Letters for my Future Partner

40 1 0
                                    

Selena POV

Tatlong taon na nakakaraan ng isulat ko ang isang pahina na sulat ko  para sakanya.Akala ko sa taon na lilipas ay kukupas ang nararamdaman ko para sakanya pero habang tumatagal angn panahon ay lalong lumalala ang pagmamahal ko sakanya.

Tatlong walang komunikasyon sakanya.

Tatlong taon na walang nagpapangiti sa akin.

Tatlong taon na walang tuamtawag sa aking “Ganda”.

Sa lahat ng lalaki na dumating sa buhay ko ay siya nagsabi sa akin na maganda ako.

Noong nawala sya sa buhay ko , wala rin ako sa sarili ko. Hindi yung tipong malapit na magpakamatay ha? Yung tipong marami ka lang iniwasan na taong malalapit sayo dahil ayaw mo nakikita nila ang weak-side ng buo mong pagkatao.

Kahinaan ko talag ang iwan ako ng mga taong malalapit sa akin at mahal ko..

 

T,

Tatlong taon ng lumipas nang magkakilala tayo. Miss na miss na kita,kailan ka ba ulit magpaparamdam? Naaalala mo pa kaya ako?

Tatlong taon na,ikaw pa rin laman ng puso ko.

Sana magkita tayo.

 

Love,

Selena

 

-

Naka-upo ako sa  bench at binabasa ko ang isinulat ko sa dairy ko. May umagos na tubig mula sa aking mga mata. Agad ko ito pinunasan upang hindi makita ng ibang tao, baka sabihin nilang masyado akong emotera, nasa park pa naman ako.

Masakit pa rin para sa akin ang pag-iwan nya.

Minahal ko sya ng sobra  kahit na hindi namin alam ang mga tunay  naming pagkatao.

Oo, sa cyber kami nag-kakilala ni T.

Imposible,para sa iba magmahal ng hindi mo kakilala at sa cyber pa. Isa syang operator ng isang fictional character. Hindi ko man lang alam ang itsura nya ngunit alam ko ang ugaling meron  sya.

 Prangka syang tao.

Sasabihin nya talaga kung ano ang saloobin nya sayo. Habnag nag cha-chat kami at nagagalit sya iniimagine ko kung ano itsura nya nun, sasabihin ko “Cute nya siguro”

“Miss okay ka lang?”

Napatingin ako sa taong nagsalita.

Isang lalaki ang nakatayo sa harapan ko at halatang nag-aalala ang mukha nya.

Tumango lang ako para sa sagot sa katanungan nya.

Ako yung taong hindi nagsasalita lalo na kapag hindi ko kakilala.

Ngumiti sya. Ngiting abot langit at makikita mo ang mga dimples nya.

Umupo sya sa tabi ko at umuso ag ng kaunte para may space sa gitna namin.

“Alam mo, hindi naman masama ang umiyak lalo na kung alam mong sobrang sakit na” sabi nya sa akin.

Tumingin ako sakanya at nagtama ang aming mga mata.

“Kailangan mo rin to ilabas para gumaan ang pakiramdam mo”

Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa dairy ko

“Hindi sa lahat ng oras kailangan mong ilabas ang nararamdaman mo,kailangan mo rin itago para hindi mag-alala ang mga taong nagmamahal sayo” sabi ko sakanya at isinarado ko na ang diary ko.

“ Kung isasarili mo yan magkakasakit ka, mas mabuti pang naglalabas ka ng problema mo sa ibang tao, kasi mas maiintindihan ka nila”.

Napaisip ako sa sianbi nya.

Ugali ko kasi hindi maglabas ng sama ng loob sa ibang tao. Observant kasi ako, isang tingin ko lang sayo alam ko na ugali mo. Mababasa kasi yun sa kilos ng isang tao kung mapagpanggap o hindi.

Nagdesisyon na ako na tumayo  mula sa kinauupuan ko. Nramdaman ko rin ang presensya nya na tumayo rin mula sa pagkakaupo nya.

“Aalis na ako”  paalam ko sakanya

Akmang hahakbang na ako ng sabihin niya na..

“Kung may problema ka, pumunta ka dito sa kinakaupuan natin. Pupunta ako kung sakaling kailangan mo masasabihan ng problema mo.

.

..

.

Sya nga pala ako si VM. Nice to meet you,Selen! Ingat”

Napako ako sa kinakatayuan ko.

Tama ba na narinig ko ang pangalan ko.

Lumingon ako sa kinaroroonan nya.

Nakangiti sya na akala mo hindi dumarating ang problema sa buhay nya.

-

Author's Note:

Hindi ko alam kung hanggang saan to. BASTA para kay future partner to <3

-

FISH

Letter for HIM & Letters for my Future PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon