m Anne, and you are?” sabi nya sa akin at inilahad nya ang kanyang kanang palad.

Ngumiti ako  sakanya…

“ I’m Selena. Nice to meet you , Anne” sabi ko sakanya at  inabot ko ang kanyang kamay.

“Nice to meet you too!” sabi nya ng nakangiti.

“EHEM!”

Sabay kaming napatingin ni Anne, nakita namin si Ken na maraming dalang pagkain.

“Libre mo lahat ?” tanung ko sakanya

“Bakit may balak ka bang bayaran ako?” tanung  nya sa akin

“Pwede palang sagutin ang  isang tanung na katulad rin nyang tanung.” sabi ko sakanya

Nilapag na nya ang mga pagkain sa  mesa. Umupo sya sa tabi ko, ako? nakatingin sakanya. Inoobserbahan ko ang kilos ng panget na to.

What if..

Maging kami?

 Masaya ako kapag kasama ko sya, pero hindi maiiwasan ang pagsubok sa isang relasyon..

What if…

Mahal nya pa si Teffi.. Ano kaya ang mararamdaman ko??

Hindi naman mahirap mahalin si Ken, kahit Gangster sya.   Hindi naman siya totally na masama, siguro may problema lang sya sa family…

Masasaktan ba ako?

What if…

Mahal nya pala ako?

Masaya kasi mahal ako ng taong mahal ko.. Kaso kailangan ko ba isakripisyo ang pagkakaibigan namin para lang maging masaya ako?

-

AUTHOR'S NOTE: Sa ngayon yan muna. Babalik tayo sa reality. Baka nextweek ako mag a-update. Nagtataka siguro kung bakit 2.3.1 sarili ko pong codes yan. Title yan ng chapter :). Thanks :)

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon