Letters For My Future Partner 2.1.2

14 2 0
                                    

Hindi man sya kasali sa student council, siya ang kanang kamay ng Disciplinary Teacher ng buong school.

Nakaupo ang D.T namin sa upuan nya at hinarap nya kaming dalawa ni Ken The Gangster

“Kayo na ba?” tanung sa amin ng D.T

“Nope! Sr, we’re jus bestfriends” I said to him

“ Weh? Di nga?? Bakit ka namumula Ken?” – D.T.

Tumingin ako kay Ken. Namumula nga sya.

“ Hindi po kame sir, promise magkaibigan lang kami”

“Kaya pala magkahawak yung kamay nyong dalawa” sabi niya at nakatingin sa amin.

Nagkatinginan kami ni Ken, at sabay kami napatingin sa mga kamay namin.

Magkahawak nga.

Sabay namin binitawan ang isa’t-isa.Ramam ko ang pag-init ng mukha ko,ilang oras na nga ba magkahawak ang mga kamay namin?

Dahil , malapit lang ang classroom nila Ken The Gangster sa  office ni sir, ay nakita ko kung paano tumingin ang mga classmate nya sa akin,kulang na lang magpalamon ako sa lupa dahil sa nakakamatay nilang titig sa akin, lalo na ang EX ni Ken na si Teffi, panay ang irap  sa akin kulang na lang mahulog ang mga eyeballs nya. Hindi ba siya napapagod sa kakairap sa kin.

Maganda si Teffi ,nakakaagaw pansin lang talaga sa kanya ang malaki nyang hinaharap at kung paano makisama sa mga classmate nya. tinuturing sya Mommy ng mga classmate nilang babae, dahil  kay Ken. Yeah! Si Ken anman ang Daddy nila at sya ang presidente ng klase nila. Kaya  isang sabi lang ni Ken ay agad nilang sinusunod..

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, bumalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang paghawak ulit ni Ken sa kamay ko.

“Let’s go”

Tumango ako at tumingin kay Sir .. “ Sir, alis na po kami.Thank you po”

“Sige. Enjoy your date” sabi nya at binigyan nya kami ng nakakalokong ngiti.

Lumabas kami ng Office, lahat ng classmate ni Ken nakatingin sa akin.Lalo na si Teffi at yung anak-anakan nyang si Anne..

Nauunang maglakad si Ken kaysa sa akin, hila-hila nya ako.

“Selen”

 Napatingin ako sa tumawag sa akin.

 Si Shannie.

Bestfriend ko nung 2nd year highschool ako at Besfriend din ni Teffi.

Napahinto ako at si Ken, napatingin ako kay Shan,

“Hi” sabi ko sakanya at binigyan ko sya ng pilit na ngiti.

Nang tignan ko si Ken nakita ko na masam ang tingin nya kay Shan,  tumingin ako uli kay Shan at senenyasan nya ako na Next-time-na-lang-tayo-mag-usap-look.

Tumango na lang ako para sa pasang-ayon.

Lumakad kami ni Ken,papuntang canteen halos ng tao nakatingin sa amin  dahil sa holding hands while walking namin. Siguro, nilalait na ako sa isipan nila,dahil pinatulan ni Ken ang panget na katulad ko.

Yun ang tingin ko sa sarili ko, PANGET ako. Mata ko lang naman nagdadala sa sarili ko dahil sa kasingkitan nito.

“Panget, anung gusto mo?”

“Ha?”

“Sabi ko anu gusto mong pagkain” sigaw nya sa akin at nakakuha ng atensyon sa canteen

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon